16

50 4 27
                                        

It was a sunny Sunday morning. I am in the bathroom, preparing for church. I wore a black laced dress, black stilettos with gold designs. I fixed my hair in a messy bun and let a few strands fall down on the front. I took my black purse and then went downstairs. I wore my pearl clip before going outside.

'Yung red sedan lang ang ginamit namin since wala naman kaming kasabay. Si Daddy naman ay naka dark-blue na polo tapos slacks. Ewan ko ba, there's nothing special about this Sunday pero bongga ang suot ko, hindi ko rin alam.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Daddy. Napansin siguro niyang tahimik lang ako rito.

"Yes, may iniisip lang ako," I sighed. Iniisip ko kasi kung paano kaya pag nagkatrabaho na si Kuya Ren, naisip ko ito dahil last sem niya na at ga-graduate na siya. "Iniisip ko kung paano na kaya mangyayari pag naka-graduate na si Kuya Ren,"

"Ah, eh, malamang magiging engineer na siya?" Pilosopong sagot sa akin ni Daddy.

"Hindi kasi, I mean sa amin,"

"May kayo ba?"

Mapanakit ah.

"I mean sa friendship namin kasi!" Naiinis na 'ko. Naging kampon na ata ni Cheska ang daddy ko.

"Ah, he'll probably be busy. Since kailangan niya mag-review para sa board exam. Tapos pag officially engineer na siya, mas mahirap na siguro siya hagilapin since may trabaho na." sabi niya.

Nakakalungkot naman isipin. Maybe I should spend more time with him before I lose the chance.

Nakarating na kami sa church at syempre una kong nilapitan ay sina Icah. She was wearing a dark-purple and black gradient dress. 'Yon kasi talaga ang favorite colors niya. Nang tingnan ko si Frances, naka green naman siya. Buti na lang talaga nag-heels ako kasi nag heels rin silang dalawa. Alangan namang maliit ako dito, 'no.

Hindi na ako nag-abalang hanapin pa si Kuya Ren kasi nakita ko naman na ang sasakyan niya sa harapan kaya panatag na akong nandito siya. Pumasok na kami sa loob at nag-start na rin agad.

Pagkatapos ng church, pagkalabas namin, agad ko namang natanaw na si Kuya Ren kaya nilapitan ko na siya.

"Adi, may laro mamaya, nood kayo?" Bungad niya sa akin.

Si Kuya Ren na ang bagong president ng Sports Committee, tapos si Aaron ang pumalit bilang VP. Nagulat nga rin kami eh dahil hindi naman ganoon ka-sporty si Aaron. Pero ayun nga, noong nagka trabaho na si Kuya Matt, si Kuya Ren ang pumalit.

"Aba'y malamang! What time?" Tanong ko naman para malaman ko kung gaano ako katagal mag-aayos.

"5 PM, sa gymnasium. I'll pick you up at 4:30, siguro," sabi niya. Tumango ako at tiningnan lang siya. "Breakfast tayo? Treat natin sila?"

"Sure. Hati na lang tayo," I gave him a smile. "I'll just inform Daddy and our friends." Tumalikod na ako at naglakad papalayo at napatigil nang tawagin niya ako.

"Adi," lumingon naman ako, syempre. "You look beautiful." He gave me a smile and I smiled back.

Pumunta na ako kayna Daddy at kayna Icah.

"Daddy, Icah, breakfast daw sabi ni Kuya Ren. Treat daw namin since may laro mamaya."

Nang lingunin ko si Icah, nakita kong katabi niya si Aaron na naka lavender na polo.

"Ay, may pa-matchy?" I gave them a playful smirk.

"Bakit ba? Kayo rin naman, ah." sabi ni Icah. Napalingon tuloy ako kay Kuya Ren at nakitang naka black dress shirt pala siya! The walang originality strikes again.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon