To: Calvin
Hi, Cal. Will we go out today?
I messaged him right after I ate breakfast. It took him minutes before he could reply, baka lutang pa.
From: Calvin
Sorry, AC. But, may lakad kami ng family ko today, e. Kahapon lang talaga 'yung free day ko. I'm sorry, AC.
It's okay. Kaso kasi wala naman akong gagawin ngayon. Siguro pupuntahan ko na lang 'yung events place.
To: Calvin
It's okay, Cal. Family first. Magkikita naman tayo bukas, e.
From: Calvin
Okay. Saw your pics, by the way. You look pretty, who gave you that dress?
To: Calvin
Oh, that's from my Dad.
It was from Renzo! Pero I lied kasi baka magtampo na naman 'to. Ugh, hindi ko na alam!
Maybe I'll just invite Francheska over today. Napaka-lapit lang naman ng bahay niya, e!
ffranchheska_: ey ey! punta ba ako dyan??
adelaideclaire: LUH SASABIHIN KO PA LANG SANA, E!!!!! BWISET NA TO
ffranchheska_: nauna ako. loser. sge otw
Na-excite ako! Kahit halos araw-araw naman kaming nagkikita ni Cheska, para bang lagi ko siyang nami-miss!
"So, ayun nga! Nagkalabasan kami ng mga saloobin dahil sa 'kin! Pero okay lang, at least nasabi ko na!" Sabi ko kay Cheska habang nasa counter kami ng kusina at kumakain ng carbonara.
"Hindi na kamo kita maintindihan. 'Di mo siya gusto, tas gusto mo pala. Ano ba talaga? At kung ako naman kay Renzo, bakit 'di pa siya maghanap ng girlfriend?! Ang tanda niya na! NGSB pa rin siya? Ano gusto niya, first niya is last niya na din?" Iritang sabi ni Cheska.
"Well! Typical Renzo! Mag-jowa na kasi siya para 'di ko na siya magustuhan!" Inis na sabi ko.
"Edi ikaw ang mag-adjust! Ikaw na mauna! Hanap ka ng rebound! Si Cal! Ang tagal ka na noong nililigawan, 'no! Ilang beses mo binabasted. Kawawa naman si Doc, pinapaasa mo," sabi ni Cheska bago sumubo. "Well, mukhang ikaw sa sarili mo complacent ka na about being single hanggang sa maka-graduate ka. Pero kasi, feeling ko lang ah, si Renzo, gusto ka noon. Feeling ko naghihintay siya para sa 'yo kasi ikaw ang nagsabi sa kaniya na study first ka."
"What if bukas, 'di ba it's my celebration, what if tanungin ko siya. What if i-clarify ko na? Para hindi na ako nahihirapang manghula. Pero, kahit ano naman ang sagot niya, sayang lang ang oras niya, mas uunahin ko pa din ang pag-aaral ko. Nagdadalawang isip rin ako, 'no." Huminga ako ng malalim. "Huwag na, hayaan mo na. Balang araw, magsasawa din 'yon. Balang araw hahanap na siya ng gusto niya, at 'yong kaya niyang pag-tiisan, at kung saan siya masaya."
Nanood lang kami ng movies at kumain hanggang mag-gabi na. Ihahatid ko siya sa labas nang makita kong paparating ang sasakyan ni Renzo.
"Hey, Cheska!" Bati nito nang ibaba ang bintana ng sasakyan.
"Uy, hi, Kuys! Napadaan ka?" tanong ni Ches.
"Bibili lang ng gamot sa kanto, ingat, Ches!" nag-drive siya paalis.
Gamot para kanino? Mayroon bang may sakit sa kanila?
"Luh, beh! Payag ka non? 'Di ka binati man lang, walang hi or hello Adi. Daheck?! Serious ba siya. Sarap upakan ng bebelabs mo, Adi." Inis na sabi ni Cheska.
Maya-maya, bumalik si Kuya Renz.
"Cheska, sabay ka na sa 'kin, hatid na kita sa inyo. Delikado gabi na, e." Aya nito.
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...