Pagka-tawid namin sa kabilang kalsada, nakita kong sumakay sa back seat ng kotse ni Ren 'yung babae kanina. Jowa niya kaya talaga 'yun? Kasi kung oo, ba't hindi sila ganun ka close? Oh well, just like I said, wala akong alam.
Sumakay na kami sa binook na car kaagad dahil lumalakas na ang ulan. I really didn't like rainy evenings. Lalo na pag wala sa bahay! I wasn't always the type of person who brings an umbrella everyday. It's a hassle kasi, lalo na kung maliit 'yung bag at kailangan mong hawakan! BIG NO.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo," tinaasan ako ng kilay ni Daddy.
"Iniisip ko lang 'yung Cabrera kanina. Sino ba siya?" tanong ko.
"Si Ren-Ren. 'Di ko nga siya nakilala kaya ko tinanong pangalan niya. Dati pa kasi sila dito, siguro 'di mo lang nakikita kasi kakabalik lang nila,"
Oh, wow. Ren-Ren amp.
"Pa'nong 'di nakilala?" Kyuryosong tanong kong muli.
"Tumangkad siya, mga 5'6 lang kasi iyan dati. Tapos gwapo na siya. Ang laki ng ini-mature niya. Dati kasi maitim 'yan, tas naka braces. Nerd type ba, gano'n. Totoy na totoy 'yan dati," natawa si Daddy ng bahagya.
Since alam ko na ang pangalan niya, sinearch ko na siya sa FB. Lumabas siya, pero 'Maverick Cabrera' lang 'yung pangalan niya doon. He was a private person.
I saw that he is currently studying in DLSU-Dasma. So, engineering pala siya? Ang talino niya! Puro honors! Well, hindi ko 'yon alam talaga. Baka masipag lang. I continued scrolling through his profile and he had many shared posts.
Oh, my god. He likes Marvel.
Same interest, bro! Oh my! Tinigilan ko na din ang pag i-stalk maya-maya. Hindi rin ako masyado nag click ng pictures dahil baka mapindot ko ang like at mahalata akong nang ii-stalk.
Nakarating na kami sa bahay at pagod na pagod na ako! Dumeretso na ako sa kwarto ko nang makapasok na ako sa bahay, not even bothering to take off my shoes.
Naligo muna ako bago nag skin care. Naiinis ako dahil halatang-halata 'yung pasa sa noo ko! Bwiset na 'yan! Paano ko 'to tatakpan! May pasok pa ako bukas! Ano ba 'yan!
[Hey, this is Cheska!] buti naman sinagot ng bruha ang tawag kaagad.
"Hey, it's Adi."
[Oh, hey! So how was the library?] she giggled. Oh, I forgot that she was unaware that I didn't spend much time in the library.
"About that, I only stayed there for one hour. Nandoon kasi si Kuya Ry sa harapan ko kaya 'di ako nakapag focus. Tapos, Icah called me saying there's practice for the socializing sa Sunday. Then, obviously I went sa gymnasium and then-" she cut me off. Ano ba'ng trip ng babaeng 'to?!
[Wait, don't tell me you saw someone or something happened with you and this someone,]
"Exactly my point. He was the new VP of the SC. Tapos, I didn't know him at all. Pero ang gwapo niya talaga! Gago nga lang," tumawa ako ng malakas.
[What?! Ha?! Why, what happened?!] sigaw ng malakas ni Cheska kaya nilayo ko ang cellphone sa tainga ko.
"So, first, umiinom ako doon sa isang tabi tas magsasalin dapat ako, eh kaunti na lang 'yung natirang juice. Tapos, binangga niya ako tas natapon lahat, tas wala nang natira. Tapos na lowbat 'yung speaker namin kaya pinapunta ako kay Pres. Matt. Tas ayun, binato niya 'yung bola sa direksyon ko. Tas sapul sa mukha ko tapos pagka-landing ko dahil natumba ako, I got my ankle twisted!" napatayo ako dahil sa heated explanation.
[That jerk! So, ba't ka nga tumawag?]
"What the hell, SHARE KO LANG NAMAN! KAHIYA NAMAN, OKAY LANG KASI AKO ANO BA." Inis kong sabi dahil hindi niya manlang tinanong kung ano'ng nangyari sa akin. Agad ko nang binaba ang tawag. Tiningnan ko ang orasan at nakitang 11 PM na. Matutulog na ako dahil maaga pa 'ko bukas.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ako naaninag kong may mga tao sa harap ko! Dali-dali akong bumangon at kinuskos ang mga mata ko. Sinampal ko na din ang sarili ko para mapatunayan na hindi ako nananaginip!
"Good morning, Madam," kumaway si Icah sa akin.
BAKIT NANDITO SILANG LAHAT?!
Si Frances, Icah, Kuya Matt, Kuya Luis, si Cheska... at si Cabrera?!
"WHAT THE HELL! ANO'NG GINAGAWA NIYO DITO?!" Sigaw ko ng ubod ng lakas to the point na napatakip ng tainga si Icah.
"You weren't answering my calls! I found out last night na walang pasok since they're preparing for the foundation day sa Saturday! FYI, it's 1 PM na! And then when I went to your house, nandito na 'yung mga church friends mo! So, sabay-sabay na kaming pumasok noong binuksan ni Tito ang pinto kaya dumeretso kami sa kwarto mo kasi pwede naman daw!" Isang mahabang eksplanasyon ni Francheskang conyo.
"And you?!" I pertained to Cabrera.
"The Sports Committee was ordered to pick up the dance group to help us prepare the venue. As vice president, kailangan kasama ako. To be honest, I can leave if you want me to," he said very seriously. Looks like he wasn't in the mood.
"Oh wait, can I join? I have nothing to do naman," Francheska enthusiastically suggested.
"Epal?" inirapan ko siya.
"Tinawag na gago 'yung crush?" sagot niya pabalik sa akin.
"Sinong crush?!" sigaw na sabay ni Frances at ni Icah.
"Excuse us," sabi ni Pres. Matt at bumaba na sila, leaving the girls with me.
"Maliligo muna ako!"
Pumunta na ako sa banyo at naligo na. Ang daming tumatakbo sa isip ko! Ba't naman nila ako kailangan puntahan sa kwarto? Anyways, ba't naman kasi pumayag si Daddy? Hays! Kainis! Mas gugustuhin ko pang pumasok na lang, e!
I wore high-waisted skinny jeans, a light-blue cardigan. I also wore my white shoes para comfortable. I put my hair in a ponytail at naglagay ng ribbon na white. It was a bandana pero 'yung ang ginawa kong pang-ipit para cute. I let a few strands fall down para mas lalong cute.
"Aba!" Kakabukas ko lang ng pinto at iyon ang bungad agad sa akin ni Frances. "Estetik!"
Bumaba na kami at nakitang nasa sala ang SC.
"Let's go," mahinahong sabi ko at lumabas sa gate. "Let's just use my van." I said that because I saw that they only brought a 7-seater. I went inside the shotgun seat and exhaled. I looked to my left to talk to Kuya Matt since he was gonna drive.
"Kuya Matt!"
"Oh?"
My eyes widened when I realized that his voice came from behind. I checked the rearview mirror and saw that he's behind me and they're already full. I put my sight back on the driver's seat and saw Kuya Renzo instead.
Well, how could my day get any worse, right?
*****
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...