Kabanata 18

53 2 0
                                    

“That was a grand WELCOME. Tsk. Tsk.” gumuhit ang isang sakastikong ngisi sa mga labi nito.

“LONG time, no see, Kuya Leon!” lumaki ang mata ko sa gulat. Magkapatid sila? Ngayon lang naging klaro ang lahat sa akin, ang mga malalalim nilang mga mata ay magkatulad. Kaya pala pamilyar dahil kay Leon ko iyon unang nakita.

“I've warned you already!!!” singhal niya rito. Hawak ko na siya sa beywang dahil hindi parin nagpapaawat. Kinaya niya ang limang guwardiya na nagtulungang humawak sa kanya.

“What happened in La Union...really got into my nerves but I let it slide. And this...this is too much!!! I would kill you Volcan!!!” maraming tao na ang nakiusyuso dahil sa malalakas niyang sigaw.

Tama nga si Brenda nakita niya kami roon kaya ganoon nalang ang pakikitungo niya sa akin. Pero wala naman kaming ginagawang masama. Wala akong gagawin na kahit anong ikakasama ko o sa ibang tao.

“Leon, huminahon ka nga! Ano ba!!!”

“We didn't do anything malicious, Kuya!” kalmado man ang kanyang boses ngunit sarkastiko ang kanyang mga ngisi.

“Hindi naman siguro masama kung sasamahan ko ang aking sister-in-law na magkape dahil ikaw sobrang busy!”

“Huwag mo akong sagarin, Volcan!!!”

“You're so rude. Don't you know that, Kuya? Instead of being grateful na kahit konti sumaya naman ang asawa mo!” mas lalo pang nainis si Leon dahil sa kalmado niyang boses na tila nang-aasar.

“Stop messing with me! Or with everything I OWN!!!”

“This is the last time that I'll handle your bizarre behavior, Volcan!!!” he was shouting while trying to slip from our restraints.

“At sa susunod na hawakan mo ulit, kahit dulo ng buhok ng asawa ko hindi ako magdadalawang-isip na ipatapon kayo ulit kung saang impyerno kayo nanggaling!” nanggagalaiti niyang turan.

“Let's go, Amirie!”

“Leon, dahan-dahan!!!” bago pa ako makahuma hinaklit na niya ako paalis.

“Saan tayo, pupunta! Aray, Leon!!!” takang tanong ko sa kanya. Halos magkandatisud na ako sa paglalakad.

“Sakay!!!” mababa at buong tinig niyang turan.

“Bakit?! Gabi na, Leon!”

“Sasakay ka ba o bubuhatin kita!”

“Mag-usap nga tayo! Ano bang problema mo? Wala naman kaming ginaga—, ahhh!” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil kinarga na niya ako, paupo sa kanyang kotse.

“Buckle up!”

“Ayoko!” humalukipkip ako at bumaling sa kabilang gilid ang aking mukha. Narinig ko ang kanyang buntong hininga at nagmamadaling kinabitan ako ng seatbelt bago sinara ang pinto malapit sa akin.

“It's already 9PM, Leon! Gusto ko ng magpahinga!” umakto akong pagod ngunit sinulyapan niya ako ng nakakamatay na tingin kaya napayuko ako at hindi na siya inabala pa. Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang kanyang galit. Pati ang kanyang paghinga ay 'di pa pantay.

Nakapangalumbaba ako sa salamin ng kotse. Tinatanaw ang pagkabasa ng mga puno at halaman dahil sa pag-ulan. Buti naman at tumila na bago pa bumaha sa mababang parte ng syudad.

“Anong ginawa niyo, Amirie?” napatingin ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

“Your phone was unattended. At anong oras na? Bakit ngayon ka lang nakauwi?!” mahigpit ang kanyang kapit sa manibela. Nakatupi hanggang siko ang suot na dress shirt at bukas ang tatlong butones nito. Lumalabas ang kanyang mga ugat dahil sa pagguhit ng mga masel sa braso. May ilang mantsa ng dugo ang kanyang kamao.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon