Nakarating kami sa bahay at dumeretso ako sa taas para maligo kasi ang dami kong nakasalamuha kanina sa game. I took out my PJs and then called Cheska before going in the shower.
"Hey, this is Adi," I placed my phone on the table while fixing my things. "I'm sorry I couldn't like, be with you kanina. Kailangan kasi ako doon sa bench and I couldn't find you anywhere."
[Oh, that's alright! Frances accompanied me naman, e. Tsaka, I agree, kinailangan ka talaga doon sa bench.] sabi niya nang malumanay.
"Thank you for your understanding, Ches. Labyah, bye!" I ended the call and went in the shower.
As soon as I turned on my shower, it started to rain. The rain reminded me of an umbrella, leading to Kuya Ren.
ANO BA?!
Binilisan ko ang paligo at nagpalit na ng damit. Grabe ang pagod ko ngayon, pero alam kong mas pagod si Kuya Renzo, tapos sumuntok pa siya. Naisipan ko siyang i-chat para kumustahin pero nagdadalawang isip ako kasi baka tulog na siya at maka-abala pa ako. Kalaunan, si Ate Mae na lang ang kinausap ko.
adelaideclaire: hi, ate mae
rachmae: hey, adi. why are you still up? aren't u tired?
adelaideclaire: how is kuya?
rachmae: he's actually sick
adelaideclaire: huh? ano'ng sakit?!
Napaupo ako sa pagkakahiga ako dahil sa gulat. Paano naman kasi siya magkakasakit?
rachmae: natuyuan ng pawis and then kanina daw nung may inaayos siya, naambunan.
adelaideclaire: i would like to visit tom. can i?
rachmae: ofc u can. u can chat him rn, he's holding his phone
adelaideclaire: alr, ate. i'll get back to you later.
Umalis ako sa conversation namin ni Ate Mae at chinat si Kuya Ren. Nag-iisip pa ako kung ano'ng sasabihin ko.
adelaideclaire: kuya, how are you feeling? r u okay?
renren: bakit gising ka pa, anong oras na oh
adelaideclaire: i asked first.
renren: may ubo lang tsaka onting lagnat, nothing serious
adelaideclaire: anong nothing serious ka jan.
renren: normal trangkaso, adi. ikaw nga, bat gising ka pa???
adelaideclaire: eh nangungumusta nga lang sayooo, ayaw mo baaaaa?
renren: may sinabi ako?
adelaideclaire: .......
renren: dotdotin kita jan.
adelaideclaire: goodnight na nga, napaka-ayos mo kasing kausap.
renren: tysm, goodnight. sleep well, matulog ka na, alam kong pagod ka. pero wag kang assumera, mas pagod ako. sige na, k bye, ly.
LY?! ANO'NG LY?
adelaideclaire: anong ly?
renren: wala, nvm
adelaideclaire: luh. k bye.
renren: goodnight, adi.
Ayoko na ako ang last chat kaya hindi na ako nag-reply at hineart na lang ang message niya. Before going to bed, I overthink stuff or rethink them. This time, I started to rethink friendships.
Would I be enthusiastic if I wasn't friends with Cheska? Masaya ba ako kung wala si Frances at Icah? Mayroon kayang mag-aalaga, mag-aalala at magmamahal sa 'kin bilang kapatid kung wala si Kuya Renzo? May mag aasikaso kaya sa akin bilang anak niya kung wala si Tita Sally?
I don't think so.
Bakit nga ba? Pa'no nga ba nangyari ang lahat? Kung nag-stay ba ako sa dati namin bahay, magkakaroon kaya ako ng ganitong mga kaibigan? And now, I started to think of what ifs. What if, hindi naghiwalay sina Mama at Daddy? What if ako 'yung paboritong apo? What if hindi ako tumuloy sa gymnasium noong May 5 at nag-stay na lang sa library? What if.
