36

48 2 4
                                    

"Ano 'to? Na wrong send?" Sabi ko sa sarili ko nang mabasa ang message niya. Nag-reply naman ako kaagad parang malinaw.

adelaideclaire: wrong send ba, kuya?

Kinagat ko ang daliri ko habang hinihintay siyang sumagot. Nag-seen siya at kinabahan naman ako.

Typing...

renren: no.

Nandilat ang mga mata ko nang mabasa ang sinabi niya. OMG, MISS NIYA AKO?! Parang nananaginip ata ako, e.

adelaideclaire: imyt ig?

renren: ay di ka sure, sge, thx s lht.

adelaideclaire: HALA JOKE LANG, E. MISHU

Hineart niya lang iyon at hindi na nag reply. Joke lang naman 'yun, e.

Natulog ako pagkatapos ng conversation na iyon kasi pagod ako. Naiisip ko nga minsan, magsawa kaya sa'kin si Kuya? 'Wag naman sana, ano. Sana makahanap na rin siya ng girlfriend niya, ang lonely kasi ng buhay niya. Sa pamilya at sa amin lang umiikot. Hindi na rin naman ako naasa na, alam mo 'yun, na ako pa ang forever niya. Alam ko namang hindi, pero hindi pa rin ako aalis sa tabi niya.

Andito lang naman ako kung kailangan niya ng masasandalan. Pero syempre, bibigyan ko na siya ng space 'pag may girlfriend na siya. Ayaw ko noong para akong girl bestfriend na pinagseselosan ng gf kasi doon nagbibigay atensyon 'yung boyfriend niya! Kasi kung sa akin iyon gagawin, e 'di sana girl bestfriend mo jinowa mo! That's his personal life na. I'll be overstepping kung magiging ganito pa rin kami 'pag nahanap niya ang ang SugarPlumHoneyBunchMwaMwaChupChupsLaLoves niya.

Nagising ako sa tunog ng alarm, we had to go to church. I got up at 8 AM, dahil 10 AM pa naman ang start. Mamaya na nga pala 'yung surprise. 16 na pala si France! Sweet 16 pala ito! I mean, surprise siya, so maganda siya kahit 'di ganon ka bongga. Ah, basta! Maging grateful na lang siya. Char. Maganda naman 'yung idea, e.

I wore a red asymmetrical dress. Sleeveless iyon kaya nag suot ako ng black na blazer. I always thought red and black was a fierce color combination. I guess I wasn't wrong. I wore shiny black heels with my black bag as well. The biggest part of my outfit is red, so I'll make the details black. But, the lipstick I wore was red because why not.

Dad and I already went to church with the sedan only. Sabi ko kasi kay Kuya naman kami sasakay kasi pupunta ng gymnasium. Dad seemed alright with my relationship kay Kuya. I mean hindi siya tulad ng iba na mag wa-warning na 'wag masyadong maging komportable dahil, you know, lalaki. Pero he seems fine with it. Ipinagkakatiwala niya nga ako kay Kuya, e.

Church ended at about 11 AM. Hindi ko nakita si Kuya kanina kaya hinahanap ko siya ngayon. Pumunta ako sa garden kasi doon siya usually nag pa-park malapit. Umuwi na si Daddy kaya kailangan kong hanapin si Kuya. May nakita akong bench doon sa gilid kaya doon ako umupo.

I messaged him,

adelaideclaire: wer uuu?

He instantly replied,

renren: behind youuuuu

I turned around and I saw him leaning against his car, wearing a red polo and smirking. Why does he always match my outfit? He also wore black slacks! Oh, c'mon! He also seemed shocked when he saw my outfit.

"Hi," bati ko.

"Hey," bati niya pabalik. He was smirking, ano ba'ng meron sa kaniya?

"Why are you smirking, kanina ka pa, ah," sumandal din ako sa kotse, sa tabi niya.

"Nothing," he smiled.

"Oh, tapos ngayon nangiti ka?" I rolled my eyes.

"You're gorgeous," sabi niya while grinning.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon