Renzo
After the game, pumunta kami sa park kasama ang tropa kasama sina Tito Marv at Mami. Kasama ang starting 5 para i-celebrate ang victory namin. Parang mala-party ang celeb kasi may red cups tsaka soda. Underage mga kasama ko kaya bawal uminom.
Further into our celebration, biglang tumayo si Adi at tinaas ang baso.
"I wanna raise a cup for the Hilaga Stars. You guys deserved it so much. First, to Adrian for being a rookie champion!" Tinapik-tapik ko si Adrian. Mabait 'yung batang 'yan! "Second to Kuya Kent for being the helping hand to everyone ever since I first met him!" Tumingin naman ako kay Kent at ngumiti sa kaniya. "Thirdly, to Kuya Luis, who was selfless. Lagi niyang pinapasa ang bola sa karapat-dapat." Totoo naman ang sinabi ni Adi, hindi madamot si Luis. "Fourthly, to Kuya Aaron. For the first shot, and the assist for the victory. You have been so generous." I smiled at Aaron.
Adi took a long pause, looks like she's nervous because she gulped. "And lastly," she looked at me with her watery eyes. Ano'ng meron dito? Bakit emo?
"To our MVP, my star. It has been such an honor to be the most active North to cheer for you in your last game. How ironic that it was a finals game and you were an underdog. You never failed to amaze me in any way possible. You never let anyone bring you down, you just showed me that an hour ago. You will forever live in our hearts number 7. You will be remembered," she wiped her tears.
"Adi," I sighed. "Hindi ako mamamatay." Sarkastikong sabi ko.
"Ay, sorry. Na carried-away lang ako. No Star could ever live up to the legendary victory that you brought us. It was indeed, a great way to end your last year. The Hilaga Stars will always admire you, and as a proud North, I will too. To Cabrera!" She raised her cup. My teammates followed her action and shouted, "LET'S GO, HILAGA! GO! GO! GO!"
I owe Adi for the motivation. I also owe my teammates, of course. Sayang naman at last year ko na sa Stars. Masaya ko naman iyong tinapos, no regrets ba. Grabe, iba pala talaga kapag may North ka.
Tumayo si Adi para itapon ang basura doon sa may bench. Kaunti lang naman iyon kaya hinayaan ko na siya na lang mag-isa. Umupo naman si Ate sa tabi ko.
"Si Adi?" Tanong niya.
"Nandoon-" natigilan ako nang makitang may lalaking nakatabi sa kaniya sa bench.
Napatayo agad ako at nagmamadaling naglakad tungo kay Adi. Medyo bumibigat ang paghinga ko, hindi ko alam kung bakit. Nakita kong humarang na ang lalaki kaya tumakbo na ako papunta sa kanila.
Kinuwelyuhan ko na ang lalaki bago pa niya mahawakan si Adi. Sinuntok ko siya ng apat na beses pa. Kahit isang libong suntok, hindi pa rin sapat para mabayaran niya ang sinubukan niyang gawin kay Adi. Dumugo na ang labi niya sa mga suntok ko. Pilit ko siyang itinayo at kinaladkad. May nakita akong maliit na pond na malapit sa amin kaya doon ko siya dinala. Ibinato ko siya doon at nilublob siya lalo.
"Ayos ka lang ba, Adelaide?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang hatak-hatak siya. "Adi naman kasi, ba't hindi ka bumalik agad?!" Sigaw ko sa kaniya.
"My goodness, Renzo. 'Wag mo na siyang sigawan! Alam niya ba 'yung mangyayari?!" Sigaw pabalik sa akin ni Ate.
"Ate, nakita mo ba 'yung gagawin dapat sa kanya noong binata?!" Sigaw ko kay Ate.
"Maverick, tumigil ka." Awat sa amin ni Mami.
Huminga ako ng malalim at napahilamos sa sarili dahil sa pag pigil ng inis dahil nanay ko na mismo ang umawat sa akin. "I'm sorry, Adi. I was just concerned about you."
Nakita ko ang pagpigil niya ng iyak. Umalis siya sa harap ko at tumalikod na ako. I sighed as she bumped me. I went through my hair and pulled it a bit. Inis na inis ako sa sarili ko. Ang dami-daming ala-alang pumasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...