Kabanata 14

46 3 0
                                    

KINABUKASAN, sinadya kong bumangon ng maaga para gawan siya ng agahan.

Gusto ko namang may trabaho kahit papaano. Gagawin ang mga responsibilidad bilang asawa. Gagawin ang mga bagay na gusto ko rito sa bahay. May karapatan naman siguro ako dahil ako ang asawa. Kahit ayaw niya. Iyon na lang ang tanging magagawa ko.

Handa na ang lahat. Scrambled eggs, ham at toasted bread pati na ang kape. May ilang prutas din akong hinanda. Sakto namang bumaba siya. Dali akong lumapit upang bumati sa kanya.

“ Good morning!” natigilan siya sa pag-aayos ng kanyang necktie at sumulyap sa akin na nakakunot ang noo. Nagtataka siguro dahil maaga akong gumising ngayon.

“G-good morning!” Hmmmp! Mabuti at sumagot naman. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kanyang kurbata. Natutunan ko ito nung minsa'y naaksindente si Kuya Louis. Ako ang taga-ayos ng mga sinusuot niya.

Wala naman akong narinig na reklamo mula kay Leon. Pero alam kong nakatunghay siya sa akin. Kung sisigawan niya naman ako? Aba madali lang iyon. Hihigpitan ko itong necktie niya tingnan natin kung sinong malalagutan ng hininga. Kaso mahal ko, eh! Syempre hindi ko iyon gagawin. Napangiti ako habang inaayos ang kwelyo niya. Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala na asawa ko na siya.

“You're happy!” buti napansin niya. Kesa naman tatandang katulad niyang bugnutin.

Maganda nga ang umaga para sa akin ngayon. Hindi ko man nakuha ang aking gusto noong nagdaang gabi, sinuot niya naman ang binili kong necktie para sa kanya. Kahit papaano uminit nang konti ang aking puso. Pati ang pagpapalit ko ng mga kurtina at pag-aayos ng bahay ay 'di niya na pinakialaman.

Naramdaman ko ang mga tinging pinupukol ni Manang sa akin. Umiiling at abot tenga ang ngisi. Iniisip niya siguro kung anong nakain ko't biglang naging maalaga. Ganito naman talaga ako noon pa. Sa mga kapatid ko at sa lahat ng mga taong malalapit sa akin.

“Ikaw na ang mag-asikaso sa asawa mo! Mukhang ito na ang simula. Pero iwasan mo ang pagiging marupok, Ineng. Mamamalengke lang ako. Bahala na kayong gumawa rito ng bata.” napanguso ako sa tinuran niya.

“Manang, sabi mo hindi pwede maging marupok.” nagbubulungan kami na parang mga bubuyog kaya napapasulyap sa aming kinaroroonan si Leon.

“ Aysus, 'wag ako. Kita mo iyan?” sinundan ko ang tingin niya.

“Kung ganyan ba naman kagwapo, matitiis mo? Panigurado hindi!" kumikinding pa si Manang paalis dala ang basket pamalengke.

“Nagustuhan mo ba ang kape, Pangga?” nabuga niya ang kape dahil sa biglaan kong pagtawag sa kanya. Magdamag ko kaya iyong pinag-isipan. Mukhang ayaw ata.

“Mainit pa ba?”

Nabasa ng kape ang suot niyang puting dress shirt patungo sa kanyang hita. Nakaporma na siya't lahat. Napurnada pa. Dali akong kumuha ng table napkin at pinunasan ang kanyang damit.

May nakapa akong matigas na bagay sa kanyang hita kaya inangat ko ang aking tingin. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Mukhang mali ata ang napuntahan ng mga malilikot kong kamay. Napalunok ako nang mariin siyang nakatunghay sa akin.

“Ah-, s-sorry!” nakakahiya. Kung bakit ba naman sa dinami-rami ng pwedeng hawakan bakit doon pa. Yumuko ako dahil sa inis sa aking sarili at kinuyom ang aking palad.

Tinignan ko siya ulit. Hindi siya gumagalaw at parang nagpipigil ng hininga. Ano bang problema nito?

“Gusto mo ako na ang kumuha ng pamalit? Kaso 'di ko alam eh." kinagat ko ang aking labi. Baka bigla nalang akong bugahan nito ng apoy.

“ Stop choking it, Amirie!" hindi ako komportable sa kanyang mga titig.

“Huh?"hindi ko siya maintindihan. Namumula at hindi pa rin gumagalaw.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon