"I was worried last night! Besides, two years ago you did your part in taking care of me. Now's the time to do mine," I smiled at him.
Umupo siya sa pagkakahiga at pinatong ko ang likod ng kamay ko sa noo niya. Ang init niya pa din. Sumimangot ako at kinuha ang thermometer sa bed-side table niya at barumbadong sinalpak sa kili-kili niya since naka sando namani siya.
"Aray! Ba't ka nanunusok?!" Reklamo niya. Hindi ako nagsalita at hinihintay na mag-beep ang thermometer. Humalukipkip ako habang nakatingin ng matalim sa kaniya. "Easy, tiger. Ror. 'Wag mo nga akong tingnan ng ganiyan!"
Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa mag beep ang thermometer. Dali-dali ko itong kinuha at tiningnan. "38.5 gago ka. Hindi ka uminom ng gamot kagabi, 'no?!" Binatukan ko siya.
"Anong klase 'yan?! May sakit na nga binabatukan pa?!" Hawak niya sa batok niya. Tumayo siya para pumunta ng banyo para maghilamos at mag mumog. Naghintay lamang ako doon sa upuan sa tabi ng kama niya habang nakahalukipkip pa din.
I prepared his breakfast table habang nandoon pa rin siya sa banyo. Nilagay ko ng maayos ang plato at baso sa maliit na lamesa. Napatingin ako nang lumabas siya sa banyo ng walang pang-taas na suot. Agad naman akong umiwas ng tingin at tinakpan pa ang mga mata ko.
"Pwede ba next time mag sando ka man lang?" I said in a monotonous tone.
"Ay, saglit." Binuksan niya ang drawer niya at kumuha ng sando. Binuksan ko na ang mga mata ko nang may suot na siya.
Umupo na siya sa kama niya at kumain na ng almusal. Bumaba ako para kumuha ng maliit na planggana at towel.
"Tita Sally, pahingi po ako ng bowl at towel po. Taas ng lagnat ng magaling niyong anak, e." Tumawa ako ng bahagya sa kaniya. Tumawa rin siya at pumunta ng kusina para kunin ang hinihingi ko.
"Eto na, Adi." Inabot sa akin ni Tita Sally ang bowl na may tubig at towel. Nginitian ko siya ng pagpapasalamat.
Umakyat akong muli at dere-deretsong pumasok sa kwarto niya. Laking gulat ko nang makitang tapos na siya kumain at tumingin lang siya sa akin pagkapasok ko.
"Ang bilis mo kumain," nilapag ko ang bowl sa table.
"Onti lang 'yung binigay mo." Inirapan niya ako. Paka suplado talaga nento.
Inalis ko na ang breakfast table niya at binasa ko na ang towel. Piniga ko ito at tiniklop at pinunasan ang mga braso niya.
"Sus, kaya naman pala ako gusto alagaan para mapunasan ako,"
"Hoy, ba't nung ako, hindi ka humingi ng paalam na pupunasan mo 'ko. Nag reklamo ba 'ko?!" Inis na sabi ko sa kaniya.
Kalaunan, pinatong ko na lang iyon sa noo niya. Pumunta ako sa study table niya at kinuha ang gamot. Napatingin ako doon sa bulletin board niya.
Pinagmasdan ko ang mga naka pin doon. Tapos napatingin ako sa tatlong litrato. Isang film doon ay 'yong buhat niya ako noong nanalo sila ng game noong socializing two years ago. 'Yung pangalawang film ay 'yong isa sa sampung pictures na kinuhanan namin noong pumunta kami sa park at noong umamin ako. 'Yung naka pasan ako sa kanya ang nandoon. Ipina-print niya pala iyon! Tapos ang pangatlong naka-pin ay 'yong nag SnapShot kami! Ang cute! Hindi ko alam na tinago niya pala ito. Doon sa kwarto ko, nakalgay rin ang mga 'yon sa bulletin board ko. May mga pictures rin silang magkakapatid at may isang kasama si Tita Sally. Meron ding picture ng Hilaga Stars habang hawak ang trophy!
"Ang cute naman nito, Maverick!" Nakangiti kong binaling ang tingin sa kaniya.
"Alam kong cute ako, matagal na."
Pramis, hindi talaga ganito ugali nito bago ko siya makilala.
Inabot ko sa kaniya ang gamot at tubig. Mabilis niya naman itong ininom at dumighay.
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomansaAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...