"Cely ayos na ba iyang ginagawa mo?" Bungad ni Manang nang makapasok siya sa kusina.
Umangat ang aking tingin bago siya nginitian kasunod ng pagkasara ko ng topperware.
"Opo hahatid ko nalang 'to kay sir Brianze Manang," sabi ko kay manang. Kinuha ko na din iyong malaking bag para sa lahat, lumipas na din kasi ang tatlobg linggo simula noong nakausap ko si Bianca at sir Brianze at may pagbabago ang nagaganap napapansin kong unti-unting bumabangon si sir Brianze at hindi na ito umiinom hindi katulad noon, alam kong sinusubukan talaga niyang mag move on, tinutulungan ko siya para doon, minsan pag-uwi niya nag-mo-movie marathon kami sa glass house kahit isang movie lang parang iyon 'yong naging libangan niya para hindi maalala si Bianca at masaya ako para sa kaniya....
Hindi ko din inaakala na makakatulong ako ng malaki para makapag-isip-isip siya kasi iyon lang naman gusto ko, gusto ko nagsimula ulit siya ng wala si Bianca kahit maiksi man ang panahon na naging sila pero ang nararamdaman niya kay Bianca ay hindi biro dahil ilang taon niyang hinintay si Bianca....
"Sige pumunta ka na, magtatangahalian na din baka hinihintay ka na ni Brianze doon." Tumango ako kay manang at kinuha lahat ng inayos ko na pagkain niya, ilang linggo na din kami ganito pumupunta ako sa opisina niya para damayan, hindi ko nga din alam kung para ba sa akin ginagawa ko o sa kaniya, naiisip ko din kasi na baka sakali matutunan niya akong mahalin pero bahala na. Hindi na ako umaasa bahala na ang tadhana kung mangyayari man ang gusto ko pero ang pinagusto ko lang naman ay ang bumangon siya kasi hindi pa tapos ang buhay niya, gusto kobg matutunan niya na hindi nas iisang tao nakaksalalay kaligayahan niya...
Nag-abang agad ako ng taxi papunta sa kompaya ni sir Brianze mabuti nalang kilala na ako ng mga guard kaya hindi na ako pinipigilan pumasok kahit walang pass, noong una kasi halos kaladkarin ako paalis kung hindi lang bumaba si sir Brianze baka nakalupasay na ako sa lupa, kaya nga hiyang-hiya sila noong nalaman nila na kasama ko si sir Brianze pero ok lang naman pero sarap lang talaga nilang bigwasan hahaha.
"Nandito na po tayo," agad kaming nagbayad sabay takbo ko palabas.
"Hi manong guard! Magandang umaga po!" Kaway-kaway ko sa kanila. Naging close ko na nga din sila kulang nalang ayain ko makipaginuman. Pero biro lang hahaha.
Pumasok ako sa loob ng kompaya at dumiretso sa office ni sir Brianze. "Cely nandito kana pala hindi pa bumabalik galing sa meeting si Mr.Chavez hintayin mo nalang siya sa loob." Siya nga pala si Stacey bagong secretary ni Sir Brianze, mabait siya mahiyain din pero dahil sa naging malapit kami hindi na siya naiilang sa akin.
"Talaga ba? Sige pasok na ako ha?" Tumango siya sa akin akma na sana akong papasok sa loob pero napahinto ako ng may maalala akong gawin. Unti-unti akong humarap kay Stacey bago ngumiti at nilapag ang dala ko sa lamesa niya.
Nakakunot naman ang noo niya pero may nilabas akong maliit na baunan doon na may kasama na ding ulam.
"Ito oh napansin ko kasi nung isang linggo tinapay lang kinakain mo, gipit na gipit ka ba?" Tanong ko. Napag-alaman ko kasi na galing sa mahirap na pamilya si Stacey tapos ito ang unang beses niyang nagtrabaho nakwento din niya na sampo silang magkakapatid at wala na siyang magulang siya mismo ang bumubuhay sa mga kapatid niya na nag-aaral din kaya napansin ko na wala siyang pera para bumili ng pagkain niya kahit kanin at ulam lang dahil sa panahon ngayon ang mahal na lahat ng bilihin.
"A-ano hindi mo naman kaylangan gawin 'to Cely," naiilang na sabi niya. Isa ding cute ito dahil sa dakila akong marites nalaman ko na pinopormahan siya ng director ng kompanya, kakakilig nga eh hahahah.
"Tanggapin mo na iyan ako nagluto niyan, sabihin mo nalang sa akin kung masarap pag natapos mo na ha? Sige pasok na ako sa loob," sabi ko. Akma na sana akong aalis nang hinila niya ang laylayan ng damit ko..
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...