Kabanata 45

56 2 0
                                    

“Ang tagal mo! Gusto ko ng umuwi! Ihatid mo na ako dahil pagod na ako sa kakabiyahe” angil ko sa kanya habang nakaupo sa backseat.

“Okay!” walang gana nitong sagot na mas lalo kong kinanguso.

I rolled my eyes.

Iyon lang ba ang sasabihin niya?Ano pa bang aasahan mo? hirit ng aking isip.

Napaupo ako ng mabuti.

Muli ko siyang sinulyapan ng marinig ko siyang mahinang tumawa. Kita ko sa rear view mirror na kanina niya pa inaayos, ang pagguhit ng ngisi sa kanyang mukha na mas lalo kong kinainis.

“Kung sira na iyan. Ibenta mo itong kotse mo, 'di yang natatagalan tayo dahil hindi mo maayos-ayos ng mabuti iyang salamin mo!”

Humalukipkip ako at inaninag ang paligid. Matapos ang aking check-up sa oby-gyne, dito na kami dumiritso kung saan inilibing si Nate matapos nitong pumanaw sa sakit na colon cancer, dalawang buwan na ang nakakaraan.

Aksidente kaming nagkita matapos akong makalabas sa ospital kung saan ako naka-confine noon. Sa maikling panahon na iyon, naging magkaibigan kami. Ilang ulit ko siyang kinumbinsi na magpagamot ngunit hindi niya tinanggap ang alok ko. Tanging hiling niya lang ay alagaan namin si Kaito katulad ng isang tunay na anak.

“Mommy, kailan lalabas ang mga babies?”

“Three more months anak magiging Kuya kana! Excited ka na ba?”

“Opo!” mala-anghel siyang ngumiti. Matapos ang lahat ng nangyari binuhos ko nalang kay Kaito ang lahat ng aking atensyon.

Pansamatala akong nakikitira kina Ate Alya na hindi niya sinang-ayunan ngunit wala na rin siyang nagawa nang mag-alsa balutan ako paalis ng kanyang penthouse.

Nahihiya ako. Hindi sa kaniya kundi para sa aking sarili. Sumobra ang naging kagustuhan ko sa kanya at nagawa kong simulan ang lahat sa maling desisyon.

“Itabi mo diyan sa may kanto! May bibilhin ako!”

“What is it ako nalang ang bibili!”

“Ako na!”

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa unahan. Kung pagod na siya, eh, 'di huwag na siyang sumusunod na parang aso.

“Kung pagod ka na, magta-taxi nalang kaming dalawa ni Kaito pauwi!”

“Hell no, baby! I'm not tired.”

Hininto na niya ang kotse sa harap ng maliit na tindahan. Suki ko kasi dito dahil mas masarap ang timpla nila rito kaysa doon sa mall.

“Ilang pie ang gusto mo? Ako na ang bababa!”

“Nakakaintindi ka ba ng tagalog? Sabi ko ako ang bibili!” pag-iinarte kong sagot.

Hindi ko alam kung hormones ko lang ba ito. O talagang galit ako sa ginawa niya sa akin.

Gusto kong iahon sa kahihiyan ang aking sarili dahil sa aking mga ginawa.

But still, we are legally married.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa sa aking sarili sa kaisipang sinalba ni Kuya Louis ang aking puri. Ginawan niya ng paraan upang hindi ako madehado. Alam ko naman na may taong sasalo sa lahat ng gagawin kong kagagahan. Pero hindi hanggang huli ay kaya nilang gawin iyon para sa akin.

When I chose to love him, I forgot my value and worth as a woman. My negative thoughts keep hunting me at night which resulted to my low self-esteem. Sa kaisipang iyon, natatakot ako at baka maapektuha ang mga anak ko.

Narinig ko ang pagbukas niya sa kanyang pintuan. Hindi ko na siya inantay at bumaba na rin kami ni Kaito. Kinakamot niya ang kanyang batok habang nakatingin sa aming nakababa na.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon