Kabanata 25

56 2 0
                                    

PAGOD man ang aking katawan ngunit hindi ang aking utak. Pinipilit kong ipikit ang aking mga mata pero lumilipad parin ang aking isip. Talo ko pa ang lumaklak ng isang litrong kape sa maghapon.

I was imagining dirty thoughts.

Overthinking is no good. But...I can't help it.

Leon is a man.

Hindi niya ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito.

How could I fully trust him, when he didn't give me assurance?

Mas lalo lamang lumala nang masulyapan ko ang orasan na nakakabit sa dingding. 11PM. Tuyo na ang aking luha. Nahihirapan akong huminga dahil sa sipon na bumabara sa aking ilong.

I was massaging my fingers when the door creaked open. Umakti akong tulog. Nakikiramdam sa mga kilos niya. Ang paglagaslas ng tubig sa banyo ay senyales ng kanyang pagligo.

Ilang sandali lang ang lumipas at lumundo na ang kama. Marahan niya akong binuhat at pinahiga sa kanyang braso bago humalik sa aking noo.

Marami akong tanong. Pero hindi maaari. Nag-aalala akong baka tuluyan na niya akong iwan kapag nakukulitan na siya sa akin.

Gusto kong yakapin niya ako ng mahigpit. Para puksain ang matinding sakit sa aking puso.

KINAUMAGAHAN, hindi ko na siya naabutan pa. Mataas na ang sikat ng araw nung magising ako. Ano pa nga ba! Ako tuloy ang naging bangag dahil sa puyat at pagod. Hindi pa kasali ang bigat ng aking damdamin.

Magang-maga ang aking mata. Kaya napagdesisyunan kong huwag na munang pumunta sa opisina niya. Palagi naman siyang wala roon at 'di ko alam kung saan siya pumupunta.

“Anong nangyari sa'yo!”

“Bakit Manang?”

“May problema ba kayo ni Leon?”

Ito ang ayaw ko sa lahat. Kapag may nag-aalo sa akin, magsusulputan na parang gripo ang aking mga luha. Awang-awa ako sa aking sarili. Hindi ko na alam kung hanggang saan ko kakayanin.

“Ganyan talaga ang buhay mag-asawa. May kontrabida! Unang kita ko pa lang doon, alam ko nang may tinatagong talim!”

“May anak sila, Manang! Ayoko namang pagkaitan ang bata ng isang ama!”

“At wala siyang karapatang tratuhin ka ng ganyan! Naku, kapag kinanti ka niya ulit, sabihin mo sa akin at pupuntahan ko kahit asan mang kweba siya nagtatago!”

“Salamat, Manang! Pero 'di naman na kailangan. Kaya ko naman siya kaso ang sakit pala sa puso!”

“Kaya ka pala nangangayayat! Akala ko pa naman buntis ka na! Naiimbyerna ako diyan sa Nate na 'yan. 'Di naman kamukha ni Sir Leon iyong anak na sinasabi niya!  Masyadong mataas ang tingin sa sarili, sarap kurutin sa singit!”

“Hayaan niyo na, Manang! Sa akin parin naman siya umuuwi, eh!”

“Ay, hindi pwede sa akin iyan! Humanda siya kapag pinapaikot niya lang si Sir Leon. Tingnan natin kung saan siya pupulutin!”

“Tumahan ka na. May turon akong niluto. Diba paborito mo iyon?” hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nabuhayan ng loob nang inihain niya ang isang plato ng turon sa mesa.

“Ang sarap! Pero mas sasarap ito kapag may kasamang ketchup!”

“Ano?! Turon na may ketchup?” natatawa ako sa hindi makapaniwala niyang mukha.

Busog na busog ako. Lalo na't may banana ketchup pa sa cabinet.

HALOS isang linggo ang dumaan ngunit palagi nalang ganoon ang nangyayari. Hindi siya makontak mula umaga hanggang gabi. Uuwi ng madaling araw at aalis ng maaga.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon