Renzo
Sumigaw siya at tumakbo papalapit kay Mami. Tinamaan niya ako ng malakas sa balikat at hindi man lang tumigil para mag-sorry.
Ouch ha, excuse me sa 'yo.
"Tita, na miss kita!" Sigaw niya.
"Ako hindi mo na-miss?" Sabi ko nang napaka-hina habang naglalakad papalayo sa kanila.
Pumunta ako sa booth kung nasaan sina Matt at Kent.
"Uy, Ren," bati ni Matt. "May dala kang decors?"
"Huh?" Naguguluhang tanong ko dahil wala naman siyang sinabing magdala ako. "Saglit tatanungin ko si Mami.
Pumunta ako kay Mama at kasama niya pa din si Adi. Medyo nahihiya ako kaya tinawag ko na lang siya.
"Mi," tawag ko sa kaniya.
"Ah, Adi! Have you met Renzo?" Tanong ni Mama sa kaniya. Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Adi nang itanong iyon ni Mami.
"S-sino po?" She stuttered. I was trying to hold back my laugh so hard.
"Yes, Mi. We've met. Right, Adi?" I raised an eyebrow.
"A-ah yes po! We've met!"
Nasa van ni Adi ang decors kaya naman pumunta kami doon. Nagmamadali siyang pumunta sa van dahil mainit. Tumakbo naman ako para abutan siya. Pagdating ko doon, nasa lob na siya at nag aayos na ng gamit.
"So," I leaned on the van door. "You're close with my mother?"
"Yes, and how come we've never met before?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Because," inilapit ko ang sarili ko sa kaniya. "Hindi ako nasama kay Mama kahit saan man siya pumunta." Sabi ko at pinigilang ngumiti dahil ang cute ng ekpresyon niya.
"Pero bakit hindi ko alam? For my stalker personality, bakit hindi ko alam?" Sabi niya. Totoo nga naman, ang dami niyang alam tungkol sa 'kin pero hindi kasama doon kung sino ang nanay ko.
Inabot niya na sa akin ang mga box at bumalik na siya doon sa gymnasium. Nang maalala ko ang kaninang umaga, tinawag ko siya.
"Attorney," tawag ko. Lumingon siya sa akin habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang noo. "You looked beautiful kanina." I tried my best not to smile. Pero totoo nga, ang ganda niya kanina.
"You too, Engineer." Umalis siya sa harapan ko at pumasok na.
Inabot ko kay Matt ang mga boxes na dinala ko mula sa van at pag-baling ng atensyon ko kayna Mami at Adi, nandoon na si Ate Mae.
"Ate Mae!" Tawag ko sa kaniya. "Ba't ang tagal mo?" Nilapag ko ang isang box sa upuan.
Hinalikan niya ako sa pisngi. "Traffic. Anyways, nasaan sina Matt?" Pumunta siya sa booth at sumunod naman ako.
Maya-maya, narinig kong tinawag ni Kent si Adi at France kaya napalingon ako. Nakita kong inutusan niya ang mga ito na isabit ang party curtains. Pansin kong hirap si Adi dahil tumitingkayad pa siya. Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya.
"Akin na nga," kinuha ko iyon sa kamay niya at isinabit 'yon. "Ano height mo?" Biglaan kong tanong.
"5'4. May problema?" She raised an eyebrow.
"Oo meron. Sungit mo," I scoffed and went away.
Tinawag ako ni Mami kaya naman lumapit ako sa kaniya. I jogged to the other side of the gym kasi doon siya nakaupo.
"Bakit, Mi?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.
"Paki sundo na si Rai, tumawag na sa akin at tapos na daw siya mag-ayos."
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...