"Can I sleep here?" he asked. "Para kasi bukas dito na ako sa Dasma manggagaling. E 'di ba sa Dasma ang venue. So can I?" tanong niya ulit.
"Oo naman," I furrowed my eyebrows. "Ba't naman hindi?"
"Don't you realize na may unit rin ako sa condo na 'to..."
"Ay," napakagat ako sa labi ko. "Oo nga, 'no?" napatingala ako. "Okay lang naman, gusto ko rin ng kasama." I shrugged.
"Okay, I'll just get clothes upstairs. Sama ka?" tanong niya.
Tumango ako at tumayo para sumama sa kaniya sa taas. Gabi na kaya wala masyadong tao sa hallway at wala rin kaming kasama sa elevator. Pinindot niya ang 19th floor. Tahimik lang kami at nasa bulsa ang mga kamay niya habang naka-halukipkip ako.
Nang makarating kami sa 19th floor, dumeretso kami sa unit 331. Ngayon lang ako makakapasok sa unit niya. Malinis iyon, maaliwalas ang paligid. Maluwag dahil malaki ang mga units dito sa condo na ito at wala naman siyang masyadong gamit.
I stopped when I saw a small table in the living area. There were 4 picture frames. One with his parents, one with his sisters, one with his whole family, and one with....me. I picked up the frame and it was our picture at his graduation ceremony. Naka-akbay siya sa akin at tuwang tuwa ang mukha niya.
Naabutan niya akong tinitingnan iyon kaya nilapitan niya ako.
"Favorite ko 'yang picture natin. D'yan lang kasi ako naka ngiti ng sobrang saya, tas ang ganda mo pa d'yan." Sabi niya.
"Oo nga, e. Ang ganda ganda ng picture na iyan. Saka once in a lifetime moment 'yan para sa 'yo." Napangiti ako sa kaniya.
Bumaba na ulit kami sa unit ko nang makuha na niya ang mga gamit niya. Balak ko sanang sa couch siya patulugin kung uncomfy siyang katabi ako sa kama. Malaki naman ang kama ko, kasya ang apat na tao sa sobrang laki kaya pwede naman kaming mag dulo-dulo.
"What do you want for dinner?" he asked.
"Hmm, I want kare-kare." Bigla akong nag-crave.
"Do you have groceries?" tanong niya.
"Yeah, kaka refill ko lang kahapon," I yawned.
"Okay, kare-kare it is," he chuckled.
Of course, he knew how to cook. Ah, he really knows how to make girls fall for him, don't he? Ang galing. Swerte ng asawa nito. Sana makahanap rin ako ng ganito.
Nag gitara lang ako habang nagluluto siya para naman malibang siya. I always knew how to make him smile. Sabi rin sa akin ni Tita Sally na hindi naman palangiti si Kuya, kaya masaya ako na ako ang nakakagawa noon.
Pumunta naman ako sa kwarto para ihanda ang ire-regalo ko kay Raine. Madami iyon kasi hindi ako makapili! Mayroong pabango, dress, at white heels. Nagsama pa nga ako ng book! Siguro naka 3k ako sa lahat ng iyon. I wanted to spoil her! Tsaka pati 'yung bigay ng Kuya Re-Ren niya sa akin, 'no, grabe. It's the least I could do. Nilagay ko na lang lahat sa isang malaking paper bag. Nilabas ko iyon at nilapag sa couch para hindi ko na makalimutan bukas.
"Wow, that's big. What's in it?" tanong naman ni Kuya.
"Perfume, a dress, sandals, and a book. I couldn't pick so I got one of each," I shrugged.
"Luh, grabe! Ang yayamanin naman natin, Miss." Umirap siya.
"Anything for Rai."
"I could say the same," he giggled.
"Ikaw? Ano'ng regalo mo?" umupo ako sa couch.
"Bukod sa pagmamahal, binilhan ko siya kwintas din saka ring. Pendant noong kwintas ay diamond tapos matching ring. Wala pa kasi siyang gaanong hilig kaya iyon na lang ang binili ko," nag kibit-balikat siya.

BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
Roman d'amourAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...