Umuwi na kami at nagpahinga na. Wala nang celebration dahil pagod na nga ang lahat. Wala naman kaming mga subs kanina. Sabi ni Kuya, babawi na lang daw siya sa isang araw. Pagod na kasi talaga ako, hindi naman ako na kondisyon. Pero in conclusion, it was fun.
Nakatulog na agad ako pag-uwi ko kahit 10 PM pa lang. Ang saya talaga ng araw ko, ang daming nangyari. Nakamit ang pagkapanalo, naramdaman ang saya ng pagsasama, at higit sa lahat, nailabas ang mga saloobin.
Gosh, it was such a relief.
Buti naman talaga, wala na akong inaalala. Actually sabi nila, if you confess your feelings to that person, male-lessen 'yung attraction mo. Kasi parang wala ng thrill kasi alam niya na. At this time, hindi pa 'yun applicable sa akin kasi wala pang nagbabago. But, let's see. Nasa huli pa 'yan.
Nagsabi na si Kuya sa akin na sa PICC daw ang graduation ceremony niya sa Friday. Kina-Monday naman noon, pasukan na namin. Haha, hello college.
Sa DLSU ako nag-enroll, last last month pa. Journalism ang kinuha kong course dahil sabi nila pantawid lang ng college then mag under-grad ako tapos law school sa UPD. Ang layo, pero kakayanin. Hindi na siguro ako mabibisita nina Kuya 'pag nandoon na ako sa Diliman. Kung dito sa La Salle, pwede pa.
Pagkagising ko, maraming maingay sa baba, kaya naligo na ako at nagpalit ng damit. I wore white maong shorts and a plain sleeveless blouse.
I could recognize a voice of a woman. It was Tita Sally. Nang bumaba ako, nakatalikod sila kaya hindi agad ako nakita.
"Good morning, Tita," I greeted her.
"Oh, Adi! Good morning," bati niya pabalik.
"Good morning po, Tito Chad," bati ko ulit.
"Adi, good morning," bati niya.
Mukhang silang dalawa lang ang narito. Ano ba'ng gagawin nila? Nahihiya akong itanong pero sige na nga! Walang mangyayari kung manghuhula ako dito, 'no!
"Tita, what brings you here po?" I smiled as I sat down beside her.
"Oh, niyayaya ko ang Daddy mo na pumunta sa mga Lola mo! Nag-message kasi Li sa 'kin at sinabing hinahanap daw ako ng Lola mo. Kaya pupunta kami bago umalis ulit ang Tito Chad mo." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
"Ah, si-", natigilan ako sa pagsasalita at nag isip muna.
"Sino?" Tanong niya.
"Si Kuya po?" Napakagat ako sa labi ko nang itanong ko iyon.
"Ah, nasa bahay pa din! Sabi nila susunod na lang daw silang magkakapatid. Gusto mo sa kanila ka sumabay? Or magbubukod pa kayo ng Daddy mo?" Tanong uli ni Tita.
"Sa inyo na lang po kami sasabay, susunod naman po pala sila, e." I smiled faintly.
Umakyat ako para mag ayos ng itsura. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil maayos naman ang suot ko, ah! I just brought my beige sling bag and wore my navy blue sandals. Navy blue din kasi ang blouse ko. Ankle strap iyon na may three-inch heels tapos ka-kulay iyon ng blouse ko. Tapos nag suot lang din ako ng pearl clip at maliit na pearl earrings.
Bumaba ako at nandoon na pala sila sa kotse. Sinara ko ang pinto at sumakay na sa SUV nina Tita. Jusko, nakaka-excite na ewan! Parang reunion na rin kasi ito! And this is my first time going with Tita Sally. Sana maaga dumating 'yung magkakapatid, para naman ma introduce ko si Ara kay Rai kasi same lang sila ng age.
Nag-pic kami ni Tita kasi kaming dalawa ang nasa backseat. Pinost ko iyon sa Instagram story ko. Si Tita Sally talaga ang kabaliktaran ng killjoy. Ang sarap niya talaga kasama.

BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomansaAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...