51

43 2 1
                                    

"Miss? Miss?! I need to know your name."

My vision was blurry, I couldn't hear well. I felt my head burning. I could barely process my brain, I could barely think.

"A-Adelaide Sandoval," I wasn't clear. "Adelaide Sandoval,"

I heard monitors beeping. I had an oxygen mask attached to my face. I was sweaty. I could hardly breathe.

It was getting worse every second passing by. It was hell. It's getting hard to breathe. How did I end up here, anyway? 

I felt someone hold my hand, but I didn't bother to look at who it was.

"Stay with me," a man in a quavering voice whispered.

My heart was beating so fast. And then, I saw blood. And then it was black.

I woke up in a hospital room. I sensed that someone was beside me, but I didn't have the energy to even open my eyes.

"I'm sorry. I couldn't protect you, I wasn't there by your side when I said I will."

Renzo's voice. He was holding onto my hand as if it's the only thing he could hold onto.

"I missed everything, Attorney. When you graduated college, when you finished law school, when you top-notched the BAR exams, when you had your oath-taking, even the time when you first drove a car," he chuckled. I kinda smiled, but I still didn't open my eyes because I wanted him to continue talking. I also felt my hand going wet.

Is he crying?

"There were so many times that I questioned my existence when I did that to you. I know, I wasn't in the right mind. I thought I was doing the right thing," he sniffled. "Pero noong sinagot ako noong pulis kung sino 'yung pinasok sa ambulansya... Pucha, tumigil mundo ko noong narinig ko ang pangalan mo, e. Para bang lahat tumigil nang sabihin ang Adelaide Sandoval. Para bang nahilo ako saglit, nawawala sa sarili, hindi makapag-isip nang maayos. Hindi na ako nakapag-dalawang isip na pumunta sa ospital na 'to. Wala nang makapigil sa akin."

Naiiyak na ako pero gusto ko pa rin marinig ang mga sasabihin niya.

"Pucha, akala ko talaga mawawala ka na sa 'kin kanina. Noong nakita kitang naga-agaw buhay, hindi na ako makapag-isip. Wala nang natakbo sa isipan ko kundi ang 'manatili ka', 'huwag kang bibitaw, Adi'. Iyon lang. Ipinanalangin ko na lang na manatili ka pa. At pinakinggan ng Diyos ang aking dalangin, nandito ka pa rin sa tabi ko." Naiyak na siyang tuluyan.

Gusto ko na talagang dumilat.

"Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kong hindi kakayanin ng wala ka. Ngayon ko lang nalaman kung gaano ka pala ka-importante sa akin nang makita kitang nasa banig na ng kamatayan, at ipinaglalaban na ang sarili mong buhay, na alam kong hindi na kita makakasama. Ang sakit isipin, Adi. Nakakapang-sikip sa dibdib."

Yumuko na siya at hinalikan na lang ang kamay ko at patuloy pa ring umiyak.

Seeing him like this broke my heart. Hindi ko inakalang ganito ang epekto sa kaniya.

Nanatili pa rin siyang naka-halik sa kamay ko at naiyak pa din.

"Andito pa rin naman ako, hindi ba? Bakit ka naiyak?" Sabi ko habang naka-pikit pa din.

Naramdaman kong umangat ang ulo niya at biglang tumigil ang pag-iyak. Agad siyang nagpahid ng luha.

"You're awake, let me call a nurse," he said calmly.

"Wait," hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinila ko hanggang sa mapayakap siya sa akin. "Let's stay like this for a while."

Hindi na siya nag-reklamo. Pilit niya pang ipinulupot ang braso niya sa buong katawan ko. Kahit masakit dahil naiipit ang mga sugat ko, wala na akong pakialam. Basta kayakap ko nang muli ang aking pinakamamahal.

Ibinaon niya pa ang mukha niya sa balikat ko at naramdaman ko ulit siyang umiyak. Hinalikan niya din ang pisngi ko ng limang beses na sunod-sunod.

"I thought I lost you." Umangat na siya at tumingin sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinahiran ang mga luha niya. It's hard to see him like this.

"Oh, my God."

Napalingon kaming dalawa kay Cheska na may dalang paper bag na ang laman ay pagkain.

"Bumaba lang ako para bilhan ng pagkain itong si Renzo, tapos umatake na ang karupukan niyong dalawa?!" Pasigaw nitong sabi.

Lumapit naman si Cheska kay Renzo at bumulong na malakas at sinabing,

"Comeback na ba?"

Tumawa naman ako. Hindi pa comeback, 'no! Hindi ako ready dahil hindi niya alam na narinig ko ang mga sinabi niya. Hirap din kasing bumalik, kung alam niyang nasaktan ako sa ginawa niya. At sinadya niyang gawin iyon. Hindi ko rin talaga alam kung bakit, e. Maybe, one day.

"What happened to me?" Tanong ko kay Ren.

"May nakalimutan akong kunin sa opisina kaya umalis ulit ako. Traffic kaya bumaba ako ng sasakyan para malaman kung ano ang dahilan ng komosyon. Tapos nakita ko ang kotseng katulad ng sa 'yo na sumalpok sa isang truck sa intersection. Ganoon ang kotse mo kaya tinatanong ko ang isang pulis kung sino ang ipinasok sa ambulansya. Tapos sinabi niyang Adelaide Sandoval." Napatungo siya. "Sinundan ko ang ambulansya hanggang ospital. Nang isinugod ka sa E.R, ang daming dugo. Nabasag ang windshield mo at pumunta sa 'yo ang mga bubog noon. Wala kang fractures, pero naging critical ka dahil ang daming naubos na dugo sa'yo kasi ang tagal bago ka daw nailabas sa sasakyan. Wala namang tinamaan na makaka-apekto nang malala. Marami sa braso, sa tiyan mo, at mga binti mo." Napatungo ulit siya.

May gusto siyang sabihin pero parang nag-aalinlangan siya.

"Nag flatline ka, Adi."

Natigilan ako doon at biglang napatingin sa kaniya.

"I thought it was over, and they were about to announce the time of death after 3 minutes of resuscitating. But then, the monitor beeped, and then there was a heartbeat. They couldn't believe it, I also couldn't." He pursed his lips. "You lost a lot of blood, I donated blood for you. We have the same blood type, Adi. Our blood type is both A positive (+)." He showed me his arm and there was a gauze.

He left to go tell his family, and my Dad that I got in an accident. It was only me and Cheska in the room.

"Akala kamo talaga namin mawawala ka na, Ad." Sabi ni Ches. "Kung alam mo lang kung ano ang naramdaman namin dalawa ni Renzo nang marinig kang mag flatline. Wala, wala akong ibang nagawa. Muntik na ako magwala doon sa ospital, pero niyakap na lang ako ni Renzo habang parehas kaming naiyak sa balikat ng isa't isa. Pero, grabe ang saya namin nang bumalik ka." She chuckled while crying. "Alam kong kinausap ka ni Renzo kanina. Narinig ko lahat ng iyon. Hindi ko alam kung narinig mo, pero feeling ko oo. Dahil tulog-tulugan ka, e. Obvious ka, buti na lang hindi siya nakatingin sa'yo."

I'm so glad that I came back.

Thank you, Renzo.

*****

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon