Renzo
"This is Renzo, how can I help you?" I answered an anonymous call. Hindi ko naman kasi talaga ugaling mag-save ng number at hindi ko rin saulado ang ibinibigay nila.
[Ren, this is Matt. Bakasyon naman na kayo, 'di ba?] It was Matthew, the president of the Sports Committee sa church. Last week, umalis na ang VP ng Sports Committee kaya ako ang ipinalit.
"Yes, bakit?" Mahinahong sagot ko.
[May assembly mamaya sa gymnasium. Kailangan ang SC doon, e. Ise-send ko na lang 'yung details sa 'yo.] Binaba niya ang tawag at pumunta naman sa sa group chat para doon sa details.
What: Assembly for Mid-Year socializing
When: May 5, 5:30 pm
Where: Barangay Hilaga GymnasiumTiningnan ko ang oras at 3 pm pa lang, maaga pa. Kahit bakasyon na ay nandito pa ako sa condo. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. Natulog muna ako dahil nga maaga pa.
Nagising ako at kinuha ang phone ko mula sa side-table.
"Shit," sabi ko nang makitang 4:45 na. Mahaba pa ang byahe ko since nasa condo nga ako. I changed my clothes into a white shirt and black jersey shorts. I drove to the gymnasium as fast as I could.
I arrived at 5:20 pm. Pumasok ako doon sa main door at umupo muna sa tabi since hindi pa naman mag sisimula. Nagulat ako nang may makita akong babae na naka white shirt at black leggings na pumasok sa main door kasunod ko, nagmamadali nang maigi. Lumapit siya doon sa isang coach namin, si Sir Marvin. Bumalik na nga pala si Sir Marvin dito 3 months ago. Ang alam ko kasi umalis siya 12 years ago.
Ah, member 'yung babae sa dance group, siya ata ang main dancer since nasa harapan siya. Maganda siya, mukhang mabait, pero mukha ring mataray. Pero, I knew that she wasn't my age. She looks way younger. Ngayon ko lang din siya nakita. Baka bagong lipat.
Binati ako ng iilan kong kakilala. Lumingon ako kayna Matt at nagtama ang tingin namin.
"Ren! Dito!" sigaw niya.
Napalingon sa akin ang dance group kaya naman binilisan ko na ang lakad ko.
"Oy, bagong VP niyo late ka agad!" sigaw ni coach.
"Sorry, coach." Mahinahong sabi ko at umupo sa tabi ni Matt. Nasa harapan kami ng dance group dahil papanoorin muna namin sila bago kami mag-practice since coach din namin ang coach nila. Nagsimula na silang sumayaw at umakto akong walang pake at hindi nanood. Sa pamamagitan ng sulyap, nakikita kong magaling sumayaw 'yung main dancer. Malamang, kaya nga main dancer, 'di ba?
Dinner time na kaya naman pumunta na kami doon sa kabilang side ng gymnasium. Pumunta naman 'yung babae doon sa may isang side kasama 'yung kaibigan niya. Hindi ako masyadong makipag-usap dahil hindi naman ako sociable na tao. Nagsasalita lang ako pag mayroong nagtatanong sa akin. Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin 'yung babae. Crush na ata ako.
Bumukas ang main door kaya naman napatingin ako doon. Si Ate Mae ang dumating. Nag-away kasi kami last time kaya as much as possible ayokong makipag interact sa kanya. Hinalikan niya lang ang pisngi ko at ako naman ay walang ginawa. Pumunta ako doon sa isang side para uminom ng juice, pag lingon ko, wala na sa kinauupuan 'yung babae. Hindi ko na lang tinuonan ng pansin, sino ba naman ako?
"Ate Mae mo oh," tinulak ako ng bahagya ni Matt. Napapikit ako ng mariin nang may mabangga ako sa likod ko. Napalingon ako at nakitang 'yung babae 'yung nabangga ko. Natapon ang juice niya, pucha.
"Couldn't you be more carefu-". Hindi ko alam kung ba't siya natigilan sa sasabihin niya.
"Sorry, I didn't mean to. Tinulak lang din kasi ako." Hindi ko sinasadyang mahawakan ang braso niya dahil natapilok siya. Umatras naman siya at yumuko at umalis na. I felt bad sa nangyari, si Matt kasi, e.
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...