Kabanata 10

53 2 0
                                    

Nahihirapan akong gumalaw. Ang sakit ng aking gitna ay indikasyon na nasobrahan ako sa pakikipagniig kagabi. Paika-ika akong bumaba sa kama at tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan dahil napakalagkit na ng aking pakiramdam.

Natakot ako ng makita sa salamin ang aking repleksyon. Ang mga pasa dulot ng mariin niyang hawak. Namumula at ang iba ay nagsisimula ng magkulay asul. May hickeys ang aking leeg at dibdib.

Napakagat labi ako sa aking sinapit. Mula pagkabata, inalagaan ako ng aking mga kapatid na kahit lamok ay 'di pinadadapuan ngunit ngayon kaakibat ng aking kasiyahan ang sakit ng aking katawan.

Mahapdi ang bawat pagpatak ng tubig sa aking balat. Pinilit kong huwag maiyak nang simulan kong sabunin ang pagal kong katawan.

Swerte naman at may dala akong damit na may mahabang manggas at jogging pants upang matakpan ang ang pasa. Tinapalan ko nang makapal na foundation ang hickeys sa leeg at tinabunan ng scarf.

Sa aking ayos, nagmukha akong maysakit kabaliktaran sa mga nakaswimwear na naliligo at nagbibilad sa araw.

Nagtataka ako kung nasaan si Leon. Wala siya sa villa at ang mga gamit ay nakasalansan pang mabuti kaya alam kong hindi pa siya nagkakape o di kaya'y kumain.

Tutok na ang sikat ng araw. Maraming turista ang naliligo at ilang mga bata ang naglalaro ng mga buhangin.

Napagpasyahan kong lumabas, nagbabasakaling may ininspeksyon lang siyang sira rito sa hotel. Sakto namang may staff na naglalakad sa hallway.

“ Good morning po, Ma'am! May kailangan po kayo?”

“ Ahm, itatanong ko lang sana kung nakita mo ba kung saan nagpunta si Leon?" kumunot ang noo niya at nag-iisip.

“ Mukhang nakita ko ho siyang umalis mga bandang umaga pa ho! Wait lang Ma'am itatanong ko sa reception.” bumundol ang kaba sa aking dibdib. Hindi naman siguro niya ako iiwan dito.

Nangangatal ang aking labi, pinipigilan kong huwag lumuha sa harap niya at pekeng ngumiti.

“ Salamat!”

Umalis na nga siya, iniwan nga niya ako rito. O baka naman babalikan niya ako at may importante lang siyang pinuntahan. Gulong-gulo ang aking isip habang naglalakad pabalik.

“Oh, here you are!” nakangiti si Cree habang nag-aantay sa labas ng villa.

“ Leon, asked me to drive you home. Mukhang di kana niya ginising at may emergency sa Ate mo. May overseas transaction si Louis kaya nakiusap muna!” sumasakit ang aking lalamunan sa pagpipigil ng luha.

At kung iiyak ako baka mahulas ang aking make-up at makita pa ng lahat ang aking itsura.

Tinatawagan ko siya habang nagliligpit ng gamit. Ring lang ng ring. Gusto kong malaman kung anong nangyari kay Ate.

Nagmamadali ang aking kilos at di na tinuping mabuti ang ilang damit. At nang masiguro kong wala ng natira, binaba ko na upang mailagay na ni Cree sa sasakyan. Ayaw ko nang makaabala pa sa kanya kaya dali kong kinain ang scrambled egg at kumagat ng tinapay, sakto lang para di ako gutumin sa daan.

“ Cree!!!” mukhang lilipad pati ang kaluluwa ko sa takot dahil sa bilis niyang magmaneho.

“ Bagalan mo! Hindi tayo pusang may siyam na buhay!” mahigpit ang aking hawak sa upuan ng pinaharurot niya ang sasakyan. Ano bang klaseng magkakaibigan ito? Mas malala siyang magmaneho kaysa kay Leon, nakalimutan kong car racer pala ito't mukhang hindi takot tumumbling sa racing tracks. Baka habulin pa kami ng highway patrol kung sakali, and worst madisgrasya pa.

“ 1 hour and 45 minutes. Not bad!” pinagpawisan ako ng malapot sa kaba ngunit siya ay tuwang-tuwa pa.

“ Salamat. Gusto mong magkape muna?” siya na ang nagdala ng aking gamit hanggang dito sa loob.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon