Kabanata 43

60 1 1
                                    

“Dealing with the underground, means trouble, Leon!”

Tumayo siya upang haraping mabuti ang kausap. Alam niyang delikado. Pero ang kapakanan ng kanyang asawa at anak ang iniisip niya.

“Is it possible to meet him?”

“Town house niya sa San Martin, iyon ang huling report!” Vitus shrugged.

“And we all know that it is a coy. Walang sira-ulong komportable na titira sa townhouse habang mainit sa medya lalong-lalo na sa batas!”

Sang-ayon silang lahat sa tinurang iyon ni Louis.

Sin was a famous drug lord. Isa sa mga namumuno ng Underground Drug Cartel. Hindi lang mga druga ang kaya nitong gawin kundi ilang mga gamot na hindi mabibili sa pangkaraniwang merkado. Including the SAD, an anesthesia that specifically won't give fetal distress. At iyon ang kailangan niyang makuha.

*****

Matapos makasa ang planong pakikipagnegosasyon kay Sin ay nagpaalam muna si Leon sa kanila.

“Saan ka pupunta?”

“Magpapaalam lang ako sa kanya, Cree! Magtatampo iyon!”

“I'll go with you then!” sinimulan na nilang baktasin ang daan pabalik sa ICU.

Tumigil siya sa gitna ng pasilyo nang maaninag ang bultong nakaupo malapit sa kwarto ng asawa niya.

Kuyom ang palad. Lakad-takbo niyang nilapitan si Volcan at walang pagdadalawang-isip na sinuntok ito. Sapul ang baba sa hindi inaasahan nitong pangyayari.

Umakma siyang muli itong sasagupain ng suntok ngunit nahawakan na siya ni Cree.

“Tama na! Ano ba?!”

“How dare you!?” angil niya sa kapatid na nagpupunas ng sugat sa labi. Mas lalo lamang siyang nagagalit tuwing naalala niya ang pagyakap nito sa asawa niya noon.

“K-kuya, I just want to check if she's okay!”

“Okay lang ang asawa ko kaya makakaalis ka na!”

“Sorry, K-kuya! I didn't mean it to happen! I was devastated when I heared the truth kaya ako pumunta sa opisina mo upang—!”

“Enough! Maibabalik ba ng 'sorry' mo ang nangyari, Volcan? Kahit ilang sorry ang hilingin mo hindi siya babangon kasama ng anak ko na parang walang nangyari!” dumaan ang gulat sa mga nito.

“Umalis ka na. Huwag na kayong bumalik! Bigyan niyo naman ako ng katahimikan!”

“We're leaving, Kuya! For good. Please take care of her!”

“Mabuti naman!”

Hindi na niya pinakinggan pa ang kasunod na sinabi nito. Umiinit lang ang ulo niya tuwing nagbibigay ito ng motibo ng pagkakagusto sa kanyang asawa. Nunca na pagbibigyan niya ito ng pagkakataon.

Noon, 'blood is thicker than water' pero simula pagkabata alam na niyang sarili niya lang ang kanyang maaasahan.

The paradigm of society's belief in life was already vanished.

Good thing he find good friends. Sila ang tinuturing niyang pamilya lalo na sa panahong mahirap ng intindihin ang lahat. Ang mga taong tumulong sa kanya upang magkaroon ng konting laman ang buhay niya.

He creaked the door open. Sumandal muna siya sa dahon ng pinto upang pakalmahin ang sarili. Ilang sandali ang lumipas at napagtuloy na siya papasok.

Nagsanitize muna siya ng kamay, pagkatapos ay sinuot na ang isolation gown, gloves at shoe covers. Hindi na niya alam kung saan nagpunta si Cree. Kung saan-saang sulok na naman ng palda iyon paniguradong umabot.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon