Kabanata 13

45 2 0
                                    

“Manang!" kumaripas ako ng takbo papunta sa kusina. Dahil matagal akong nakatulog kagabi kaya hindi ko na naabutan si Leon. Gusto ko sanang magluto para sa kanya.

“Ano bang problema?" kumakaway na naman ang namimintas niyang kilay.

“Si Leon? Umalis na po ba, Manang?"humahangos ako habang nagsasalita.

Napuyat ako kagabi, ayan tuloy na-late ako ng gising.

“Bukas, agahan mong gumising para naman magkita kayo ng asawa mo! Ano naman iyang problema niyo?"nawalan ako ng gana. Umupo nalang ako para kumain ng almusal.

“Gusto ko lang namang magtrabaho, Manang! Para may sarili akong pera!”

“Mas mabuti nga kapag ganoon kaso hindi mo alam kung ano talaga ang dahilan niya kaya ayaw ka niyang payagan! Baka natatakot iyang iwan mo kapag na-enjoy mo na ang buhay sa labas!”

“At isa pa, kahit apo ninyo sa tuhod kaya niyang buhayin!”

“Apo agad, Manang. Wala pa ngang laman!” minsan naisip ko, baka bata lang ang kulang sa pagsasama namin. Pero hanggang ngayon wala pa rin, eh. Ilang araw na ngang walang nangyari sa amin. Namula ang aking pisngi sa naisip. Parang ako pa ang nanghinayang.

Hindi kaya biro iyong huli naming pagtatalik. At isa pa bakit naman siya matatakot? Iniiwasan nga niya ako palagi.

Pagkatapos kumain, sakto naman at dumating na ang mga inorder ko online.

Tingnan natin kung hindi pa rin ako kakausapin kapag binago ko ito lahat.

Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Sinimulan kong tanggalin ang mga kurtinang mas lalong nagpadilim sa paligid. Excited ako sa bagong bili, kulay beige. Iniba ko rin ang posisyon ng ilang kagamitan. Pati ang abstract painting tinanggal ko rin. Anong magagawa niya? Eh, sobrang bored ko na talaga! Dinala ko sa loob ang ilang halaman para tumaas ang air quality.

At nang makita ang resulta ng aking ginawang make-over, gusto kong gumulong sa tuwa. Ang ganda. Pwede na siguro akong maging interior designer nito. Gusto kong tumawa sa naisip na kalokohan. Ito naman talaga ang gusto ko noon pa, kaso noong nawala si Ate biglang nag-iba ang aking pananaw. Accountancy ang kinuha kong kurso katulad niya. At isa pa gusto kong makatulong kay Kuya Louis sa mga negosyo nito. Napakahirap ng course na iyon tapos hindi ko lang pala magagamit!

Kung ano-ano nalang ang naisipan kong gawin kaya hindi ko na namalayan ang oras. Hapon na pala!

Noong bata pa lang ako ginagawa kong hobby ang pagdesign ng mga kwarto nina Ate Alya, Kuya Amir, at ang pinakapasaway kong kapatid si Alba. Tunog babae ang pangalan pero gwapong lalaki, sabi niya. Gusto kong magprotesta kaso totoo naman talaga.

Mas gwapo at mas matalino iyon kaya natanggap sa middle east bilang Engineer. Kaso nga lang babaero. Hindi katulad ni Kuya Amir, napakaloyal.

Miss ko na ang pag-aagawan namin ng pritong galunggong ni Alba. Dalawang taon lang ang pagitan ng aming mga edad kaya nag-uunahan kami sa atensyon nina Ate.

Hindi naman kasi iyon pahuhuli. Kahit lalaki siya, hindi niya ako pagbibigyan. Mapa-tong-its o tumba lata. Papagurin ka lang niya hangga't iiyak nalang ako sa gilid dahil sa inis na mas nagpapasaya sa kanya.

Nagising ako nang may hanging dumampi sa aking pisngi. Nag-unat bago tumingin sa orasang nakasabit sa dingding. It's 5 PM.

“Ay, kabayo!"

Ang tangkang paghikab ay 'di natuloy. Umikot ang mundo ko sa biglaang pag-upo dahil sa lalaking nakatunghay sa aking ulunan.

“N-napaaga ka 'ata?” nauutal kong tanong

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon