Kabanata 33

41 2 0
                                    

ISANG linggo ang lumipas mula noon, naging okay naman na kami ni Leon. Sumang-ayon na rin siyang iatras ang kaso kay Nate dahil na rin sa pagpupursigi ko sa kanya.

Humingi siya ng tawad sa amin. Hindi ko narin kinulit nang minsang nawalan siya ng malay noong bumisita ako. Sabi, masama lang daw ang pakiramdam niya sa pag-aalala na hindi kasama ang kanyang anak.

“Hindi ka ba talaga buntis, Amirie,?”

“Ikaw talaga, Manang! Nadagdagan nga lang ang timbang ko.”

Masyado akong nanaba. Ang mga pantalon ko noong kolehiyo ay 'di na kasya. Nilapag ko nalang ang hawak na toasted bread ng maalala ko kung paano magdiyeta. Kahit naglalaway akong kainin iyon, ginawa ko parin. Kailangan kong magbawas ng timbang. Kaloka!

“Manang, nabili niyo na ho ba lahat ng mga gagamitin ko bukas?!”

“Oo, ready na lahat!”

Excited na ako! Unang kaarawan ko itong kasama siya kaya memorable ito para sa akin. Gusto ko siyang surprisahin. Katulad nung ginawa niya noong nakaraan. Candle light dinner. Kaso low budget nga lang. Nag-withdraw lang ako sa konting naipon ko noong nag-aaral pa ako.

Maghapon kong inabala ang aking sarili sa paggugupit ng ilang design na gagamitin ko bukas. Para na rin mawaglit sa aking utak ang pagkain.

“What the hell?!”

Napatalon ako sa gulat. Gusto ko siyang hambalusin ng hawak kong box.

“Bakit ka ba nanggugulat, Leon?”

“Anong ginagawa ng ipit sa ilong mo?” taka niyang tanong. Nakalimutan ko palang tanggalin.

“Diet ako!”

“Then?!” kunot niya niyang tanong.

“Ayokong maamoy ang niluluto ni Manang. Ang taba-taba ko na!”

“You're not fat!”

“Malabo na kasi ang mata mo. Kailangan mo ng gumamit ng salamin para makita mong nagsisimula na ang pamumuo ng mga cellulites ko!”

“Baby—”

“Diyan ka lang! Huwag kang lumapit. Ang baho mo. Maligo ka na nga!”

“What?”

“Sige na! Alis!!!”

“You're unbelievable!”

Alumpihit siya tumungo sa aming silid kaya nagkaroon ako ng pagkakataong itago ang mga ebidensya para bukas.

Nagtataka nga rin ako. Noong una, napakabango niya sa ilong ko, ngayon, gusto ko siyang buhusan ng alcohol sa buong katawan. Aahitan ang mga kilay niyang sobrang kapal at kakalbuhin ang buhok niya.

“Hm?!”

“Ang pangit mo!” kaharap niya ito sa hapag. Tumataas ang dugo niya sa mukha nito ngunit 'di niya naman mapigilan ang sariling sipatin ito.

“That's the second time, Amirie! Kelan pa ako naging pangit sa paningin mo? I can't belive this! Pagagawaan kita ng salamin katulad ng sinabi mo sa akin para malinaw mo akong makita!”

He ran one hand through his slicked back hair, dishevelling it. Mukhang mannerism na niya ito. Tuwing may kausap. Kahit saan, hindi pumipirmi ang kamay niya ng ilang minuto nang hindi nahahawakan ang buhok niya.

Tuluyan na siyang nagtampo nang umayaw akong makatabi siya sa kama. Hindi ko naman sinasadya. Namaluktot siya sa sofa dahil ayaw ko ring mawala siya sa paningin ko.

Bumalikwas ako ng bangon at kumuha ng bagong kumot. Kinumutan ko siya bago inaninag mula sa liwanag ng lampshade ang hugis ng kanyang mukha.

Ang kanyang ilong...

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon