Kabanata 9

52 2 0
                                    

WARNING: SCENES ARE DISTURBING AHEAD

“ You are my wife. Act like one!” galit ang kanyang boses. Binitawan niya ang aking palapulsuhan at mabilis na tumalikod paalis.

Nagulat, hindi lang sa tunog ng pagbalibag ng pintuan kundi sa gulat ng kanyang ginawa. Ayaw niyang lumabas ako nang nag-iisa pero dahil sa aking narinig kanina, hindi ko na kinaya. Gusto kong huminga para kahit katiting mabawasan man lang ang bigat.

Pero masaya ako, dahil kahit konti alam kong nag-aalala siya sa akin. Ang mga konting bagay na aking pinanghahawakan habang siya ay minamahal.

Nang masiguro kong wala na siya, kinuha ko ang mga nagkalat na sirang damit at panloob. Pati tuloy paborito kong panty nadamay. Hindi naman ako magpoprotesta kung balian sa kama ang gusto niya para lang humupa kung gaano man kabigat ang galit na bumabagabag sa kanya.

Hindi man niya sabihin, alam kong may kakaiba sa kanya na ayaw niyang ibahagi sa akin o sa ibang tao. Dinadala niya sa galit at paninigaw ang lahat ng kanyang kabiguan. Nagbabalat-kayo para sabihing malakas ngunit alam ko sa sarili kong may pinagdadaanan siya.

Kinuha ko ang manipis na sapin sa kama at daling binalot sa aking katawan. Yakap ko ang aking mga damit dahil baka pwede pang tahiin.

Matagal bago ako lumabas mula sa banyo dahil sa maligamgam na tubig na dumadaloy mula sa dutsa. Guminhawa ang aking pakiramdam, pati ang pagbara ng ilong at pagsakit ng ulo kanina ay nawala.

Sinuot ko ang roba na nakatupi at kinuha ang maliit na tuwalya upang punasan ang aking buhok bago bumaba upang kumain.

Nalipasan tuloy ako ng gutom dahil sa maraming nangyari. Ilang putahe ng fresh seafoods at may dessert pang kasama ang nasa mesa. Nagtataka ako kung kumain na ba siya dahil wala pang bawas ang ulam pati ang kanin ay nanlalamig na. Nagbukod ako ng ilang bowl para sa kanya bago nilantakan ang mga nakahain.

Dumako ang mata ko sa dingding. 1:30am. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok kahit naubos ko na ang isang basong gatas. Nag-aalala ako kung bakit hindi pa siya umuuwi. Baka iniwan na ako nun.

Napatayo ako sa galak ng tumunog ang pintuan sa baba. Tunog ng mga yabag ang aking naririnig mula hagdanan senyales na pumapanhik na siya sa kanyang silid.

Nandito na siya kaya makakatulog na ako ng mahimbing.

Ilang sandali ang lumipas...

“ Why are you here?” nagulat ako ng biglang bumukas ang aking pintuan at pumasok ang galit na galit niyang mukha. Namumula ang kanyang leeg pataas ngunit ang mas lalong umagaw sa aking atensyon ay ang sugatan niyang labi.

“ Anong nangyari Leon?” kahit siguro isang drum ng inuming alak nito hindi parin malalasing. Prente pa ring nakatayo at mas tumindi ang galit nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin.

Umiwas siya nang hawakan ko ang kanyang panga upang suriing mabuti.

“ Bakit may pasa ka? Sinong nakaaway mo, Leon?” tumaas ang boses ko kaya mukha siyang natigilan.

Sinunggaban ko ang pagkatigagal niya at dali siyang hinila. Pinaupo sa kama at tinakbo ang medicine kit na nakita ko sa aking banyo.

Kita ko ang mga sulyap niya mula sa gilid ng aking mata habang nilalagyan ko ng gamot ang sugatan niyang labi.

“ Bakit ka andito? I told you to stay in...”

“ Ouchh— dahan-dahan!” dahil sa kaba mula sa kanyang mga titig at sunod-sunod na tanong kaya nadiin ko ang bulak na may kaunting betadine.

“ Huwag ka kasing malikot!” kahit hindi naman. Nabawasan na ang galit sa kanyang mga mata kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.

“ O, ayan tapos na!” wala ng bangas. Ang gwapo pa rin kahit may band-aid sa labi.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon