43

46 2 3
                                        

"You never looked at me the way I always look at you. You always say that I am family. Hanggang doon na lang ba? Nakakapagod nang maghabol ng maghabol. Ayaw kong tumigil kasi alam mo, Renz, hindi lang kita basta gusto. More than a friend, less than a lover. Hindi ko pa rin alam kung saan ako patungo sa nararamdaman kong 'to," I wiped my tears. "It's funny how desperate people are when they're in love." I chuckled. "And I'm turning into one." I sobbed. "I'm sorry. Hindi ko dapat 'to sinabi lahat sa 'yo. Ano ba naman kasing magagawa ko? Alangan pilitin kita na mahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa 'yo. Pasensiya ka na ha, masyado mo na kasi akong sinanay na palaging nasa tabi mo. What choice do I have but to get attached?" 

"You always thought na kapatid lang ang tingin ko sa 'yo. Actually, no. For the first few years that we were together, yes, kapatid ang tingin ko sa 'yo. When you were 13, you were just attractive, pero kapatid ka lang talaga. But as time goes by and by, as you grow, as you mature, as you are now, that's when I realized that you weren't a sister-figure. Just like you said, more than a friend, less than a lover." He looked at me. "'Di ko lang rin siguro maamin sa sarili ko na may parte sa puso ko na gusto kita. Hindi ko maamin kasi hindi naman ako 'yung taong akala mong mamahalin mo talaga. I am not your standard. Kahit pa sabihin mo na oo, niloloko mo lang ang sarili mo. I don't deserve a person like you, and you deserve better. My love for you is unselfish." He sighed. "This is how I love. Masyado kitang mahal para hayaan ka lang sa isang taong tulad ko. Gusto ko kung saan ka masaya, kung saan giginhawa buhay mo, doon ka. Ganiyan ako magmahal, hindi para sa sarili kong kapakanan, kundi para sa 'yo rin." Naluluha na siya.

Tumalikod siya sa akin at bumalik sa kotse. Alam kong ayaw niyang makita ko siyang naiyak, na makita ko siya na mahina siya. I calmed myself because my emotions were overflowing. Ang dami kong sinabi. Hindi ko dapat sinabi 'yun sa kaniya. I regret everything that I said. Masaya naman kami kanina, ah? Bakit naging ganun?

Sumunod ako sa kaniya sa kotse at naabutan ko siyang naka patong ang ulo sa manibela at umiiyak. Dali niyang iniwas ang mukha niya at nagpahid ng luha.

Umupo lang ako sa tabi niya at kinakapa kung pwede na ba siyang kausapin.

"Nakaka-guilty lang na.... Ang dami nang nasasaktan dahil sa 'kin. Mga kapatid ko at ikaw. I'm too busy, and I am the one making myself busy. I'm this guy who thinks I'm not good enough that's why I make myself busy to prove that I'm hard-working, that I can provide for my family. Pero, tingnan mo naman 'yung kapalit.....Time." He sighed. "Then, eto naman. You thought that I have been ignoring your feelings. When you were still young, 13 or so, yes, I was ignoring it. Kasi ang bata mo pa noon, e. Parang 'di ko lang makita na magugustuhan kita. But, as I've said, as you are now. I realized that.... I can see myself liking you."

"Don't. Study first ako, 'di ba? 'Wag muna, pigilan mo muna. Tsaka, 'di mo ako gusto. Nagi-guilty ka lang ka lang kasi ang tagal ko nang naghihintay sa 'yo, pero trust me, hindi mo ako gusto. Hindi ko na rin naman na ipipilit. Don't say that you like me just because I like you. I know that it didn't come in both ways." I smiled at him.

He didn't reply. Hindi ko naman sinumbat sa kaniya na dapat niya akong magustuhan dahil gusto ko siya. Gusto ko lang talaga sabihin sa kaniya lahat ng nararamdaman ko.

"I'm sorry if I messed up your 18th," he chuckled. "Imbis na nagse-celebrate tayo, naging open forum na."

"Nah, it's okay. It's nice to let out feelings every once in a while. Ang gaan nga sa pakiramdam, e." I sighed. "4 PM pa lang...."

"You wanna go somewhere?" he asked. "Anywhere you want, Adi."

"Let's go home. I want to watch a movie." I suggested.

Noong pauwi kami, sumaglit kami sa Starbucks para may mainom kami habang nasa byahe. Kaming dalawa ang nakapila habang magkatabi. Hindi kami nagkikibuan pero minsang nagkakatinginan pero umiiwas din kami agad. Isang beses, nahuli ko siyang nakatingin siya sa dibdib ko. 

"HOY, BASTOS!" Sinampal ko siya. 

"TANGA! TINITINGNAN KO 'YUNG KWINTAS MO!" Hawak niya sa pisngi niya. 

Maraming tumingin na tao kasi akala siguro hina-harass ako. Malakas din ang pagkakasigaw ko. Hiyang-hiya talaga ako. 

"Si Adi parang tanga, 'di ako manyak, 'no! Kelan ako naging ganun?!" he exclaimed. "Tinitingnan ko 'yang kwintas mo dahil hindi mo pa rin pala tinatanggal." 

Napatingin naman ako sa kwintas ko. Iyon ang bigay niya sa akin 3 years ago. Nangako ako na hindi ko 'yun tatanggalin. Surprisingly, tuwing humahantong ako sa puntong ayaw ko mag-law kasi pagod na ako, basta hawakan ko lang 'yong kwintas na 'yon sa leeg ko, nagkakaroon na ulit ako ng inspirasyon para magpatuloy. 

"Nangako akong hindi ko tatanggalin, hindi ba? Tsaka, inspirasyon ko 'yan, 'no! Lagi ko 'yang suot kahit saan. Iyan na siguro ang pinakamagandang nairegalo sa akin. Kahit siguro hindi na tayo nagkakausap, or wala na tayong connection at all, hindi ko pa rin 'to tatanggalin. Mahal na mahal ko 'to. Pati 'yung nagbiga-" 

"Hi, Ma'am! What's your order?" Biglang bati ng cashier. Kami na pala, hindi ko napansin. 

"Mahal mo pati 'yung ano?" Bulong sa akin ni Renz. 

"Isang venti na iced chai tea latte, please. Also, isang caramel macchiato." Iniwasan ko ang tanong niya. 

"Your names po, Ma'am, Sir?" 

"Renzo and Adi." 

"Wow! Ang cute niyo naman po ng boyfriend niyo, Ma'am! Stay strong po! Bagay kayo!" sabi noong cashier. 

"Oh, he's not my-"

"Thank you!" Biglang sabi ni Renz pagkakuha ng resibo at hindi na ako hinayaang i-correct si ate girl!

Hindi na ako nakapagsalita dahil hinatak niya na ako papunta sa table namin. May nabangga ako at muntik nang matapon ang kape niya! 

"Can you watch where you're going?!" Sigaw noong babae. 

"I'm so sorry!" 

Napatingin ako sa babae at bigla na lang tumigil ang buong mundo ko, hindi gumana ang isip ko ng ilang segundo. Napatingin siya sa akin at nawala ang kunot ng noo niya. Nagulat rin siya ng makita ako. Bigla lang siyang umalis at dinaanan lang ako. 

"Are you okay, Adi? Kilala mo ba 'yun?" Tanong sa akin ni Renz. 

"Did I just bump into my.....mother?" 

*****

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon