62

39 1 6
                                    

R-18. (Pero siyempre kahit hindi pa kayo 18, babasahin niyo pa rin. Mabait kasi kayo. Kaya ko kayo love, eh.)

Natawa naman ako doon at hindi ako nag-reply. Pumasok na ulit ako sa building para asikasuhin ang paga-apply ni Ja.

"Can I have the papers of Jallyna Alba?" Tanong ko doon sa staff ng hiring department.

"Here you go, Attorney." Inabot sa akin iyon at sinuri ko. 11th siya sa BAR. Impressive.

Ibinalik ko iyon sa staff at pinatatakan ko ng 'hired' bago ko hinanap si Jallyna.

Nang mapadaan ako sa cafeteria, kausap niya si Cheska! Oo nga pala, magkakilala rin sila.

"Attorney!" Tawag nilang dalawa sa akin. Kumaway sila at sumenyas na lumapit ako. Ginawa ko rin naman iyon at saka ibinigay ang folder kay Ja.

"Oh, my God! Thank you, Ate Adi! Maraming salamat!" She hugged me.

Bumalik na ako sa office ko dahil may mga gagawin pa ako. I wanted to be productive para naman satisfied ako sa work ko. I avoided procrastinating as much as possible para maging productive.

A little while later, nag message sa akin ang makulit kong manliligaw.

engr.c: i'm done with my work for the morning, im hungry. i'm planning to eat all 3 meals of a day with uuu! lunch tayo? dito sa office ko naman

engr.c: sunduin kita

engr.c: omw

Nagulat ako doon at napasapo sa noo ko. Mukha ba akong may choice pa?! Malamang, hindi na ako makatatanggi sa kaniya! Nakakainis naman nito, napaka impulsive! Basta maisipan, go na agad. What if sagutin ko na siya para 'di na mangulit? Sagutin ko ng 'no'. Eme.

engr.c: i'm here, love. i'm omw up.

At nang mabasa ko iyon, lumabas na agad ako ng room para salubungin na lang siya. Baka mamaya, kung ano pa'ng gawin niya sa akin dito. As if naman! 'Tong si Adi parang tanga, kung ano-ano iniisip.

Nang pagkabukas ko ng pintuan, may nakabungguan na naman ako! It was a lady that I was familiar with. Hindi ko siya kilala, in fact I've never even seen her anywhere. Pero bakit parang nakita ko na siya somewhere somehow?! Mahaba ang buhok niya, average lang ang height. Naka royal blue siyang dress na off-shoulder at naka black na heels.

"Oh, I'm sorry!" Sabi niya at pinulot ang nalaglag kong phone at wallet. "Hi, you must be Atty. Sandoval. I'm Ad-"

"Adelaide!"

Parehas kaming napalingon nang may nagsabi ng Adelaide. Nakita ko si Renzo na nakasuot na ng coat at tie. Ngumiti ito sa akin at biglang nawala ang ngiti nang makita ang babae na katabi ko.

"A-Adi," kinakabahan niyang sabi at parang hirap na hirap siyang bigkasin ang pangalan ko. He licked his lips and held my waist and pulled me beside him.

"I'm so sorry. What did you say your name was?" Tanong ko ulit doon sa babae dahil istorbo 'tong si Renzo. Though, nagtataka ako kung bakit naging ganoon ang ugali niya nang makita ang babae.

"I'm Adelaide Aquino. You can call me Adel," she smiled at me while nervously looking at Renzo.

"Adel," tinawag siya ni Renzo. "What are you doing here?"

Holy fuck shit.

"Long time no see, Engineer." She cleared her throat. "I could ask you the same question." Sagot niya.

"I'm here to pick up Atty. Sandoval, obviously." His aura turned back to the cold, stoic attitude he always had. Except when around me.

"It was nice meeting you, Atty. Sandoval. Excuse me," umalis na siya at nilampasan kami.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon