Kabanata 39

101 3 0
                                        

“Leon! Tama na iyan!” mahina kong tawag sa kanya.

Nakayuko siya sa ilalim ng dutsa. Balot na balot pa ang kanyang katawan. Umaagos ang tubig mula ulo habang nakalapat ang kanyang mga palad sa dingding.

Sinundan ko siya sa aming kwarto matapos umalis ang kanyang ina at kapatid. Maiintindihan ko siya kung gusto niyang mapag-isa. Kailangan niya nang konting oras para sa kanyang sarili. Ngunit hindi ganito...

“Leon!” tawag ko ulit sa kanya nang wala akong narinig na sagot.

He was lost, lost on his thoughts. The rumination of his tragic childhood made him this adrift.

Ito ang pinakamasakit.

Ang masamang karanasan ng bawat bata ay dadalhin nito hanggang sa pagtanda.

Hindi ba ito naiisip ng mga magulang? Pero, wala akong karapatang manghusga.

Napabuga ako ng hangin. Kailangan kong magfocus at hindi ipapairal ang kitid ng utak.

Wala ako sa kanilang sitwasyon at hindi ko suot ang kanilang pamaa upang husgahan ang kanilang desisyon.

Hindi ko pa nararanasan.

Hindi pa man, pero sisiguraduhin kong magiging prioridad ko ang magiging anak ko.

Sa mga supling namin ni Leon.

Tahimik akong naghubad. Tiniklop ko muna ang aking mga damit para bigyan pa siya ng kaunting oras.

Maybe, a minute more would console his sanity.

Ilang segundo ang lumipas at humakbang na ako papalapit sa kanya. Nanatili lang siya sa kanyang pwesto at mukhang hindi niya ramdam ang presensya ko. Halos mapatalon ako sa lamig. Pinihit ko ang tap pakaliwa upang maging maligamgam ang tubig na bumubuhos mula sa dutsa.

Mula roon, marahan ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran. I am here! sigaw ng aking isip. Gusto kong maramdaman niya ako. May kasama. Humigpit ang aking yakap sa kanyang katawan. Nilapat ko ang aking pisngi sa kanyang likod.

Dinadama.

Nagbabakasakaling gumaan ang nararamdaman niya.

“Anong iniisip mo, Leon?”

Para siyang natauhan. Pulang-pula ang mga matang pumihit paharap sa akin. Tumatabing sa kanyang noo ang kanyang buhok. May ilang butil ng tubig ang tumutulo sa dulo noon.

Ang malamlam niyang mga mata ay nakatunghay sa akin. Mas dumilim pa kaysa sa dati. Nasasaktan ako. Ang sakit lang sa dibdib na ganito ang nararanasan niya.

Gumulong ang kanyang kamay sa aking mahabang buhok. Inayos niya iyon at nilagay sa gilid ng aking tenga. Tumaas ang kanyang palad. Papunta sa aking pisngi. Marahang humahaplos.

“Are you hurt?” pabulong niyang tanong.

Mabilis akong umiling.

“Hindi naman masakit!”

Tumiim ang kanyang bagang. Hindi naman talaga masakit. Kaya kong tiisin ang sakit ng katawan, kumpara sa kung gaano kasakit ang latay ng kanyang pighati. Mas masakit iyon.

Walang gamot.

Walang lunas ang sugat mula sa loob kundi pagmamahal.

Iyon ang maiaalay ko sa kanya. Buong-buo. Walang kahati at walang iniisip na kapalit.

His eyes slide out of focus.

“Leon—!”

Hinaplos ko ang kanya pisngi. Gusto ko siyang hugutin sa kung saan mang sulok na humahatak sa kanya pabalik sa nakaraan. Itakas papunta sa aking mundo.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon