"Sige po, Nay. Salamat po. Balik na po ako sa loob," I bowed slightly and went inside the house. Kumain na kami ng lunch bago ako pumunta kay Nanay kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nasa kwarto ako mag-isa kaya tatawagan ko si Cheska. I ku-kuwento ko ang mga sinabi ni Nanay sa akin para makapang-asar na naman siya.
[Hello?] Sabi niyang nang sagutin ang tawag.
"Hi, nandito kasi ako sa dating bahay tapos bigla kong naalala 'yung relationship nina Nanay at Tatay. 'Di ba sabi ko sa 'yo may age gap rin sila. I thought mga 5-6 years lang, pero 8 years din pala. And 15 and 23 years old sila nang maging close. Hindi ba't 15 and 23 kami ngayon?" I sighed.
[Oh my gosh, ano 'to. Mala, 'ganyan din nagsimula lolo at lola ko, ganon?] Tawa ni Cheska.
"Cheska, it's no longer a 'simple crush'."
Napatahimik si Cheska nang sabihin ko 'yon. Hindi naman na kasi talaga.
[Oh, ano'ng gagawin mo? Sasabihin mo ba?] Tanong niya.
"Sabi ni Nanay, siguraduhin ko daw muna. Let's see. Feeling ko kasi mawawala din since magiging, somehow, distant na siya sa akin next year, 'di ba?" I sighed again. "Anyway, I shouldn't be focusing about this, right? I have my priorities, and love isn't one of them. Sabi rin ni Kuya na hindi niya priority magkaroon ng girlfriend. Ako din naman. We have to achieve that 'Atty' and 'Engr' before our names, 'saka na siguro namin iisipin 'yang love love na 'yan."
[Tama ka d'yan, attorney. Study first muna kayo ni Engr. Cabrera. 'Saka ka na magpaka Atty. Cabrera.] Tumawa siya.
"Yuck."
[Kung ako sa 'yo, sabihin mo before ka umalis for college. I mean, hindi naman totally aalis, kasi 'di ba sa DLSU-D ka lang din naman. Pero 'yung sa law school. Oo, tama bago ka dapat mag college! Para makikita mo pa din siya, 'yun nga lang, madalang na. Kasi trust me, hindi ka na makakausap once you're already in law school.] Ang daming sinabi.
"Kaya nga sisiguraduhin ko muna 'yung nararamdaman ko bago ko pag-isipan. Malay mo, by that time, wala na rin pala. E 'di stay as friends." Nag kibit-balikat ako.
[Okay sige, sabi mo, e.] She chuckled and dropped the call.
Ang boring rin pala dito, kala ko naman masaya.
The next day, I was outside because I was watching after my cousins kasi naglalaro sila. Baka mamaya dukutin or masagasaan, mahirap na. Sasabihin na naman na ako may kasalanan kasi ako matanda at hindi ko ginawa 'yung part ko. Ganun naman palagi, e.
"Hera, 'wag d'yan!" Sigaw ko dahil lumapit siya sa kanal. "Ako mismo maghuhulog sa 'yo d'yan, sinasabi ko sa 'yo."
"Otey!" Sigaw niya sa maliit niyang boses.
"Beh, 'wag kang harsh, bata lang 'yan," binatukan ako ni Ara. "Ganyan lang si Hera, pero nasunod 'yan! 'Wag mong sigawan."
"Bakit ba? Deserve niya 'yun. Kulit niya, e." Inirapan ko si Ara. "Hera! Let's go inside na! It's getting dark na oh! Maonti na lang 'yung sun."
"Sanaol conyo, beh." Tumawa si Ara sa tabi ko.
"Eh, sinasabayan ko lang pagka conyo ni Hera."
More like ni Cheska.
Pagkapasok namin sa bahay, tumawag si Icah.
"Adi, finals ng volleyball sa Sunday. Paki-sabi sa Tito Dale mo na siya daw coach namin." Sabi niya.
"Ah, sige. Papasok na 'ko ng bahay. Update na lang kita mamaya." Binaba ko ang tawag at tuluyan nang pumasok sa bahay. "Ara, kindly call your dad for me, please? Thanks,"
She went upstairs to call her dad. Inaasikaso ko sina Hera at si Buno dahil pawisan silang dalawa. Naglagay ako ng pulbos sa kamay ko.
"Ano 'yun, Adi?" Nagulat ako nang magsalita si Tito Dale sa likuran ko.
Napatalon ako kaya naman natapon sa akin 'yung pulbos tsaka sa mukha ng mga bata. Shit, naka black pa naman ako!
"Oh my goodness! I'm so sorry! Ate Adi didn't mean to!" They were just looking at me so innocently, with no expression on their faces. Natawa ako kaya kinuha ko ang phone ko at pinicturan silang dalawa. I posted it on my IG and captioned,
Sorry, cuties. Ate Adi didn't mean to:))
Pinunasan ko 'yung mga mukha nila at pinagpag ko ang shirt ko. Naghilamos ako at pagbalik ko sa lamesa, may notification agad.
renren liked your post.
Not long after I received the notification, he was calling already. It was a video call and he was in an elevator.
"My claustrophobia cannot." Sabi ko nang makitang nasa elevator siya.
He laughed. Looks like he was alone, because why would he call me if he wasn't? "Hey, saw your post."
"Yeah, they're cute, aren't they?" I pouted. "Hera, Buno come here! I'd like you to see someone."
"Oh my gash! Who is that, Ate?" Tanong ni Hera. Kinandong ko sila sa hita ko.
"That is Kuya Ren, say hi!"
Kuya Ren waved at them. "Hello!" He greeted.
"Hi, Tuya Ren!" Hera could not pronounce 'K' properly.
"Oh, go to Ate Ara na!" Tinaboy ko 'yung dalawang bata, kasi why not?
"Adi, ano 'yung sasabihin mo?" Tanong ni Tito.
"Ah, ikaw daw mag coach ng finals game ng volleyball nina Icah sa Sunday."
"Coach Dale, isama mo 'yan si Adi! HAHAHAHAHA," tumawa ang gagong nasa video call.
"'Yun nga sana sasabihin ko, e. Salamat, Mav!" Tumawa si Tito Dale. "Akong bahala sa 'yo, Adi. Isasama kita sa team."
"LUH, TITO 'DI AKO MAGALING MAG VOLLEYBALL!" Sigaw ko.
"Kaya mo 'yan! May North naman na susuporta sa 'yo." Tumingin siya sa phone ko. "'Di ba, Mav? Supportive ka 'di ba?"
"Syempre naman, Coach! Kung 'everloving North' ko nga siya, pwes ako ang 'tenderhearted North' niya."
Uy, ba't ako kinilig?
TGIF.
It was already Friday, and same scenario, me and Ara were looking out for the batuts.
"'Di naman kasi ako magaling mag volleyball, e! Si Kuya Ren kasi!" Sabi ko kay Ara.
"Sige na, andyan na si Leona, kayo na ang mag-usap!"
Leona was my childhood friend.
"Adi, andito ka pala!"
"Yeah, I visited. How are you?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm okay! Missed you!" She hugged me.
It was already 6 PM and I heard a car approaching but I didn't mind. Sounds like it parked in front of our house.
"Oh, who's that? Nag-park sa tapat ng bahay niyo." Turo ni Leona. "OH MY GOD, ANG TANGKAD."
Nandilat ang mga mata ko. Hindi ako gumagalaw at nakatingin lang sa malayo. I turned around.
"Adi,"
Gag-
*****

BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...