57

35 1 1
                                    

"Fine, ako sa couch." He scoffed like he didn't have a choice.

"Hey, you don't have to-"

He put his pointer finger against my lips. "I don't have to, but I will, for you."

Okay?

Grabe nga 'yon. May pa ganon si Koya niyo? Kinikilig ako pero, no.

I went to the balcony and admired the city lights from a distance. The air was cold because we were on the mountains, overlooking Metro Manila. Nilasap ko ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko.

"I've always wanted to go here ever since I was a teen. Thank you for bringing me here," sabi ko nang tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko.

He just smiled at me and said nothing. I went back inside to take a shower and change into pajamas.

I wore my dark blue Old Navy sweater and white sweatpants. Malamig kasi at gusto ko maging komportable matapos ang isang araw na naka-suot ng pang-trabahong damit. I felt so relieved kaya.

I sat on the bed and checked my socials. Ang dami kong notifications! Ang daming nag-react doon sa story ko na habang nasa kotse at hindi ako ang nagda-drive. Nahagip doon ang kamay ni Renzo na nagmamaneho. Hala, hindi ko naman napansin na nahagip pala siya.

ffranchheska_: OMFG NATULOY KAYO?? SHET TAGUMPAY ANG PLANO NI ENGINEER HAHAHAHDHAHFHSKJDKDHDKDJSKSKK

icah_b: gago sino yan HAHAHAHA SINO YAN BEH, DI K N B SINGLE?? hala te HAHAHAHAHAHHA true bato

frncs_: huy huy huy, sino yernn HAHAHA

_raine: are u with kuya?? he isn't here eh tapos that looks like his car

rachmae: omg, are u with reren??? huy, ano na hahahaha, update mo naman me

Nag "haha" react lang ako kay Icah at Frances. Nireplyan ko si Raine, Ate Rach, at Cheska

adelaideclaire: HUY CHES IKAW AH U MAKE PAKIALAM MY THINGS AH

adelaideclaire: hulaan mo, bebe rai

adelaideclaire: ate rach yes but no but yes but no haha????

Natawa naman ako sa lahat ng nag message sa akin. Halatang gustong- gusto malaman kung kami na ba ulit ni Renzo.

After replying to messages, nag-notif naman ang follower requests ko.

engr. c has requested to follow you.

In-accept ko naman iyon agad at nag request din sa kaniya. Mabilis lang din siyang nag-accept kaya naman ini-stalk ko siya agad. Nasa banyo siya pero tapos na ata maligo.

Hindi niya dinelete 'yong mga post niya na kasama ako..... pati 'yung mga nasa story highlights niya. Hindi ko rin naman binura ang mga nasa account ko, pero nakakapagtaka na hindi niya dinelete ang nasa kaniya.

Ang huli niyang post ay ang picture ng facade ng building niya. And then after that, his latest post was way back when he graduated college.

"Hey, let's go to 7/11. I want snacks." Nagulat ako nang biglang magsalita si Renzo sa harap ko, kakalabas lang ng banyo.

Nakasuot siya ng black na sweater at gray sweatpants. Nagpapatuyo pa siya ng buhok gamit ang towel. Haha, ang cute niya.

"Arat!"

I wore my glasses and let my hair down. Suot ko lang ang white Crocs ko at siya rin, naka white Crocs. We both wore a cap kasi mahamog sa labas.

Nang makarating kami sa nearest 7/11, madali lang kaming namili at nakapagbayad dahil bukod sa walang pila dahil hating-gabi na, gusto na rin naming makabalik agad. Bumili kami ng maraming chips, juices, ice cream, sweets, at saka sandwiches.

And as we were about to enter our hotel room, we were laughing. It felt so surreal. Nagkanda lito-lito pa nga kami mabuksan ang pinto dahil tumatawa kami. Hanggang sa pagkapasok namin, nag-uusap at natawa pa rin kami dahil sa mga napag-kwentuhan.

"Tapos 'yon, pinagalitan ako ng prof ko," tumawa ako. "Simula noon, nag-aral na talaga ako ng mabuti."

'Yon ang pinag-uusapan namin habang papasok ng room.

"Ako naman, noong nagpa-renovate kami ng bahay, ako ang nag design noon. Kami ni Dad, actually. Tapos tumutulong din ako sa construction. Hindi ko nakita 'yong bakal doon sa gilid kaya sumabit ako, tapos doon ako bumagsak sa semento na kakahalo pa lang," tumawa siya. Pinag-uusapan kasi namin ang mga tanga moments namin.

Ngayon, nasa balcony kami at kumakain ng mga pinamili namin. Nagkwe-kwentuhan lang, tungkol sa buhay, mga ganoon. Tsaka catching up na rin.

"Was Adelaide your first?" I asked him.

"Ikaw?" naguguluhang tanong niya.

"No, the other one. Adel ata 'yon?" sabi ko.

"How'd you know about Adel?" nagtatakang tanong niya. "I never mentioned anything about her naman, ah," his eyebrows furrowed. "But yes, she was my first, but definitely not my best."

"Renz," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" sabi niya habang umiinom ng drink niya.

"What do you want to happen to us?" deretsang tanong ko sa kaniya.

"Uh, you mean as friends or...."

"The other thing." I chuckled.

"Uh, gusto kong makabawi. Iyon ang isa sa mga gusto kong mangyari. Alam mo namang pinagsisisihan ko lahat. Aminin man natin o hindi, Adi, gusto natin ang isa't isa," sabi niya.

Napatigil ako doon at napa isip-isip din. Kahit gaano kadami kong beses itanggi na ayaw ko na, gusto ko pa rin siya, e. Nandoon lang ako sa denial stage. Hindi ko lang siguro matanggap na nagagawa ko pa ring magustuhan siya kahit nasaktan na ako dahil doon.

"Believe it or not, I've been waiting for you. Ever since I broke up with her, you were all I could wait for. But then, naisip ko naman, how toxic. Kasi sinaktan-saktan kita tapos bigla na lang kitang babalikan?" he scoffed.

"I tried to reach out naman noong umuwi na ako, e. Pero ikaw 'tong hindi namamansin, tinatrato akong parang hangin. Buti pa nga mga kapatid mo, e. Buti pa sila sinabing na-miss nila ako. E, ikaw? Ano'ng ginawa mo? 'Di ba wala?" sabi ko.

Renzo went silent and was just looking at his hands and playing with it. Feeling ko nag-iisip siya ng sasabihin niya kasi wala naman talagang pwedeng i-katuwiran doon.

"Nahihiya kasi ako. Hindi ko lang maisip na kakausapin pa kita matapos ang ilang taon na pag-iwas ko sa 'yo." Napahilamos siya.

"Do you want to be together?"

Biglang umangat ang tingin niya sa akin nang sabihin ko 'yon.

"Can we, really?" he asked, with hope in his eyes.

"Alam kong mabilis ang phasing, pero bakit pa natin patatagalin?"

"Adelaide," he held both of my hands and kissed it.

"Hmm?"

"Will you be mine... again?"

*****

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon