Pag lingon ko, wala na si Kuya sa tabi ko at nandoon na sa katabi ni Kuya Ken. Lakas talaga ng topak neto, oh. In-assign ako ni Adrian doon sa party curtains at balloons kasama si Icah. Pumunta naman siya kay Kuya para sa mahabang table at iilang chairs. Hindi naman daw bongga ang gagawing surprise dahil gahol na sa oras kung lalagyan pa ng madaming effort.
Nakatapos na 'ko ng isang batch ng balloons kaya nagpahinga ako. Umupo ako doon sa bench at nag cellphone muna. Pa lingon-lingon din ako minsan para tingnan kung kailangan ba ang tulong ko. Noong ipinasok na nina Kuya at Adrian 'yung lamesa, napatingin ako kay Adrian. Gwapo naman pala siya, hindi gwapo, e. Cute siguro.
Hindi ko sure kung crush ba siya ni Frances, 'di rin kasi dinadaldal sa'min ni France 'yung crush niya, e. Ako lang naman ata at si Icah ang madaldal tungkol sa crush. Tipong ine-expose masyado, tapos issue sa iba. Hindi nga namin alam na crush pala ni France si Adrian kung hindi pa namin nakikita kung paano siya kiligin, e. Kasi nga, hindi niya sinasabi sa amin.
Mabait naman pala si Adrian, may pagka suplado kasi siya tingnan, e. Kabaliktaran siya ni Icah. Medyo shy-type kasi siya. Parang Renzo lang siya, tahimik na pogi. Pero ngayon, I wouldn't say na tahimik na si Kuya Renzo. In fairness, nilalagay niya sa lugar 'yung pagiging madaldal. Nasa lugar din 'yung pagkatahimik.
"We're all set." Sabi ni Adrian at tumabi sa amin ni Icah. Natapos kami ng 6 PM na. Maayos na ang decors, chairs, at 'yung mga gagawin namin.
"May mga gagawin ba kayo?" Tanong ko bigla sa kanila.
Umiling silang lahat at tinaasan ako ng isang kilay.
"Let's watch a movie!" Aya ko.
"OMG, sige! Sa bahay niyo ba?" Inalog ako ni Icah.
"Of course, where else?" Inirapan ko siya.
SUV ang dala ni Kuya kaya kasya kaming lahat. Wala naman si Cheska at France kaya kasya kami. Ako syempre sa harap, si Icah at Adrian sa likod ko tapos sa pinaka likod si Aaron at Kuya Ken. Hindi ko talaga tinatawag na 'Kuya' si Aaron kasi hindi ko feel na tawagin siyang ganon.
"Ano'ng papanoorin?" Kinalabit ako ni Icah.
Tumingin ako kay Kuya Ren at tinaasan siya ng kilay para tanungin siya kung ano'ng gusto niyang panoorin. Tinaasan niya lang din ako ng kilay kaya kinailangan kong magsalita.
"What do you want to watch?" I sighed. Ayaw ko na nga kasi magsalita, e.
"Uh," he scoffed. Nag-isip pa muna siya ng ilang segundo. "The Purge? Para thrilling?"
"Yown!" Sigaw ni Kuya Ken sa likod.
"Ohh, that's nice. Galing mo talaga, Kuya!" Pumalakpak si Icah.
Iyon ang gusto nila, kaya iyong ang panonoorin. Gusto ko rin naman ng suspense dahil marami akong kasama, mas masaya. Si Adrian naman, tumango lang nang tanungin siya ni Icah kung gusto niya rin ba iyon. Suplado, amp.
Nang makarating kami sa bahay, pinagbuksan kami ni Daddy ng gate. Nasa bahay siya since it was a Saturday.
"Hey, saan kayo galing?" Tanong ni Dad.
"Sa gym, Tito. Nag-ayos para sa surprise," sagot ni Kuya.
"Ah, sige. Pasok na kayo," he smiled warmly at Kuya and let us in.
Na-realize ko lang bigla na first time pala pumunta dito ni Adrian. Nararamdaman ko namang medyo ilang at ilag pa siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung bakit, nahihiya naman akong itanong. Siguro kasi hindi niya pa ako gaanong kakilala.

BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
Любовные романыAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...