38

43 2 10
                                        

Nang pumasok kami ng Watsons, aba, lahat nagtinginan kay Kuya. There were a few people my age, some are younger. Si Kuya naman kasi, naka hoodie tapos naka-shorts lang! Edi ang tangkad niya talaga tingnan! Tapos mukhang bagong gising 'yung buhok, nako! Kita ko ang pagpigil ng mga ngiti nung mga dalaga doon sa gilid.

Lumayo ako ng kaunti kay Kuya kasi ang sama ng tingin sa aking nung mga girls doon! Napansin naman siguro agad ni Kuya ang aking paglayo kaya napalingon siya sa akin.

"What?" I asked. Umiling lang siya at naglakad na.

Naka buntot lang ako sa kaniya hanggang sa matapat ako sa aircon. Shet, ang lamig. Bigla akong nanginig. Naiwan ko sa kotse 'yung jacket ko! Hay nako! Tumaas na ang mga balahibo ko kaya humalukipkip ako at kiniskis ang kamay ko sa mga braso ko.

Napalingon na naman sa akin si Kuya at umirap nang makita akong nanginginig. I looked away in embarassment. Nagulat na lang ako nang bigla tinanggal niya ang hoodie niya at ibinalot sa akin. Umangat pa ng kaunti ang damit niya noong nagtanggal siya ng hoodie. Nakita ko naman ang pagdabog sabay alis nung mga babae noong nakitang umakbay sa akin si Kuya Ren.

"'Yan kasi, iwan iwan pa ng jacket," he scoffed.

Noong pumunta siya doon sa kung saan man, pumunta naman ako doon sa mga drinks. Kumuha ako ng C2 Raspberry kasi favorite ko iyon. I turned around and saw Kuya with a cart. When I looked down, nandoon na ang pads ko. Like as in the pads that I usually buy.

"How did you know?" I asked.

"I don't know, it just popped in my mind. Dati kasi kumuha ako ng tissue sa drawer mo, nakita ko 'yang brand na 'yan," nagkibit-balikat siya.

Na-touch naman ako. Bakit niya alam?

Nang makabalik kami sa kotse, nilagay niya sa likod 'yung paper bag at kumatok sa bintana ko.

"Stay here, I'll be back,"

Hindi ko na isinara 'yung bintana ko dahil hindi nakabukas ang aircon kaya baka ma-suffocate ako. Masyado pa akong valuable sa buhay kaya hindi ako pwedeng mamatay. Chos.

Tanaw ko nang nakapila si Kuya doon sa counted pero hindi ko nakikita 'yong mga dala niya. Maya-maya naman, may mga lumabas na dalaga doon sa 711 at padaan sila sa may bintana ko.

"Uy, nakita mo ba 'yong matangkad? Naka puti na shirt na may stripes?" sabi noong isa.

"Pogi, 'no?! Kaso mukhang suplado! Pero pogi pa din," kilig na sabi naman noong isa.

Nakataas kasi ang bintana ko pero may awang sa taas, e nasa gilid ng kotse sila nag-uusap.

"Pero guys, itigil niyo na. May girlfriend na. Galing akong Watsons kanina, binalutan pa ng hoodie 'yong babae. Ba't kasi hindi nagdala ng sariling jacket! Sakit nila sa eyes, nako! Pero hindi na niya kasama ngayon, ah," sabi naman noong isa.

Lumabas si Kuya at sumakay sa driver's seat. Hindi pa rin naalis 'yong mga babae sa gilid pero hindi naman sila matatamaan. Bilang pang-asar, ibinaba ko 'yong bintana ko at ipinakita na ako 'yung babae kanina dahil suot ko pa rin ang hoodie.

"Excuse me, baka tamaan kayo," sabi ko. May kotse kasing dadaan sa gilid.

Kitang-kita ko ang shocked reactions nilang lahat. Para gulat na gulat ba na nandoon pala ako. Pagkasara ko ng bintana, doon naman ako tumawa.

Pagkalingon ko, nilapit ni Kuya Ren 'yong asado siopao sa mukha ko.

"Look, oh. It looks like you," he laughed.

I gave him glare and he just laughed harder. 'Tado rin to, e. Walang magawa sa buhay, parang sira. Wala nang ginawa kung hindi mang-asar.

Umuwi na kami pagkatapos kumain dahil gabi na! 11:51 na noong tiningnan ko ang orasan. Wala namang traffic papunta sa bahay kaya mabilis rin kaming nakarating.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon