01

91 7 10
                                    

"Lilipat tayo ng bahay," sabi ni Daddy sa akin.

"Ano?!" Sigaw ko. Oh, no, this is not happening. Not at a time like this, no.

"'Wag mo akong pag-taasan ng boses. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis tayo dito." Seryoso niyang sabi bago umakyat.

Naiwan lang ako doon na nakatulala. I came back to my senses nang kumulog ng malakas. Umulan ng malakas. Parang dinadamayan ata ako ng langit. Napaluhod na lang ako at umiyak sa madilim na sala. The more that I cried harder, so did the rain pour harder. Everything just felt heavy, you know?

I've spent all my life in this house, I don't think my separation anxiety can handle this. First, my parents' separation, then this?

I went up to my room and slammed the door behind me. I blasted music because I wanted to feel every emotion while I was packing things. I didn't know leaving a house could be this emotional. I only saw these in movies. Who would've damn thought that it would happen to me in real life?

After 2 hours, I finally packed all of my clothes and I put them in my bags and suitcases. Imagine, a child like me, packing her things up all by herself. Isipin mo kung gaano 'yun kasakit para sa isang bata. Matapos kong mag impake, hindi na ako nakatulog. Nakatulala lang ako sa kisame habang nakikinig sa mga kanta. Wala ako sa katinuan ngayon, nalipad ang isip ko, wala akong maintindihan.

Ilang araw ang lumipas, aalis na kami. Nakaupo lamang ako sa sofa set habang nakatingin doon sa wall of pictures. Pinagmasdan ko lang iyon hanggang sa dumating sina Tita Ria at Tito Dale kasama rin si Ara, ang pinsan ko.

"Hi, Tita," malungkot kong bati. Naluha na ang Tita ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Naluha na din ako dahil doon. "Tita, bibisita naman ako." Sumunod na si Ara sa yakap.

"Siguraduhin mo, ha? I'm sorry that you have to go through all of this," huminga siya ng malalim bago ako pakawalan.

"Don't worry po, it's not your fault."

"Adi," tinawag na ako ni Daddy mula sa gate. "Tara na." Mahina niyang sabi.

Nagpaalam nang muli ako sa mga Tito, Tita ko at kay Ara. Lumabas na lang ako dala ang sarili ko lang dahil nasa truck na ang mga gamit ko. Sumakay ako sa binook na sasakyan ni Daddy.

I took a last glance at the house.

I didn't know why was I emotional, I could visit anytime. Pero nandoon pa din sa isip mo na hindi ka na diyan nakatira, e.

A few months went by and it wasn't going great. Talagang classes na lang ang only escape ko since ang boring talaga sa bahay kasi wala akong kilala sa neighborhood at wala akong balak makipag-kilala! Ang hirap naman neto, oh! Ang hirap kasi makipag-interact dahil mukhang masungit lahat. I know that I'm just assuming, but still! I was an extrovert pero hindi ko siya magamit sa ganitong paraan.

"Potek!" Sigaw ko nang ibagsak ni Cheska ang plato niya sa lamesa ko. "Ano ba 'yan?!" Galit na sabi ko dahil natapon ang juice ko.

"Bad news!" Agad naman niyang sinabi kaya ako napatingin sa kanya. "Baka lumipat na ako ng school next school year! Oh, my god, no! Hindi ko na makikita si Vince!"

"What do you mean?! Hindi mo ba kaya i-convince ang parents mo?!" Hinampas ko ang mesa at tumayo. "Magsalita ka, Francheska! Kinakausap kita!" Sigaw ko naman sa kanya.

"I don't know! I'm not the one who will make the decision! Pero, it's like that nga," tumungo siya pagkasabi niya noon sa akin.

"Punyemas, 'wag kang conyo d'yan. Babatukan kita."

"Hala, lagot! Ma'am! May 1st year po na nagsabi ng 'punyemas'!" Sabi nung isang 3rd year high-school.

"Manahimik ka nga!" Tinulak ito ni Kuya Ry, 3rd year din. Ang gwapo talaga niya! Palibhasa kasi 1st year lang ako kaya naman hindi ko talaga siya pwede maging ka close. "Oy, ACS!" Tinawag niya ako. Ako?! Tama ba ang naririnig ko?! Baka naman ibang ACS, ayaw ko mag assume. "Adelaide Claire Sandoval!" HALA! AKO NGA!

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon