23

53 3 24
                                    

Renzo 

Maya-maya din ay hinatid na namin sina Cheska, Frances at Icah. Hindi naman malayo sa park 'yung bahay ni Cheska kaya mabilis namin siyang naihatid. Binaba ko na mga boys sa gymnasium na den at along the way lang naman ang kanto nina Frances at Icah. 

"Ingat kayo, paki-kumusta sa Adi para sa akin, ha?" Kumaway ako sa kanila at pumunta sa bahay nila Adi at iniwan ang van doon sa labas ng bahay nila at kinuha ko na rin ang kotse ko. 

Medyo pagod ako ngayon dahil sa kadahilanang hindi ko alam. Hindi naman ako masyadong naglakad o kung ano man. Mabilis lang akong nakarating sa bahay kasi medyo malapit lang naman iyon. Tiningnan ko ang oras at 9 PM na pala. 

"Hi, Mi," I kissed her cheek when I saw her sitting on the sofa. 

"Where have you been, anak?" She smiled and went through my hair when I sat beside her. 

"Nag-ayos lang kami para sa socializing. Tapos nag-park kami ng boys. Sayang nga eh, nagpahatid pa si Adi, hindi sumama sa park." I sighed. 

"Do you have a crush on Adi?" She smirked at me. 

Do I? 

"NO! Ano ba 'yan, Mi! Ang bata pa noon," agad ko namang tanggi. 

"So what? Kaya nga crush, 'di ba? Ba't noong naging crush mo 'yung mas matanda sa'yo. Sino ba ulit 'yon? Si Jasmine ba 'yon?" Tumingala pa talaga siya habang nag-iisip. 

"Luh, maganda lang talaga 'yon si Jas," natawa ako dahil siya ang magandang second year noong first year HS pa ako. She was pretty and smart. Tapos magkagrupo kami noong foundation day tapos siya 'yung kasama ko sa horror booth. 

"Ikaw na nagsabi, Adi is smart, mabait and pretty, 'di ba? Well, I can't force a crush, can I? Sige na umakyat ka na, you should rest." Ginulo ulit ni Mi ang buhok ko at tinulak pa ako. 

Umakyat na ako at nagpahinga dahil nga pagod ako. Ngayon na lang ulit ako nag-stay dito sa bahay ng ganito tagal. Bakit kaya? Naghilamos lang ako at nag-toothbrush tsaka natulog na rin. 

Gumising ako ng mga 11 AM na. Kumain na rin ako ng lunch at natulog ulit ng mga 4 PM. 

"Renzo!" Sigaw ni Ate Mae kaya bigla akong napaupo sa pagkakahiga ako. "May gagawin ka ba?" 

"Huh, bakit?!" Napahilamos ako dahil nahilo ako sa biglang pagbangon. 

"Pakikuha 'yung sapatos ko sa dressing room sa church! Kailangan ko na 'yun bukas, eh wala dito sa bahay," nginitian niya ako nang mapang-asar. 

"Saglit nga! Maliligo muna ako." Padabog akong tumayo at naligo. Naulan pa naman. 

I changed into a gray polo, black slacks and my leather shoes kasi kahit ano'ng gawin ko, church pa rin ang pupuntahan ko. Magdadala ako ng sasakyan kasi naulan, mahirap na.  Nagdala ako ng itim na payong at umalis na. 

The travel time was short since malapit lang naman sa bahay. I opened my umbrella and went straight to the dressing room. I checked the time while walking, it was already 6 PM. 

Naghahanap na ako sa dressing room pero wala naman talagang sapatos doon, e. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Ate Mae. 

"Ate, wala naman dito, e. Pinagloloko mo ba ako?" Inis kong tanong. 

"Sorry na, nahanap ko na dito sa bahay. Nandoon pala sa kwarto ni Rai, uwi ka na, hehe. Sorry talaga!" 

Pucha naman oh. 

Agad ko namang binaba ang tawag dahil naiinis ako. Lumabas na ako sa dressing room at naulan pa din. Binuksan ko ang payong at lalabas na sana ng gate nang may nakita ako nakaupo doon sa may stairs. 

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon