Kabanata 1

232 2 1
                                    

AMIRIE

SINISIPAT ko sa harap ng salamin ang aking kabuuan. Suot ang isang bulaklaking dress na hindi ko alam kung bumagay ba sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa sarili nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino ang dumating dahil masyado akong focused sa paglalagay ng pulang lipstick sa aking labi, I pouted, checking the red tint brushed on my lips.

Maybe, I need to add a bit more. But, before I forget, inabot ko ang lip liner sa gilid. I want to fill in my uneven lips to make it fuller. Mas makapal, mas kaakit-akit. Wow, taray! Pang-bratz lang ang peg.

"Hmm," she hummed. Sa boses pa lang alam ko na, " mukhang nagdadalaga na ang bunso namin, ah! May pa-blush on na!"

Napatingin ako repleksyon niya sa salamin.

"Ate?! Tumigil ka nga!"saway ko sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa hiya, hindi lang halata dahil natatabunan ng pumuputok kong blush on.

Sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya napatalon ako sa gulat. Imbes na nguso ko lang ang aking kinukulayan, umabot hanggang pisngi ko kaya nagmukha akong si Harley Quinn.

"Ate, look!"tinuro ko ang nagkalat na lipstick sa aking mukha.

"Maghilamos ka! Mukha kang sinuntok sa pula ng pisngi mo!" matigas niyang sabi. Nakahalukipkip habang nakaharap sa akin. May narinig akong boses sa labas.

Napabuntong-hininga nalang ako.

As usual, I'll get roasted! For sure.

"Amir, halika rito!” I rolled my eyes when she called our second brother. His classmates use to name him Adam during his high school days. I can’t blame them. Magaganda lang talaga ang lahi namin.

"Tingnan mo ang itsura ng kapatid mo at ikaw na'ng humusga!"

Napanguso ako.

Kung hindi pa nag-abroad si Alba pati iyon nandito at magbabantay sa lahat ng kilos ko. Iyon ang pinaka-, as in super duper. Pinaka-chickboy. Pinakaburaot. Pinakamatigas ang ulo. At higit sa lahat, pinakatsismoso. Lalong-lalo na sa akin. Siguro, dahil magkasama kaming lumaki at dalawang taon lang ang tanda niya sa akin kaya sanay na sanay siyang panghimasukan ang buhay ko.

"Putang-ina!" Kuya Amir hid his smile. Kinakamot ang batok at pinasadahan ang aking kabuuan mula ulo hanggang ingrown ko, "galing ka bang UFC, bunso? Mukhang napalaban ka 'ata! Sa pagkakapula ng pisngi mo...hmmm...parang tagilid ang laban! Tama ba ako?" he burst in laughter. I knew it. Sumusuntok pa sa kawalan at tila inaakto ang kanyang sinabi katulad sa mga nakikita kong palabas sa tv.

Halos umusok ang ilong ko.

Aliw na aliw sila habang nakatingin sa akin na tila naging payaso sa kanilang harapan. Namumula na ang kanilang mukha sa kakatawa habang kabaliktaran sa akin.

I became a clown.

Opposite of what I want to be; a fine young woman to suit someone.

Bigla tuloy akong na-conscious nang maalala ko ang paparating na mga bisita kaya muli akong humarap sa salamin.

Napangiwi ako.

"Pwede na ba akong maging clown?" walang gana kong tanong. Umakto akong nagtatampo na mas lalo pang nagpalakas sa kanilang tawanan.

Sana naging mani nalang ako.

Iyong umaapaw ang crispy na bawang at asin.

Wala akong nagawa, dali akong tumakbo sa banyo at naghilamos. Hindi sa galit ako, pero alam kung totoo ang sinasabi nila. Ayaw lang nila akong mapahiya sa mga bisita. Tanggap ko namang wala talaga akong sense pagdating sa make up at fashion churva na 'yan.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon