15

61 4 42
                                    

"Ah, gago! Ayun na, e!" Sumigaw ako dahil pang 5th time na akong naghulog ng token para dito sa stuff toy ng claw machine na 'to! Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuha!

My friends and I are celebrating my 15th birthday here at the mall. Nakakain na kami kaya naman nandito kami sa arcade. Wala akong katabi dito kaya kanina pa 'ko sigaw ng sigaw.

"Hoy, gaga! Act like 15, kanina ka pa sigaw ng sigaw d'yan ano ba?!" Sigaw ni Cheska sa akin.

"E, ang daya nito, e! Tara doon na lang tayo sa karaoke keme," padabog kong binitiwan ang controller at pumunta doon sa karaoke.

"So ano'ng kakantahin nating dalawa?" Tanong ko. Tumingin lamang siya sa akin at ngumiti, may pinaplanong masama.

"Lagi kong naaalala,"

Nagliwanag agad ang mukha ko at kinanta ang next line.

"Ang kanyang tindig at porma,"

"At kapag siya ay nakita," may tinuro si Cheska sa likod ko.

"Kinikilig akong talaga-" 

Napatigil ako nang makita ko si Kuya Ren na nakatingin sa amin. Nag init agad ang mga pisngi ko, bakit ganon?! "'Di naman siya sobrang gwapo,"

"Ngunit siya ang type na type mo,"

That line. It's always that line.

It has been two years, and yet I still have a crush on him. But it was unusual because I haven't fallen for him yet. I guess I really had enough with Noah.

Speaking of Noah, he chatted me last week. He was saying sorry and I saw his post that he was here in the Philippines. Ayoko na 'yun makita. Ayoko na talaga kasi baka masapak ko lang siya. He wasn't worth all of my efforts and time. He used me.

Pagkatapos ng karaoke, bumalik ako sa claw machine at tinry ulit kunin ang teddy bear. Ulit-ulit akong nag try, mga limang beses siguro. Nang tingnan ko sina Icah, nakita kong tinutulungan siya ni Aaron. Naging ka close na rin kasi kami ni Aaron since lagi namin siya kasama sa mga church events kaya medyo napalapit niya sa amin.

Potek, binack-hug pa nga.

Binack-hug ni Aaron si Icah tapos tinulungan sa claw machine. Sumimangot ako at hinigpitan ang hawak sa controller. Pumikit ako at napadilat nang may narinig akong huminga sa likod ko. Unti-unti niya akong tinulak pabalik sa claw machine at pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko at ginabayan ako sa controller habang nasa bewang ko naman ang isang kamay.

"Wawa ka naman, inggit ka kaya binigay ko na," mahinang tawa ni Kuya Ren.

Natulala na lang ako habang ginagalaw niya ang kamay naming dalawa. He was wearing a light blue polo and a white shirt inside and maong pants. Matching my light blue cardigan with a white shirt inside and maong pants. We were also wearing our matching pink and green Stan Smith. Wala lang talagang originality 'tong isang 'to, e. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko habang naglalaro. Ni hindi ko na nga napagtuonan ng pansin 'yung nilalaro namin eh.

"Yes! Oh, ayan teddy mo," umalis siya sa tabi ko nang ibigay ang teddy bear sa akin. Kumakabog ako puso ko, ba't ako kinilig?

"Kuya Ren," tinawag ko siya at lumingon naman siya.

"Oh?" sagot niya habang magkadikit ang mga labi niya.

"Wala ka pa bang girlfriend?" Deretsang tanong ko.

"Bakit, mag a-apply ka?"

"Hindi!"

"E, bakit nga?" Bumuntong hininga siya.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon