Kabanata 46

71 2 0
                                    

AMIRIE

Tatlong araw ang nagpatuloy na dumaan ngunit walang Leon na nagpakita rito sa mansion. Tumihaya ako. Hinimas-himas ang aking tiyan. Tulad ng kanilang ama, nanahimik din sila.

Napangiti ako ng inangat ko ang aking ulo, hindi ko makita ang paa ko. Para akong nakalunok ng pakwan at medyo namamanas na rin ang aking mga paa.

Sumulyap ako sa dingding upang tingnan ang oras. It's 8 AM. Nagtataka ako kung ano kayang ginagawa niya ngayon.

“Kumusta na kaya ang Daddy niyo mga anak!” napabuga ako ng hangin.

Iyon naman ang gusto ko diba?

Ang tanong kung iyon nga ba talaga. Lulugo-lugo akong bumaba sa kama. Kung wala si Kaito talagang dito na ako mahihiga hanggang gabi.

“Mommy, I want some pancake!”

Dahan-dahan kaming pumanaog sa hagdanan. Napadaan kami sa sala, luminga-linga muna ako sa paligid. May hinahanap ang aking mga mata ngunit sa kasamaang-palad hindi ko siya nakita.

“Angel! You're so beautiful!” sigaw na bati ni Cree na sinamaan naman ng tingin ni Vitus. Nahihiya lang akong ngumiti habang sapo ang ilalim ng aking tiyan.

Narinig ko ang kanilang hagikhikan. Wala akong ideya kong anong pinagsesenyasan nilang tatlo't mukhang nag-eenjoy sila.

“Baby, just forget your oldie husband. Maghanap ka ng ka-edad mo dahil paniguradong malakas pa ang mga tuhod ng mga iyon!”

Nasundan ng tawanan ang tinuran ni Kuya Louis. Na para bang may pinaparinggan sila ngunit ang pinagtataka ko wala naman siya rito.

Biyernes ngayon kaya andito na naman sila sa bahay. Except sa asawa kong missing in action. Baka nagpa-party pa iyon para sa pagiging binata niya ulit.

Umusok ang ilong ko sa galit. Talagang tinotoo niya ang sinabi ko, walang hiya siya. Kinagat ko nalang ang aking labi upang pigilang huwag mapahikbi.

Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Kaito papunta sa kitchen. At dahil malaki na nga ang tiyan ko, umaasa muna ako sa mga katulong.

Dito na rin sana titira si Manang Rosa kaso pinauwi ko sa kadahilanang marami naman na ang katulong rito at kaya ko pa naman.

Napabuntong-hininga ako.

Hanggang kailan ba ako magiging pabigat sa mga kapatid ko. Sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.

“Ngayon ka lang lumabas, masama bang pakiramdam mo?” tanong ni Ate Alya.

“Okay lang ako, Ate!”

“Aysus, 'wag mo na kaming dramahan bunso, ah. Alam naming may hinahanap ang mga mata mo!”

“Amir, tama na iyan. Tingnan mo, para na iyang balyena tapos aasarin mo pa. Baka iiyak iyan!” mas lalo lang humaba ang nguso ko.

“Ewan ko sa inyong mga babae, tuwing inaamo kayo mas lalong nagiging leon. Halos lumuhod na nga ang asawa mo rito na umuwi, ayaw pa. Ngayong wala naman, pinagbigyan sa gusto, iiyak-iyak. Ano bang problema mo, bunso?”

Umiling-iling lang ako. At mas binigyang pansin ang nga pancake sa plato. Tinutusok-tusok ng tinidor habang nakikinig sa mga sermon ni Kuya Amir. Abala na rin si Kaito sa pagkain.

“Alam naming mahal ka ng asawa mo, Amirie. Nakikita namin. Palibhasa hindi mo alam kung anong nangyayari noong naaksidente ka kaya nagagawa mo iyan. Hindi rin naman kita masisisi kung ganyan ang reaksyon mo! Naloko ka, eh!”

“And you knew that impulsive behavior would lead you nowhere! Lalaki ako, kaya naiintindihan ko kung bakit ganun ang ginawa niya.”

“Kulang pa ba ang mga sakripisyong nagawa niya para patawarin mo? Kasi sa nakikita ko sobrang mahal ka ng asawa mo! Muntikan na ngang magpakama—”

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon