Kabanata 4

108 4 0
                                    


"Oh hey there, Leon!" Napataas ang kilay ko sa matinis na boses ni Michelle. Napaismid ako. Malaki lang ang dibdib niya.

Bumabalik sa kanila ang tingin kahit ginigiya ako ng nag-assist sa akin para pumili ng mga damit.

Malamig man ang pakikitungo niya ngunit palagi naman kaming nagkikita kaya siguro nasasanay na siya sa presensya ko.

Napatingin sa akin si Michelle at tinaasan ako ng kilay. May araw ka rin sa aking babae ka. Nagngingitngit ako sa galit kaya halos lahat ng napili ko ay puro kinulang sa tela.

"Bagay na bagay po sa inyo, Ma'am! Ang ganda niyo po!" Papuri ng tindera, ewan ko kung talagang bagay ba sa akin o gusto lang niyang bumenta.

"Your fashion sense is weird, baby girl!" Alam kong may plano talaga siyang inisin ako. Hindi ko alam kong sinusundan niya ba kami o hindi. Napakuyom ako sa aking kamao. Baka masapak ko ito't mawalan ng malay.

"Kahit anong bihis, probinsyana parin!" Sabi niya habang pumipili ng mga damit.

"Mag-ingat ka, masakit ang kamao ng mga probinsyana!" Napangisi ako. Akala niya siguro aatrasan ko siya. Diyan siya nagkakamali. Sandali siyang namutla at pilit ngumiti.

"Are you done?" Napansin siguro ni Leon ang pag-uusap namin kaya napatayo at lumapit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Isn't that too revealing?" Lumapit siya at tinignan ang likod nun. Dahan-dahang inayos at tinantsa.

"Hindi naman masyado!" Yung iba nga halos maghubad na.

“No! I'm not comfortable with that." Napabuntong-hininga ako. Kung sana kanina sinabi niya eh di, hindi na ako nahirapan sa pamimili. Wala naman kasi akong alam sa mga fashion dahil nasanay akong suotin lahat kung ano ang meron.

"Ate, asan yung mga necktie niyo dito?" Gusto ko siyang bilhan ng bago, yung kakaiba ang kulay.

Siguro dahil sa maraming karanasan ni Leon sa mga babae kaya kahit sukat ko, kuha na niya sa isang tingin. Lahat ng pinili niya komportable at bagay sa akin.

"Send all the items in this address, Miss!" Halos lumuwa ang mga mata ko. Ang presyo ng mga damit bawat isa ay halos isang buwang sweldo ni Ate noon sa Hong Kong. Pati ang mga sapatos ay napakamahal.

"Leon, akin na ang resibo! Ilista mo lahat iyan, babayaran ko kapag nagkatrabaho na ako." Napatingin siya sa akin habang nagmamaneho. Baka isipin niya pinikot ko siya para mabigay ang mga luho ko. Wala naman akong ibang gusto mula nung una.

"I thought, we settled that already!"

"Ayokong magmukha kang kaawa-awa sa mata ng ibang tao!" Napalunok ako.

Akala ko unti-unti na siyang napapalapit sa akin. Yun pala, ang iisipin lang ng iba yung inaalala niya. Nasaktan man ako pero pinagsawalang bahala ko nalang.

Kailangan ko siyang intindihin.

"Tita!" Ang triplets ay nag-uunahang yumakap sa akin. Weekend, kaya nagkaayaan silang magkakaibigan dito kina Ate Alya.

"Kumusta ka naman, Amirie?"

"Okay naman ako, Ate!" Lalong gumanda si Ate ngayong buntis siya. Kita na ang umbok sa kanyang tiyan. Mamula-mula ang pisngi at talagang makikitang alaga siya ni Kuya Louis. Kahit konting galaw niya, umaalalay si Kuya.

Ang swerte niya na nahanap niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng buo. Nakita ko kung paano nagluksa si Kuya noong inakala naming nawala si Ate. Kung paano siya nawala sa sarili. Kung paano niya kami inalagaan na tulad ng pagmamahal ni Ate sa amin. Katulad ng kanilang pag-ibig ang gusto ko. Magiging ganito kaya siya sa akin?

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon