“ I took a leave from work. We can go somewhere you like!” Nanlaki ang mga mata ko gulat.
At dahil ako ang pinapili ni Leon, nandito kami sa La Union. Swerte naman at may branch sila rito kaya bibisita na rin siya at doon tutuloy.
Hawak ang aking kamay, hinila na ako ni Leon papasok at di man lang tinapunan ng tingin ang mga trabahanteng bumabati sa amin. Yumuyuko ako habang tumutugon sa bawat tauhan na madadaanan.
Nakaupo na ang mga kaibigan ni Leon nung dumating kami. May iba't-ibang babae na namang kasama. Kahit kailan talaga hindi sila nauubusan ng mga babae, napailing nalang ako sa naisip.
“ Ang hina mo pa rin hanggang ngayon, Leon!” tinatawanan siya ni Cree dahil nahuli kaming dumating.
“ Baka nag road session pa! Pabayaan mo na!” pinamulahan ako ng pisngi. Walang naman kaming ginawa, ah!!!
“ Alam niyo namang kasama ko ang asawa ko!” Binitawan niya ang aking kamay tsaka nakipag-fist bump sa kanilang dalawa.
Sumaludo lang si Cree sa akin habang umakbay si Vitus sa aking balikat.
“ Get your filthy hands, dude!” dumagundong ang kanyang boses sa loob. Naging mas madilim ang kanyang mukha ng tumawa lang si Vitus at hinaklit na niya ako palapit sa kanya.
“ Masyado ka namang mapang-angkin!” Ang kanilang usapan ay nahulog na sa matinding panunukso kay Leon na di ko malaman kung namumula ba siya sa galit o sa pagkapahiya.
Nagkanya-kanya na kami pagkatapos magtanghalian dahil magkaibang villa ang aming tutuluyan.
Kita ko ang mga puting buhangin at asul na karagatan, ang kumikinang na alon dahil sa tanghaling sikat ng araw mula rito sa aking kinatatayuang terasa sa exclusive villa ni Leon. May dalawang palapag ito at sala sa baba kaya kita ko ang magandang kalikasan. Ang mga turistang nagbababad sa init. Mga batang gumagawa ng mga kastilyong buhangin na unti-unting sinisira ng paparating na alon.
Katulad ng aking binuong pangarap, unti-unting nasisira. Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung tama nga ba lahat ng desisyong ginawa ko.
Ngunit nabigla ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Ang amoy na kabisadong-kabisado ko na. Kahit gaano siya kalayo makikilala ko. Humahaplos ang kanyang kamay sa aking mga balikat na nakahantad. Ang puso ko ay parang tatalon sa saya, siniguro kung dilat ang aking mga mata para makita kong totoo ang lahat at hindi lang guni-guni.
Ang init ng kanyang hininga ay humahaplos sa aking leeg.
“ Nagustuhan mo ba rito?” Tumango ako at napangiti, ninanamnam ang bawat sandali.
“ Can you... tell me the things that you like in here? O mga bagay na hindi mo nagustuhan?”nakikiliti ako sa kanyang mga bulong.
“ Tell me, Amirie! At aayusin ko!”his whisper sent shiver to spine.
“ Gusto ko rito. Gusto kong makapagpahinga ka paminsan-minsan, Leon! Malayo sa syudad. Malayo sa buhay na iyong nakasanayan.”he chuckled. Kaya napanguso ako. Ano bang nakakatawa roon?
“ Happy ka?” nilingon ko siya. Mas lalong lumakas ang kanyang tawa nang makitang sambakol ang aking mukha.
Ngunit ang pagbawi ng tingin ay di ko na nagawa ng hawakan niya ang aking panga at siilin ng isang malalim na halik.
Nanigas ako sa kabiglaan. Wala man lang pasabi. Pumikit ako para damhin ang kanyang mga halik.
“ Open your mouth, baby!” kinagat niya ang aking labi kaya napaungol ako't dali niyang pinasok ang kaloob-looban ng aking bibig. Nakakaliyo ang kanyang pinaparamdam na halik sa akin.

BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomanceWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...