“Don't you dare hurt her, Mama!” dumagundong ang boses ni Leon. Dinig ko ang paparating niyang yabag. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at walang salitang namutawi sa aking labi upang ipagtanggol ang aking sarili laban sa kanyang ina.
Pilit na pinoproseso ng aking utak ang nangyayari. Namanhid ang buo kong mukha. Kung hindi lang siya nahawakan ni Volcan, siguradong hindi siya titigil. Nanggagalaiti siya sa galit sa 'di malamang dahilan.
Hindi ko siya maintindihan. Siya ang may atraso sa akin ngunit bakit siya pa ang may ganang sumugod at manakit.
Bumalik lang ang aking katinuan nang humarang sa aking harapan si Leon. Hinawakan niya ang aking braso at tinago sa kanyang likuran.
“Nagawa mo pa talagang dalhin iyang asa-asawahan mo sa mansion, Leon? Hindi siya nababagay doon! Tabi at kakalbuhin ko iyan para matauhan sa kanyang pagiging ilusyunada!” nagpupumiglas siya at nagpupumilit akong abutin. Hinawakan ni Leon ang aking siko nang sinubukan kong humarap sa kanya. Gusto ko siyang intindihin dahil ina siya ng lalaking mahal ko. Pero paano kami magkakaintindihan kung galit ang pinapairal niya.
Wala naman akong planong angkinin ang yaman nila. Kung iyon ang kanyang pinoproblema.
“Huwag mong kwestiyunin ang mga desisyon ko, Mama! Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo! You should respect my wife inside our home at kahit saan mang pagmamay-ari ko dahil asawa ko siya!”
“Hindi mo ba nakikita? Come to think of it! Her sister married a rich man! They're eyeing bachelors, na katulad mo. Hindi niyo ba iyon nakikita? Ang tanga mo!!!”
“Are you talking about your self?Well, do you know what's the good thing, Mama?”
“She's not like you!!!”
“Ina mo pa rin ako, Leon! Kaya magdahan-dahan ka sa mga pananalita mo!!!”
“Sinimulan niyo naman 'to 'diba? Fine! Gusto mong pag-usapan natin ang pagiging ina mo?”
“One thing, Mama! Isang bagay lang ang hiningi ko sa'yo. Respetuhin mo ang asawa ko kundi magkakalimutan tayong dalawa! Pero hindi mo magawa.”
“Kuya, you're too much!”
“NO, YOU ARE ALL TOO MUCH!!!” dinuro niya si Volcan nang magsimula itong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang balikat. Natatakot akong baka magkagulo ulit silang dalawa.
“Malas ang babaeng iyan, Leon! Pati kayong magkapatid ay nagbubugbugan dahil sa kanya! Halika ka ritong malandi ka!”
“Shut up!” napatda ako nang malakas siyang sumigaw. Ilang segundong namayani ang katahimikan.
“Ikaw ang somosobra, Kuya. You don't even give a damn when Daddy died! Anong klase kang anak!”
“What are you talking about?” he scoffed. Mukhang natutuwa sa mga salitang sinasabi ni Volcan.
“My Dad—!” nanigas ang kanyang panga. Biglang nag-iba ang kanyang awra nang banggitin nito ang ama niya. Tumingala muna siya sa kisame bago nagpatuloy.
“MY DAD, DIED IN MY ARMS, VOLCAN!!!” he was panting.
“He killed himself on my eighth birthday. I...I was wearing a party hat but I'm dripping with his own blood! Hindi niyo alam. WALA. KAYONG. ALAM!!!” umalingawngaw ang sigaw niya sa buong bahay.
Pati ako'y nagulat. Wala sa amin ang nakapagsalita. Ang kanilang ina ay nagbaba ng tingin ngunit nanatiling galit ang kanyang ekspresyon.
Hindi ako makapaniwala.
Paano niya iyon kinaya?
Ang marinig ang pamamaalam ng iyong mahal sa buhay habang karga mo sa iyong bisig. Nag-aagaw buhay. Naghahabol ng hininga. Humihingi ng tawad. Na sana... Sana magawa siyang patawarin ng kanyang anak sa paglisan nito ng maaga. Ang pagsigaw ng isang bata at pagpalahaw nito ng iyak. Nagmamakaawang huwag itong pumikit at tuluyang mamahinga ang kanyang ama. Ang panghabang buhay na takot na dadalhin niya mula sa traumang dinanas sa murang edad.

BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...