Nagising ako sa sa sinag ng araw na lumilihis sa kurtina ng aking silid. Kinapa ko ang side table para hanapin ang aking cellphone. Anong oras na kaya? Ang bigat ng ulo ko pati na rin katawan. Gusto ko nalang humilata palagi.
It's 2 pm. Tumihaya ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Sa susunod ayaw ko ng uminom. Hindi madali ang hang over. Bigla nalang akong kinabahan at napaupo ng makita kong nakapantulog na ako. Lumunok ako ng sariling laway.
Ano kayang nangyari kagabi? Nakakalimutan ko pa naman lahat ng bagay kapag nakainom ako. Baka naman si Manang. Teka. Hindi kaya si Leon—. Imposible. Tinigil kong mag-isip at dahan-dahang tumayo at ng makaligo na rin.
Naglalagay ako ng lotion ng may napansin akong papel na nakalagay sa tokador. Lumaki ang mata ko sa gulat. Sulat kamay ito ni Leon.
Drink your meds!— Leon.
Imposibble namang siya ang nagbihis sakin. Hindi nga ako nun pinapansin. Magtatanong nalang ako kay Manang, panigurado akong siya naman talaga ang nagpanhik sa akin kagabi.
“ Manang, anong oras na po ba akong nakauwi kagabi? Hindi ko na kasi naalala!” tanong ko sa kanya habang nasa hapag Napaisip si Manang sa tanong ko.
Okay din itong si Manang, kulay maroon ang buhok, pak na pak ang kilay, walang mag-aakalang lampas na sa singkwenta anyos. Madaldal at minsan nagbibigay siya ng payo tungkol sa mag-asawa.
“ Bakit hindi mo tanongin ang asawa mo?” natigilan ako. Confirmed. Si Leon nga ang nadatnan ko kagabi.
“ Alam mo, kulang lang kayo sa masinsinang pag-uusap, eh! Pag-usapan niyong mag-asawa iyang problema niyo. Andami na ngayong naghihiwalay huwag na kayong dumagdag pa!”
Paano naman kami mag-uusap kung iniiwasan nga niya ako? Sinabi rin niyang huwag na siyang dalhan ng pananghalian dahil may meeting siya araw-araw. Take note, araw-araw. Busy siya.
Kung importante ako para sa kanya, kahit gaano kabusy ang schedule maghahanap siya ng oras para sa akin. Kaso ginawa niya na ang lahat para hindi kami magpang-abot kahit saan. Sinadya niyang huwag akong makita. Alam ko!
Ibubuhos ko nalang hangga't maubos ako. Sasagarin. Baka sakaling dumating ang panahon na iyon, magigising na ako na kahibangan kong ito.
At kung darating ang panahong iyon, sisiguraduhin kong hindi ako magsisisi. Ginawa ko naman ang lahat, eh! Pero... I am just no one. His world doesn't have an image of me, but, with the girl he truly loves. Walang makapagbabago ng gusto ng isang tao. Lilitaw at lilitaw iyon, I know! I am there. And always be.
Pero kailangan kong sunggaban ang pagkakataong ito. I will try...one more or two more, I wouldn't know how many times. Pero pipilitin kong kayanin kong hanggan kailan ako susuko.
Mula kanina pinag-isipan ko na ito nang mabuti. Kakausapin ko siya sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Kailangang hindi maputol ang komunikasyon naming dalawa nang 'di ko alam kung ano ang nangyayari.
Nakaupo ako sa sofa habang nag-aantay sa kanya. Nililibang ang sarili sa pagpili ng mga kurtina at ibang kagamitan online.
Pinipilit kong huwag pumikit. Ilang oras na akong naghihintay dito. Mukha tuwing hating-gabi siya uuwi at sinisiguradong tulog na ang lahat.
Napanguso ako.
Ang pagkalansing ng susi ang gumising sa puyat kong mata. Umayos ako ng upo at inaalalang muli ang mga bagay na gusto kong linawin sa kanya.
He came. Gulong-gulo ang kanyang buhok at nakikita ko na ang pagtubo ng kanyang balbas. Tumanda siya ng ilang taon sa kanyang ayos ngunit mas lalo lamang siyang naging kaakit-akit sa aking paningin. Kaakit-akit? What the heck? Tumikhim ako sa aking naisip baka kung saan pa umabot ang kalikutan ng aking utak.
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomansaWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...