Nag-ovethink siguro ako ng mga 30 minutes, at least. Tiningnan ko ang oras at 1:13 AM na. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maaga ako pupunta bukas sa kanila kaya uminom na ako ng sleeping pills kasi hindi talaga ako inaatok.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Tiningnan ko ang oras at 7:30 AM na. Naligo ako at nagpalit sa white maong shorts, dark-blue sleeveless na blouse and then nag white sandals ako na may heels. Bumaba ako at nakita na paalis na rin si Daddy for work.
"Pwede sumabay?" Sabi ko.
"Saan punta mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Doon ako tatambay kayna Tita Sally, pwede ba ako pumunta?" Nginitian ko siya.
"Uh, naka bihis ka na kaya wala na akong magawa." Sabi niya habang nagsusuot ng relo.
Bago lumabas ng bahay, nagsuot din ako ng relo at ng hikaw. 'Yung sedan lang ang dadalhin niya kasi kami lang naman dalawa. Ginagamit lang namin 'yung van pag may game or kaya sa church, kapag sasabay sa amin sina Icah.
"Bakit ka nga pala pupunta kay Sally?" Tanong ni Daddy habang inilalabas ang sasakyan sa garage.
"Wala akong gagawin maghapon tsaka sabi niya pumunta daw ako." Pagsisinungaling ko. Hindi naman talaga ako pinapapunta, ako ang pasimuno.
5 minutes drive lang at nakarating na kami ng bahay nina Kuya Ren.
"Say hi to Sally for me and Mae ha," sabi ni Daddy. I kissed his cheek and nodded. Bumaba na ako at tumawag sa gate nila.
"Tita Sally?" Tawag ko. 8:30 na kaya naman feeling ko gising na sila.
"Ate Adi!" Napatingala ako at nakita si Raine na tumatakbo papalapit sa akin. "Hi, Ate!"
"Good morning, Rai! Where's your Mama?" Binuksan niya ang gate at pumasok ako.
"Nagluluto ng breakfast, magtatagal ka ba dito, Ate?" Tanong niya. 12 na si Rai. That was my age when I first met her Kuya.
"I was planning to stay maghapon, can I?" I smiled at her.
"Of course! Walang pasok si Ate Mae kaya kumpleto tayo!" Hays, excited ang bata. Char.
"Hi, Tita," sabi ko pagkapasok.
"Oh, Adi! Kumain ka na ba? Halika, join us for breakfast!" Masayang aya sa akin ni Tita Sally habang nililipat ang fried rice sa bowl.
"Ah, sige po." Sabi ko at nakitang bumaba na si Ate Mae. "Hi, Ate."
"Oh, you're here na. Let's eat?" She sat down beside me and smiled.
I nodded and we ate. Nagtabi si Tita Sally ng kanin, hotdog, egg at luncheon meat sa isang bukod na plato. Baka para kay Kuya Ren.
Tahimik lang kaming kumain lahat hanggang sa matapos, walang nagsalita. Nilagay ni Tita Sally ang plato sa tray at isang basong gatas at mga gamot.
"Tita, pwede ako na lang ang mag-akyat?"
"Sure, 2nd door on your left." Binigay niya sa akin ang tray. Hindi pa ako nakakaakyat sa 2nd floor ng bahay nila kaya hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Kuya Ren. Kumatok ako at dahan-dahang binuksan ang pinto niya.
Ang linis ng kwarto niya, ngayon ko lang nakita. Maayos ang study table niya. Naka one-week break sila daw bago mag finals week.
He was peacefully sleeping while hugging his bolster. He's still a kid. Ayoko na siyang gising kasi ang cute niya. Pero kailangan niya kasing kumain. Nilapag ko ang tray doon sa bed-side table niya at inalog-alog siya ng mahina para magising.
"Ate, ayoko pang gumising- PUT-". Laking gulat niya nang makita ako.
"Sige, murahin mo 'ko." Seryosong sabi ko sa kanya bago tumawa ng malakas dahil sa reaction niya.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw niya.
*****
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...