MAG-UUMAGA na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Ilang oras na akong pabaling-baling sa higaan ngunit sadyang mailap ang tulog para sa akin dahil sa matinding pagtatampo ko sa kanya.
Sino bang hindi?
Ready na ang lahat kagabi. Wala naman siyang dahilan para makalimot. Pinaalalahanan ko siya. Sa tawag. Sa text.
Pero wa epek pa rin...
Apat na oras akong naghintay. Halos namuti na ang mata ko sa kakaantay ngunit walang Leon na umuwi. Muntik na ngang maupos ang kandilang ginamit ko kagabi. Ang masama pa, sa ilong ko napunta lahat ng usok. Ako lang ang mag-isang lumanghap dahil kahit anino niya hindi dumating. Sabi naman ng bago niyang sekretarya, umalis na raw ito sa opisina, umaga pa lang.
Kaya napagpasyahan kong tawagan nalang si Brenda. Total, kinukulit niya ako mula pa umaga na magnight out para sa kaarawan ko. Konting alak lang ang nainom ko. Hindi pa nga nangangalahati nang dumating si Leon na umuusok ang ilong sa galit.
Siya pa talaga ang may ganang magalit!
Bumalikwas ako ng bangon at inaninag ang aking katabi. Nagpupuyos ako ng galit... Samantalang ang asawa kong walang pakiramdam, humihilik na sa aking tabi.
Hindi talaga maganda ang umasa ng sobra. Pinaghandaan ko iyon, pero ni 'ha' ni 'ho', wala man lang kahit isang pagbati mula sa kanya. Kahit short txt message tulad ng HBD at MBTC, paniguradong masisiyahan na ako kung galing sa kanya.
Simple lang naman iyon 'diba?
Nakalimutan niya ba? O hindi niya talaga alam!
Nagsimulang uminit ang aking mga mata nang mamuo ang likido roon. Bumibigat ang aking pakiramdam. Hindi naman kasi ako importante, eh! Sino ba naman ako para sa kanya?
For him...I am no ONE!
Wala na siyang ginawa kundi magalit sa mga taong lumalapit sa akin. Pati si Brenda nasuntok niya pa kagabi! Iyong taong tumulong sa akin para mahimasamasan ako kahit konti dahil sa matinding pagtatampo sa kanya.
Hindi ko pa siya nakakausap kung anong nangyari sa kanya pagkatapos namin siyang iwan sa bar. Dumagdag iyon sa aking iniisip kung paano hihingi ng despensa sa kanya.
Pero si Leon? Hmmp! Wala akong nakitang pagsisisi sa kanya. Mukhang isang tagumpay para sa kanya ang bumugbog ng mga taong malalapit sa akin.
He's unbelievable..!
Sa aming dalawa mukhang siya pa ang immature mag-isip.
Kinagat ko ang aking labi. Lumunok ng sariling laway para pawiin ang sakit ng aking lalamunan dahil sa pagpipigil kong huwag humikbi.
Nagsimulang pumatak ang aking mga luha. Hanggang kailan ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Wala naman kasi kaming napapag-usapang mga personal na bagay. Tila may pumipigil sa kanya na magbahagi ng impormasyon ng buhay niya. Ng kanyang nakaraan.
Ang masakit lang, kahit siguro paano i-spell ang pangalan ko 'di niya alam.
Naisipan ko nalang na matulog. Eyebags lang ang makukuha ko kapag mag-aalala lang ako sa nga mangyayari. Kailangan ko ng sapat na lakas dahil maaga akong aalis mamaya, papunta ako kina Ate Alya. Paano kung papasok siya? tudyo ng aking isip. Bahala siya! Basta uuwi ako kina Ate.
Inayos ko muna ang kanyang kumot dahil nahantad na ang kanyang tiyan. Nasagi ko ang kanyang kamay kaya umingos siya at niyakap ang aking braso. Nakakaakit sanang tugunan ang mga yakap niya, animo'y magnet na humihila sa aking pagkatao at aangkinin siyang buo.
Kung pwede lang sana...
Kung pwede lang na ako nalang iyong mahalin niya. Sana naman kahit konti, subukan niyang ibaling sa akin iyong pagmamahal na inaalay niya sa taong hindi magiging kanya.
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...