Kabanata 16

49 1 0
                                    

“I can't believe you, Leon! This is the second time that you don't show up in a meeting, just because of your wife!” namumula siya sa inis habang patuloy na nagsasalita.

Natigil kaming dalawa sa paghaharutan nang biglang dumating si Michelle. Hawak ang isang folder na siguro'y kailangan nila sa sinasabi niyang meeting.

“I told you, I've checked the contract already. There's nothing wrong with it. Kaya mo na 'yun!”

Nanatiling akong nakakandong sa kanya. Kita sa mga mata ng kausap ang pagkadisgusto sa aming posisyon.

Wala na ba talagang natitirang hiya sa kanya? Pwede naman siguro akong umupo sa gilid o sa sofa.

“Ibaba mo na nga ako!” pabulong kong sabi sa kanya.

“No!” napayuko nalang ako dahil sa mababa niyang boses na puno ng pinalidad.

“Nag-asawa ka lang pinabayaan mo na ang proyektong ito!” may halong tampo ang boses at sadya pang ngumuso. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Alam ko namang ayaw niya sa akin. Hindi ko naman ipipilit pa ang aking sarili.

“Stop messing with me, Michelle!”

“Sige na, Leon! Baka importante. Ako ng bahala sa sarili ko. Magpapahatid nalang ako kay Manong Carding!” paliwanag ko sa kanya.

“No! I have plans already!”

“Pwede ba sa susunod nalang kayong dalawa magliwaliw!”

“If you won't shut your mouth. I'm gonna drop this deal. Huwag mo akong subukan, Michelle!”

Biglang namutla ang kanyang mukha sa sinabi ni Leon. Binitawan niya ang aking kamay at dinampot ang intercom.

“Nate, get inside my office. Right now!!!” sigaw niya sa kabilang linya.

Alumpihit na naglakad si Nate papasok ng opisina niya. Kita na kasi ang pagkainis sa itsura nito.

“What did I told you?”

Hawak ng kanyang magkabilang kamay ang gilid ng bestidang suot. Ninerbiyos dahil sa init ng ulo ng kanyang boss. Na kung iisipin wala naman talaga siyang kasalanan.

“S-sorry po, Sir. H-hindi na mauulit!”

“Next time, if you let this happen again, I'm gonna fire you!”

“Ho? S-sorry po talaga, Sir!”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Minsan talaga sobra 'din ang pagkabossy nito. Masakit na ngang makapagsalita sa akin, sa ibang tao pa kaya?

“Leave us now! At huwag mo akong pangunahan, Michelle!” tiningnan niya muna ako ng isang nakakamatay na tingin at padabog na umalis. Kahit kailan talaga ayaw niya sa akin.

“Pwede naman kasing ako nalang ang maunang umuwi! Baka mag-alisan ang mga investors niyo kapag pinabayaan!”

Nagtataka ako kung hindi pa ba siya nangangalay. Nanatili akong nakakandong sa kanya habang pinipirmahan ang ilang dokumento.

“The hell I care! The company can still stand for even a decade, kahit na magpull-out silang lahat!”

“Ang yabang mo!”

“I am not acting arrogant here. That's the truth! You are an accountant at alam ko kung gaano ka kagaling sa larangang iyon. You wanna check our company's solvency, Mrs. Valderama?” kalmado niyang sabi.

I rolled my eyes.

“Masyadong mahangin!” he chuckled and kissed my cheeks after I murmured those vain words.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon