25

49 3 0
                                        

It was Kuya Ren.

"Ano ba? Stay out of our matter," inis na sabi ni Noah. "Let's go, Adi." Hinatak niya niya ako sa palapulsuhan ko.

"Adelaide, dito ka lang." Galit na sabi ni Kuya Ren.

"Sino ka ba, ha?! How do you even know Adi?!" Tinulak ni Noah si Kuya Ren sa dibdib.

"'Wag mo simulan dito, Noah." Inis kong sabi sa kanya.

"Umalis ka na," seryosong sabi ni Kuya Ren sa kaniya.

"Adi, I said let's go," hinatak niya ulit ako.

"No," bumitaw ako. "Ano ba'ng ginagawa mo? Hindi ba't sinabi ko na 'wag kang magpapakita sa akin, hayop ka." Pumunta na kami sa parking space.

"Adi, I'm sorry. I've changed over the past 2 years."

Wtf. Ano'ng changed? Pathetic kamo.

"So? Ano'ng gagawin ko? Edi, good for you?" Humalukipkip ako.

"Please, let's start over as friends again." Hinawakan niya ako sa mga braso ko.

"Let go of her,"

Medyo mahigpit ang hawak niya kaya lumayo ako. Pero sinuntok na siya ni Kuya Ren bago pa ako makagalaw.

"Bingi ka ba talaga at kulang ang isang salita sa 'yo?!" Lumuhod si Kuya Ren at hinawakan ang panga ni Noah. "Pag sinabi kong bitiwan mo siya, bibitiwan mo siya, ha? Matuto kang sumunod." Bintiwan niya ang panga.

"Renzo," dumating si Daddy. "That's enough. Let me handle it." Itinayo ni Daddy si Noah. "Pag ikaw nakita kong kasama ng anak ko, ako mismo uupak sa 'yo. Naiintindihan mo?"

"Noah!" Sumigaw si Tita She, ang nanay niya. "Gago kang bata ka, hindi ba't sinabi kong 'wag mo siyang puntahan?!" Sinabunutan siya ng nanay niya.

Dasurv.

"Adi, I'm so sorry. I'll make sure na hindi na siya magpapakita sa 'yo." She bowed slightly habang kinakaladkad si Noah pabalik sa kotse.

Bumalik na kami doon sa food park.

"Ayos ka lang?" tanong sa 'kin ni Kuya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Isn't it such a big coincidence na out of all places, dito pa tayo magkikita?" Seryosong sabi ko.

"Malapit lang ang campus dito, dito ang tambayan ng mga Lasallian. Honestly, ako ang nagulat na naririto ka." Tumawa siya ng bahagya. "Anyways, you didn't answer my question."

"Yeah, I'm fine. Bwiset, hayop talaga. Sakit ng hawak sa 'kin, shit." Hinawakan ko ang palapulsuhan ko.

Bigla naman itong kinuha ni Kuya Ren at tiningnan. Medyo namumula iyon dahil sa higpit ng hawak.

"Ipahinga mo na lang pag-uwi mo."

Nakarating na kami sa table at for 6 naman iyon kaya may space pa.

"May kasama ka ba?" Tanong ko kasi sa akin siya nakadikit.

"Meron, pero umuwi na ata sila." Sinasabi niya habang tinititigan ang orasan.

"Ah, sama ka ba sa amin?"

"Pwede?" He raised his eyebrows.

"Of course! I'm sure Ara wouldn't mind."

"Adi! Who's that?!" Malakas na sigaw niya nang makita kami.

"Ara, this is Renzo," tumango si Kuya Ren sa kaniya. "Kuya Ren, this is Ara. Pinsan ko,"

"Hello," nginitian siya ni Kuya Ren. Kinikilig naman ang gaga ng palihim.

Sabi ko back-off, 'di ba? Hindi ka ba makuha sa isang salita?

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon