CELY
Nang makarating kami sa lugar nila Mr and Mrs.Myer agad din naman nila kaming sinalubong mismo sa tapat ng napakalaking gate. Mangha nga ako dahil sa sobrang laki nito.
Lumabas kaming lahat sa kotse ni sir Brianze nasa kanan ko si sir Brianze habang katabi naman niya si Bianca habang nasa kaliwa ko naman si Jack medyo nauuna kaming dalawa ni sir Brianze.
Nang makatapat kami mismo kay Mrs.Myer bigla nalang itong nagsalita na ikinagulat naming lahat.
"Kayo talagang dalawa ang ganda niyo tignan so kaylan kasal?" Mahiya-hiya akong iwinagayway ang aking palad pero sa aking loob-loob pati ata pwet ko namumula na sa pinagsasabi ng matanda.
"Ahhmmm ano po kase--" nahinto ako nang biglang tulak ng bruha sa aking palayo kay sir Brianze bago niya inilahad ang kaniyang kamay kay Mrs.Myer.
"I'm Biance po, girlfriend ni Brianze."
Halata naman sa mukha ng dalawang mag-asawa ang gulat habang ako gusto ko na siyang itapon hindi ko talaga lubos maiisip bakit sinama pa niya itong pick me girl na ito, o diba may alam na akong english kahit papano."Ahh gano'n ba, nice to meet you ijah," sabi nilang dalawa at kinuha din naman ang kamay ng babaeng kulang sa pansin. Binaling pa niya ang kaniyang tingin sa akin bago ako inirapan. Dahil sa wala sa bokabolaryo ko ang magpatalo ginawa ko din ang ginawa niya habang si sir Brianze naman hindi malaman kung sino ang aawatin sa aming dalawa. Buti nalang hindi kami nahahalata ng mag-asawa dahil kasalukuyan na sila ngayong nakatingin kay Jack, nagtataka ako dahil napatitig din sila.
"Oh itong gwapong lalaking to boyfriend mo Cely?" biglang tanong sa akin. Agad naman akong napailing.
"Hindi po lola sinama ko lang po siya kasi baka magmukha akong alalay, pero kaibigan ko po yan," bulong ko kay lola habang nakangiti. Nakita ko din naman siyang napangiti.
"Sayang naman akala ko kayo ni Brianze ijah eh," bulong niya. Napangisi naman ako doon. Si lola talaga
"Bagay po ba kami?" Bulong ko. Oo ako na kumukuha ng pagkakataon, ngayon lang ito lubos lubusin kona hindi ba?
Kahit gustong pigilan wala talaga ayaw na umahon ng puso ko....
"Hahaha ikaw talaga tara na nga," sabi niya.
Nauna siya naglakad naiwan lang kami na nakahinto, pero sila sir Brianze ewan ko kung bakit hindi pa sila sumusubod naglalandian nanaman siguro doon. Hindi ko ba alam nandidiri ako makita silang dalawang naglalampubgan, siguro dahil bitter lang talaga ako."Ijah." Napatingin ako kay lola pero nasa malayo na siya.
"Tungkol sa tanong mo.... oo ang sagot ko," sabi niya habang nakangiti. Hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa matanda.
"Waaahhh talaga po?!" tanong ko. Napatalon pa ako sa tuwa. Nakita ko din naman siyang tumango.
"Hoy ano yung pinaguuspan niyo ha," biglang akbay ni Jack sa akin naibalik ako sa wisyo.
Natigilan si lola, bigla siyang naglakad palapit sa amin nagtataka naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ang kamay ni Jack.
"Ijoh naniniwala ka ba sa hula?" Tanong niya kay Jack. Tumango naman si Jack maging ako din naniniwala ako syempre wala namang mawawala hindi ba.
"Manghuhula po ba kayo?" Tanong ni Jack bigla naman natawa si Mrs.Myer sa kaniya bago umiling
"No pero nagpahula ako sinasabi kasi doon sa hula may isang binata na darating sa bahay namin, isang binata na magiging parte ng pamilya namin," sabi niya bago tumingin sa akin. Nagtaka naman ako doon maging si Jack nanlaki ang mata.
Hindi na din namin namalayan na umalis na pala siya saka lang kami naibalik sa wisyo nang biglang may kung sino ang nagsalita sa likuran naming dalawa.
"Respeto naman pre ang pag akbay para lang sa taong may relasyon pwera nalang kung sinabi niya talaga," biglang sabat ni sir Brianze. Doon naman ako natigilan sa sinabi niya nagtataka ako bakit ganoon siya mag-react wala din naman siyang pake kung akbayan man ako ni Jack dahil ganoon naman kaming dalawa.
"Teka nga Brianze bakit ba pinapakilaman mo 'yang dalawang yan duhhh hindi sila nararapat sa atensyon mo." Biglang naningkit ang aking mata sa aking narinig.
"Oh hindi pala kami nararapat sa atensyon mo sir una na kami baka hindi ako makapagtimpi ilublob ko sa palayan 'yang kasama mo," sabi ko sabay talikod ko kasunod na hinila ko na din si Jack. Nakakainis kasi iyong babaeng iyon ang sarap tapalan ng tape ang bunganga. Magsasalita nalang puro hindi pa maganda lumalabas sa bunganga niya.
"Astig mo talaga Cely," sabi ni Jack habang natatawa. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangisi.
"Naiinis lang ako sa babaeng 'yon ang hilig hilig nyang sumasabat sa may usapan ng may usapan," sabi ko. Totoo naman kasi kung pinanganak siyang may respeto hintayin niyang matapos makapagsalita ang tao, pinanganak siyang kahit papano may kaya sa buhay alam dapat niya iyon hindi 'yong nagmumukha siyang walang alam.
"Oh wag kanang mainis baby Cely, ngiti kana oh," sabi nya sabay pisil ng pisngi ko. Napakunot ang aking noo sa kaniyang ginawa bago ko siya tinulak
"Waaahhh ang sakit jack!" sigaw ko. Pinagpapalo palo ko pa siya.
"Hahaha mukha kang bunny," sabi niya habang tawang-tawa. Sinusubukan pa niyang abutin ulit pisngi ko pero tinulak ko ulit iyon. Ngunit nagulat ako sa sumunod niyang ginawa hinawakan niya nag magkabila kong kamay habang ako nagtataka sa susunod niyang gagawin. Nakatulala lang ako hanggang sa maramdaman ko ang kung anong dumapi sa aking noo sabay inilayo ang kaniyang mukha at biglang ngumiti
"H'wag kanang magalit sa ganung tao dahil nagsasayang kalang ng lakas. Don't worry pag sinagot ka ulit ng babaeng 'yon ako na makakalaban niya, barkada mo ako right?" Natigil ako sa balak ko pa sanang sapakin siya dahil sa paghalik niya sa noo ko pero na touch talaga ako sa ginawa niya, tama naman siya sino ba ang babaeng iyon para pagaksayahan ng oras hindi ba?
"Thank you Jack you're the best talaga," sabi sabay akbay sa kaniya at nagsimula na ulit kami maglakad papunta sa bahay nila Mrs.Myer, hindi na din ako nagulat na mala mansyon ang bahay nila, alam ko na sa gate palang nila na malaki talaga bahay nilang dalawa.
"Hindi ko din type yung pag-uugali ng babaeng 'yon, sige sabihin nating mas maganda siya at sexy....."
Bigla kong pinalo si jack doon, "so ako hindi maganda?!" sigaw ko bigla naman siyang tumawa.
"Hahaha maganda ka naman kaso tinatago mo lang pero dyan nakikita ang tunay na ganda kahit wala kang kolorete sa mukha or hindi ka nagdadamit ng sexy na damit maganda ka parin," sabi niya sabay kusot ang aking buhok.
"Sus bola pa Jack ha kotang kota na ako d'yan, sa ilang taon na kitang kaibigan ganiyan na pananalita mo hahahaha kakaumay ka," sabi ko. Nakita ko namang napasimangot siya.
"Aray naman Cely sakit non ha, ok lang pogi naman ako," pagyayabang niya. Naku may malakas nanaman na hangin ang sumasalanta sa lalaking 'to.
"Kapal mo hahaha mukha ka kayang aso," pangaasar ko matapos kong sabihin iyon agad din naman akong tumakbo para takasan siya.
"Hoy Cely oo na ako na mukhang aso syempre cute ang aso, ayun ohh sinabihan nya akong cute," sigaw niya. Sa hindi kalayuan lumingon ako sa kaniya.
"Hahahaha may sinabi ba ako gano'n hahahah," sabi ko mula sa malayo.
"Oh ijah halika na dito kanina ko pa kayo hinihintay akala ko tumitingin-tingin muna kayo sa tanawin bago pumunta dito eh," sabi ni Mrs.Myer nang makarating ako sa loob ng mansyon nila.
"Hindi po may porblema lang pong nangyari pero ok napo hehehehe." Nakita ko namang ngumiti siya sakin. Masaya ako na nandito kami pero mas masaya siguro ako kung ako 'yong nasa pwesto ni Bianca.
Sana nga lang...
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
Любовные романыSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...