Nakarating kami sa bahay ng mabilis dahil wala na ang traffic. I was really excited to see Luna again, though!
I wanted to catch up with Renzo so much! Pero, no. Si Ate Rach na lang ang chi-chikahin ko o kaya si Tita Sally. Nawe-weirdan ako dahil parang hindi tumanda ang mga itsura nila! Walang nagbago. Kahit isang wrinkle, walang dumagdag.
"Tita Adi!" bati sa akin ng bata. Natutuwa ako dahil nabibigkas niya na ng maayos ang pangalan ko!
She ran to me and I opened my arms when she came to me and then carried her. I kissed her cheeks multiple times! Ang cute! Nakakagigil! She even played with my hair. Ang cute talaga nitong batang 'to!
"Adi, this is Kevin. My husband," biglang sabi ni Ate Rach.
"Hi, you must be Atty. Adelaide," bati nito sa 'kin.
"Please, call me Adi! Nice to meet you, Dr. Bernardo." I shook his hand.
"Grabe, Adi. Attorney suits you very well! Congratulations, by the way! I am so sorry kung hindi kita nabi-bisita doon sa BGC, ah! Nagpapasama kasi ako dito kay Re-Ren, ayaw ako samahan!" Sabi ni Ate.
Eto na, catching up era na kami.
"Ano na naman?" sagot naman noong isa.
"Haha, it's okay, Ate! Ano ka ba!" I laughed. "Though, I really missed you, guys. Wala na kasi akong time makipag-interact sa social media noong mga panahong nasa law school ako, e! Kaya bihira ko na din kayong makausap. Buti na lang si Tita Sally tinatawagan ako at least once a month para kumustahin ako!" Masayang sabi ko.
Umakyat na si Renzo sa taas para siguro iwasan ako. Lahat talaga ginagawa niya para lang iwasan ako at nakakainis siya! Pero sige, pataasan talaga ng pride. At ngayong wala na siya dito, pwede na nila siyang siraan!
"So, Ate. Bakit wala pang asawa 'yung abnormal mong kapatid?" Deretsang tanong ko.
"Omg, I was waiting for you to ask this!" She excitedly held my hand. "So, it's like this. Ever since you left for law school, Renzo tried to date girls, you know?! And I really hated the idea because he ghosted every girl he didn't like after dating them for 1 week! Playboy, hindi ba? Super red flag era niya noon, promise!" She raised her right hand. "Fast forward, he had a girlfriend when he was 28. Her was was ironically..... Adelaide too. Hala! Adelaide din pala 'yung name noon! Pero Adel ang nickname niya so, don't worry, ikaw pa rin ang orig." She laughed. "So, fast forward. 8 months later, they broke up kasi itong si Adel hindi na-kuntento sa isang engineer na top-notcher sa boards at mayroon nang sariling kompanya na gwapo, matangkad, matalino, sophisticated, mabait, gentleman, lahat na! Imagine, naghanap pa siya ng iba? Ang kapal ng mukha, 'di ba?! Na heart-broken siyempre ang Bebe Re-Ren ko nang malaman niya iyon. Pero, hindi rin nagtagal at naka-move on siya dahil sa mga advices ko. After the break-up, naging mas hands-on siya sa work at lifestyle niya. He started mag-ayos ng sarili niya para naman magsisi 'tong si Adel. Then after Adel, isinantabi niya muna ang kaniyang love-life at naging workaholic na lang. Hindi ko alam kung ano'ng hinihintay ng hinayupak na 'yan at ayaw pang mag-asawa!"
"We both got cheated on pala,"
"You had a boyfriend?!" Gulat na sabi ni Ate Rach.
"Yep. Way back when I was in college pa. I couldn't afford to have a boyfriend during law school. Sinagot ko siya noong 2nd year ako, tapos 8 months lang din ang itinagal namin since parehas na kami busy with med and law school, so ayun. Besides the fact that we couldn't maintain a good relationship in spite of studies. He cheated on me with another med student. Gago 'yun, grabe. Sabi niya may group review sila sa condo niya ng mga friends niya tapos pumunta ako doon kasi nakalimutan ko ang books ko noong nag-stay ako doon then I caught them having sex. On the table where my books were. Alam mo, ang tanga niya kasi alam mo, sa dami-dami ng lugar kung saan ka pwede makipag-chukchak, doon pa talaga sa condo niya na alam niyang may susi ako? Bobo, literal." I sighed. "It was for the better din naman. Noon ko lang din nalaman kung gaano kaliit 'yung hotdog niya. Hays, buti hindi sa kaniya nawala ang aking virginity."
"Eh kanino?!" Sabay na tanong ni Ate Rach at Raine na nakikinig pala sa usapan namin.
"Wala pa! Sinasabi ko lang na buti nga hindi sa kaniya! Para namang mga ano 'to!" Napakunot ang noo ko. "Pero ayun hindi na ulit ako nagka-jowa after Calvin. Mga med students nga naman," I scoffed. Napatingin naman sa akin si Kuya Kev at Ate. "Bukod sa inyo, siyempre! Gago talaga 'yun! Ilang buwang akong niligawan tas ginanon lang?!" I scoffed again. "Dami kong manliligaw noong law school. Syempre, ganda ko ba namang 'to?! Pero, ni-reject ko silang lahat kasi hindi nila ako deserve tsaka I don't have time for bullshit."
"SLAY GIRL BOSS!" Pinalakpakan ako ni Rai. "Galing mo talaga, Attorney Claire! Idol na kita!"
"Sige na, uuwi na ako. Nice chat, Ate," tumawa ako. "Bye, Tita Sally! Bye, everyone!"
"Ingat, Adi!" Sagot nilang lahat.
Na-miss ko ang kotse ko! Ngayon na lang ulit ako nakapag-commute, 'no! Ka-miss din pala. HS days nga naman. Ka-miss maging highschool! Those were the days talaga. Ngayon kasi, dami nang problema.
Minsan ka na lang dapuan ng saya. At least I have time for myself and others pa din. Okay na siguro 'yun.
Nang makauwi ako sa bahay at nang pagkapasok ko ng aking kwarto, ang daming bumalik sa akin na ala-ala.
Dito sa kwartong 'to, ang dami naming napag-usapan dito na hindi ko pa rin inaalis sa puso ko. Mga sinabi niyang walang katotohanan.
Napaupo ako sa kama at bigla na lang napaluha.
"Sabi mo nandiyan ka lang.... Pero bakit noong kinailangan kita, bakit wala ka? Akala ko ba pamilya kita? Akala ko mahal mo ako? Paano mo nagawang iwan at itapon na lang lahat ng iyon?" Napa-hikbi ako. "Sabi mo masaya ka noong nakilala mo ako. Pero bakit ngayon kung daan-daanan mo na lang ako parang wala lang. Sabi mo mahal mo ako, e." Napasabunot na ako sa buhok ko. "Putcha, sabi mo maghihintay ka, 'di ba? Nasaan? Nasaan 'yung paghihintay? Ano? Nagsawa ka na? Nainip ka na? Hindi mo na nagawang maghintay?!" Binagsak ko na lang ang sarili ko sa lapag.
Dali akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero basta magd-drive ako. Kahit san man 'yan, mawala lang lahat ng poot na nasa puso ko ngayon.
"Sabi mo maghihintay ka...."
'Yun ang huling sinabi ko bago ko nasinagan ang liwanag.
.....
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...