Renzo
I woke up at 6 AM. Ngayon ang announcement of awardees, and the last day of college.
I was praying hard for Latin honors so badly. I really want to make my parents proud. Their hard work will pay off. Alam kong ginawa ni Dad ang lahat para siguraduhing mapalaki kami ng tama at mabigyan kami ng magandang edukasyon. And this is us giving back the favor. Ate is doing well in med school, Rai excels in high school, and me, I'm graduating. Engineering wasn't a joke. It might be one of the most difficult courses, even. I am proud of myself, of course.
I've been through many adversities through college. Hindi ko nga lang ipinapakita na nahihirapan ako, kasi I had a goal. Hindi ko ipinapakitang sukong-suko na ako dahil ayaw kong madismaya sa akin ang mga magulang ko. May mga panahon na tumutulo na lang ang luha ko sa tambak ng gawain na hindi ko magawa-gawa at hindi ko alam kung paano ako uusad.
Ever since I got close with Ate, she was my safe space. She lets me feel what I feel, and she taught me to allow myself feel what I feel. She told me that it's okay to rest sometimes, then back to the battlefield again. My sisters were there at my best, at my worst.
Especially at the worst.
I owe them a lot. When it is their time, I'll be there for them.
I went to school for the last time as a student, and as a LaSallian. I wore a plain green polo shirt, denim pants, and white sneakers. I fixed my hair to the side. I wanted to look good on my last day, of course.
"Utol!" Sigaw sa aki ni Charles nang masalubong ako. "Hayup ka talaga, 'tol!" Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya.
Cabrera, Maverick Renzo M. Magna Cum Laude.
"Gago...."
Hindi ko alam ang sasabihin o iisipin ko. Totoo ba 'to? Totoo talaga? Magna Cum Laude? Tama ba ang basa ko? Hindi ba ako namalik-mata? Hindi ko na alam, basta, nakita ko na lang ang sarili kong naiyak sa harap ng mga kaibigan ko.
"Uy, gago! Umiyak!" Nag-aalalang sabi naman ni Kev.
Cum Laude rin ang dalawang gago. Nakakamangha dahil tamad 'yang mga iyan, e! Basta, napaluha na ako at natuluan pa ng luha ang cellphone ni Charles.
"Gago kayo," sabi ko habang naluluha. Hindi ko na napigilan ang saya ko at napasigaw na lang. Wala akong pakialam kung maraming makakita at mag mukha akong tanga. "Uuwi na ako, kayo na lang mag-celebrate ng araw na ito. Congrats sa inyo, mga utol. Proud ako sa inyo." Parehas ko silang binatukan.
Buong byahe ata pauwi ay nakangiti. Hindi ako magsasabing uuwi ako para surprise. Matutuwa si Mami nito, si Ate din, si Rai din, si Dad din, si Adi din! Ay, kaso nasa ancestral house pala siya. 'Di bale, susunduin ko na lang siya.
Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at masayang pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko silang lahat na nasa sala at hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Back so soon, Kuya?" Sabi ni Rai.
"Ma...."
Nag-alalang tumayo si Mami sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko nang tumulo na naman ang luha ko.
"Ano ang problema, anak ko?" Nag-aalalang tanong niya din.
"Ma..... Magna Cum Laude ako, Ma."
Parang hindi na nakapagsalita si Mami at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit. Nang bumitaw siya, nagkandatumba-tumba pa ako nang sugurin ako ng dalawa kong kapatid sa tuwa. Niyakap ako ni Ate sa harap habang si Raine naman ay yumakap sa likod.
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...