Kabanata 11

59 2 0
                                    

“ Emergency from work!” —Leon. Napanguso ako. Lagi nalang, pati siguro pag-utot niya emergency pa rin.

Mula ng bumalik ako mula sa La Union, hindi na kami nagkita pa ulit kahit nasa isang bubong lang kami nakatira. Maaga siyang aalis at late ng uuwi. Pati ang mga marka at pasa sa aking katawan ay nawala na. Kung ano-ano nalang ang ginawa kong rason para hindi ako makalabas kapag tatawag si Brenda o si Ate Alya. Ayokong makita pa nila at kung ano pang sabihin patungkol kay Leon.

Alam kong hindi niya iyon sinasadya.

“ Ma'am Amirie, anong gusto mong lutuing ulam?” Sinilip ako ni Aling Nora mula sa kusina. Mabuti rin pala na may kasama ako rito sa bahay para may makakausap ako.

Nasa harap ako ng hapag, nag-iisa. Ang laki ng mesa ngunit wala man lang akong kasalo. Nakakawala ng gana. Nakakalungkot. Ganito pala ang pakiramdam ng nag-iisa.

Ngayon ko napatunayan na hindi ang pera, pag-aari at mamahaling mga gamit ang totoong nagpapayaman sa isang tao. Kundi pagmamahal, kapayapaan, pagpapahalaga sa mga minamahal, pagkakaibigan at pamilya.

Noon kahit galunggong lang ang ulam namin, masayang-masaya na kami. Maliit man ang aming mesa, masaya naman kaming nagsasalo.

Miss na miss ko na sila! Miss ko na ang dating ako. Ang mga panahong pamasahe lang papuntang skul iyong poproblemahin ko. Hindi ko naman talaga yun problema dahil palaging may Ate at Kuya na nakaalalay sa akin. Sa lahat ng bagay. Ngunit ngayon, ako na ang nagdedesisyon sa sarili ko.

Napakahirap pala, lalo na at hindi mo alam kung saan ako lulugar. Kung paanong pakikitungo ang kailangan kong gawin. Bigla nalang siyang umiwas. Na-guilty ba siya sa nangyari?

“ Manang, pakiligpit nalang po ng mga pagkain!”

“B-bakit? Hindi ba masarap?”

“Ang sarap po kaso may naalala pala akong gagawin.”

Alam kong nag-aalala na si Manang sa akin. Lalabas na lang muna ako, pupunta ako kina Ate dahil miss ko na rin ang triplets.

Nakailang tawag na ako kay Leon para magpasundo sana pero wala pa ring sumasagot. Alibi na rin para naman magkasama kaming dalawa. Wala talaga! Siguro busy na naman iyon. Magtataxi nalang ako kahit mahal.

Tumunog ang aking cellphone kaya't dali-dali kong hinugot sa suot na sling bag. Nagbabakasakaling siya ang nagpadala ng mensahe. Pero hindi. Nabigla ako sa aking nakitang notification sa instagram.

Cree shared photos, #weekend with the fam!

Ang asawa ko, andun kina Ate, hindi man lang nag-abalang isama ako. Nakangiti habang hawak ang balikat ni Raige, isa sa aking mga pamangkin. Napatikhim ako parang may bumara sa aking lalamunan at pinalibot sa paligid ang mga mata para hindi babagsak ang mga luha ko. Ang planong pagpunta sa kanila ay hindi na natuloy.

I felt like.. I was an outcast and I doesn't belong. And it hurts me. So bad!

Ayoko ng ganitong pakiramdam!

Sa halip tinawagan ko nalang si Brenda upang may makausap naman ako. Swerte at nandito rin siya sa Manila ngayon may event na dinaluhan. Unti-unti nang nagiging kilala ang tinayo niyang brand. Buti pa siya! Samantalang ako—. Napabuntong-hininga ako. Mukhang humahakbang ako ng paurong pati lovelife.

Paano kami magkakamabutihan kong pakiramdam ko iniiwasan niya ako?

Hindi ako praning katulad ng ibang asawa dahil alam kong wala siyang maaasahan kay Ate. Mahal na mahal noon si Kuya Louis! Pero paano naman ang nararamdaman ni Leon? Paano ang nararamdaman ko? Ako nga ang nasa tabi niya iba naman ang nasa puso. Ano ba kasi itong pinasukan kong gulo?

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon