Kabanata 27

45 2 0
                                    

“You told me you love me, Amirie!” may dumaang sakit sa kanyang ng mata ngunit madali ring naglaho.

“But why the hell you're acting this way?” nanatili siyang kalmado. Animo'y binabasa lahat ng aking galaw na parang isang business proposal na kailangan niyang pag-aralan.

Why am I like this? Makita ko lang ang sakit sa kanyang mga mata mas lalo akong nasasaktan. Why is it that I can feel his pain, but he can't see mine? Hindi niya ba nakitang nasasaktan na ako?

“Ang bigat-bigat na kasi, Leon! Feeling ko hindi mo ako magawang pagkatiwalaan dahil sa nagawa kong pamimikot sa'yo noon! I knew what I did was wrong!” napatayo na ako sa aking kinauupan dahil nahihirapan na akong huminga.

“Pero sana naman kahit konti magtiwala ka naman sa akin!” garalgal na ang aking boses. Ang aking lalamunan ay sumasakit na dahil sa matinding pagpipigil ng luha.

“I trust you!”

“Then give me freedom!”he averted his gaze. All I can see was his throat moving while he blinked his eyes. Masyado siyang mahusay sa pagtatago ng damdamin. Umakto siyang may sasabihin pero inunahan ko na siya.

“Tinanggap ko ang pagiging plain housewife, Leon kahit gusto kong magtrabaho. That's because I respected you! Pero sana huwag ng umabot na sasakalin mo ako at ikukulong sa bahay na ito.”

“It's not—, baby wait! Fuck!”

Sunod-sunod ang pagmura niya. Hindi ko nakayanan pa at tumakbo na ako papasok ng aming kwarto. He is too controlling.

Noong una, masaya kahit kontrolado niya lahat ng aking galaw. Ngunit habang tumatagal lalo siyang lumalala.

Dumiritso ako sa kama at nagtago sa ilalim ng quilt upang doon umiyak. Humihikbi. Sumubsob sa ibabaw ng unan at doon sumigaw. Kailan niya maiintindihan na hindi sa kanya lang nakapalibot ang mundo ko.

Umurong ang aking luha ng marinig ko ang kanyang yabag papasok. Hindi ako gumagalaw. Umaktong tulog kahit klaro namang gising na gising pa ang aking diwa.

Umusog ako papunta sa gilid nang lumundo ang kama. Ayaw ko siyang katabi.

“Baby! Please listen! I'm sorry,okay? If you don't like, then I won't hire guards for you!”

Marahan niyang tinanggal ang nakabalot na quilt sa aking katawan.

“Para  kanang suman! Nakakahinga ka pa ba?”

If I know, inuuto na naman ako nito. Ako naman si Marupok bibigay agad.

“Talk to me, baby. Please...!” nagsusumamo ang kanyang tinig ngunit nanatili lang akong nakapikit.

Nakikiramdam ako sa mga kilos niya. Napapitlag ako ng sinimulan niyang ayusin ang magulo kong buhok dahil sa pagsubsob ko sa unan. Pinuwesto niya ang quilt sa aking bandang dibdib at inayos ang aking posisyon.

Nakatihaya na ako't lahat pero hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. Mukhang masyado ata akong na-carried away kanina. Ang bigat na kasi 'di ko na nakayanan pa at sumabog na talaga ako.

“Stop crying, please! This won't take long, I promise. Just...just trust me, Amirie!”

Ayaw ko mang aminin pero alam akong nagtitiwala parin ako sa kanya. Masyado kong kinimkim lahat. Hindi pala masarap maging madamot. Kinailangan kong ilabas ang sakit para hindi ako malunod...

Hindi ko alam kung talagang pinaglalaruan ba talaga ako ng pagkakataon. Kung kailan ako nagmulat ng mata, kasabay naman noon ang pagtunog ng kanyang telepono.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon