Kabanata 31

49 2 0
                                    

“Nice move, Nate. Alam mo talaga kung kanino ka hihingi ng tulong!” sarkastikong niyang sabi.

“Last night, you're sending shade of deceit to my wife. And now you're begging?! That was quick.”

Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao sa ibabaw ng mesa. His sermon were full of fire and brimstone. Knowing him, hindi siya titigil. Pinakaayaw niya sa lahat na natatapakan ang pride at ego niya sa katawan. Lalong-lalo na ngayon.

“Ma'am, s-sorry po! Kailangan ko lang po talagang gawin iyon, para sa anak ko!”

“Your apology should be as loud as your disrepect! Kaya—!” nilingon ko siya't sinamaan ng tingin. Mabuti naman at tumahimik. Napainom na rin siya ng tubig kaya binaling ko na ulit ang aking tingin kay Nate.

“Lalayo kami dito ng anak ko. Pangako. Huwag mo lang akong kasuhan, Sir Leon!”

“Kahit iyong anak ko nalang, please! Magiging ina ka rin, kaya sana maintindihan mo ako.”

I stared at her. Her actions, her words, and her tones were showing authenticity.

Nanatili siyang nakahawak sa akin at tuluyan ng lumuhod. Lumaki ang mata ko sa gulat. Hindi kailangang lumuhod siya sa harap ko at magmakaawa. Desisyon ni Leon ang masusunod dahil sa kanya naman ito nakagawa ng mas malaking kasalanan. Kaya kong kalimutan ang mga pasakit na pinaramdam niya sa akin pero hindi ang katotohanang nanloko siya ng tao.

“Huwag kang lumuhod, Nate. Pareho lang tayong tao at nagkakasala ngunit kung ano man ang kasalanan mo, kailangan mo iyong harapin. Naiintindihan kita! Pero—”

“Ang sama mo. Alam mo ba iyon? Hindi mo ba nakikita ang anak ko?! Paano na siya kapag nasa kulungan ako! Paano na siya kapag wala na ako. Kailangan ko lang ng taong magpoprotekta sa kanya, Amirie! Please help me!”

“That's enough bullshit!”

I can smell how desperate she is. Pero ayokong pangunahan ang asawa ko.

“Ilabas niyo na sila rito!” putol ni Leon sa kanya.

“Leon...!”

“We need to give her lesson, Amirie! Hindi sa isang sorry niya, mabubura na ang lahat!”

Tumakbo si Kaito sa kanyang ina at yumakap sa binti nito. Lumingon siya sa akin bago nakalabas ng pinto. Parang pinipiga ang puso ko sa nangyayari. Hindi kaya ng konsensya ko...

“L-leon! Paano s-si Kaito?”

“Don't worry, okay?! I'm not as evil as you think of me, Amirie!”

“Hindi nga pero iyang bunganga mo ang sama!” humalukipkip ako't tumingin sa labas.

Kahit ganoon ang ginawa niya naaawa parin ako, lalo na sa bata. Maagang namulat sa magulong mundo. Kulang sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa pagmamahal. Walang ama. Walang pagkakakilanlan.

Piniksi ko ang kanyang kamay ng hawakan niya ang aking panga upang humarap sa kanya.

“Hey, why are you crying?!”

Hindi ko na mapigilang maluha. Pinahid niya ang aking pisngi nang buong pag-iingat. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kanila. I can't recognize whether she's guilt tripping me or she's telling the truth. May lungkot ang kanyang mga mata. Hindi ko na rin alam baka masyado lang aking na carried away. Napapansin kong masyado akong emosyonal nitong nakaraan.

“Baka anong mangyari sa bata, Leon!”

“I told you don't worry!!” malungkot ko siyang tiningnan.

“Fuck! Fine, bukas bibisitahin natin sila!”

“Talaga?! Pero ako lang ang kakausap!”

“Why?!”

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon