Kabanata 22

55 2 0
                                    

AMIRIE

Nagising ako sa tunog ng alarm clock kaya kinapa ko ang cellphone sa tapat. Nag-set ako ng alarm kagabi para maaga akong makapaghanda ng almusal. Pero paano ako makakaalis nito? Nakapulupot ang mabigat niyang braso, pati ang kanyang binti ay ganoon din.

Marahan akong dumausdos pababa para maka-eskapo ako sa kanyang mahigpit na hawak. Napaupo ako sa paanan niya. Ito ang unang gabi na magkatabi kaming dalawa.

Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha. Payapang-payapa ang kanyang pagtulog. Napangiti ako. Mahinang humihilik at nakaawang ang mga labi. Parang bata. Kung magkakaanak kami, magiging kamukha kaya niya o sa akin? Hinawakan ko ang aking tiyan. Kelan pa kaya ako mabubuntis? Halos apat na buwan na kaming kasal pero wala parin.

“Good morning, Pangga!” mahina kong bulong bago hinagkan ang kanyang pisngi. Naghilamos, nagsipilyo at nagpatuloy sa pagbaba papuntang kusina. Nilabas ko na ang mga lulutuin at  sinimulan ko ng painitin ang kalan.

Isang oras ang lumipas. Maliwanag na sa labas ngunit nagtataka ako kung bakit wala pa si Leon. Papasok kaya siya? Nag-aalala ako at baka ma-late siya sa trabaho. Siguro gigisingin ko nalang.

Tinakbo ko ang pintuan dahil naabutan ko siyang binabangungot.

“Leon, gising!!!Gising!!!”

“D-addy!” garalgal ang kanyng boses. Hindi ko maintindihan ang ilang sinasabi niya. Nanginginig ang kanyang kamay kaya dali ko itong hinawakan.

Kita ko na ang pag-uunahan ng kanyang mga luha sa pisngi, ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nalilito ako.

“Leon—,gising!!!!” niyugyog ko na siya ngunit wala parin. Wala na akong naisip pang iba... Bumalikwas siya ng bangon nang lumagapak ang palad ko sa kanyang pisngi.

“Amirie, baby! You're here!” naghahabulan ang kanyang hininga. Sinunggaban ko siya ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung bakit.

“Don't leave me! Please!” para siyang batang nakaluklok sa aking dibdib. Parang naubos ang kanyang lakas dahil sa bangungot na iyon.
Ilang minuto ang dumaan sa ganoong posisyon bago siya nagsalita.

“Will you promise something to me?” pantay na ang kanyang paghinga at

“Hmmm? Ano naman iyon!?” I was stroking his hair trying to calm him down.

“Trust me, Amirie!”

“Hindi naman na kailangan, Leon!”

“What do you mean?”

“Hindi mo na ako kailangan pang pagsabihan dahil simula pa lang nagtitiwala na ako sa'yo!” his eyes flickered. Umayos siya ng upo at hinarap ako.

“Saan ka pala galing?” bigla nalang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso na namang nakatingin sa kanyang at pati yata paghinga ko ay kalkulado niya.

“Nagluto ako ng almusal mo, Daddy!” sinadya kong patinisin ang aking boses.

“Hey, stop that!” nalukot ang kanyang mukha kaya napatawa nalang ako.

“Totoo naman talagang mukha na kitang Tatay, ahh!”

“No, I'm not! Gusto mo patunayan ko ngayon?” mukhang bumalik na ang pagkapilyo niya. Pinapagaan ko lang naman ang tensyon para mawala sa kanyang isip kung anuman ang masamang panaginip niya.

“Malalate ka na, Mr. Valderama!”

“Just a quickie, baby! Masakit pa ba?”

“Oo kaya bumangon ka na!” una na akong tumayo upang pumunta sa walk in closet niya. Baka pasukan pa ng insekto ang utak at kung ano na naman ang gawin.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon