Chapter 34

1.5K 40 0
                                    

"Woah ang ganda dito anong pangalan po ng resort na ito?" Tanong ni Cely nang makarating sila.

Tinitigan naman ni Brianze si Cely bago napailing. "It's a camping site Cely," Sabi nito na ikinalingon ni Cely, maya-maya pa ng ma-realize niya ang sinabi ng binta napasimangot nalang siya.

"Ay camping pala, nagbago na," sabi nito bago tumango tango na ikinatawa ng malakas ni Brianze bago wala sa sariling hinila si Cely upang guluhin ang buhok nito.

Sa ginawa ng binata nagkatitigan silang dalawa habang nakangiti at wala silang kaalam-alam na meron na palang pares ng mata na pinagmamasdan sila, nakaguhit dito ang nanlulumong mga  mata at nakatikom na bibig, gustuhin mang sumingit upang matigil ang pagtitigan ng dalawa ngunit hindi din siya madala ng sariling paa at pinilit lang na lunukin lahat.

"Cely hindi mo ba gustong pumasok sa kubo?" Tanong ni Brianze habang pinagmamasdan ang bundok na katapat lang nilang dalawa, nasa gitna nito ang river at sa kabila noon at pabundok na hindi na sila nagtataka dahil sa lugar na ito ay bundok talaga.

"Ang ganda pagmasdan ng mga ganito Sir, mamaya na siguro, alam mo kasi minsan lang tayo makalanghap ng sariwang hangin hindi katulad sa manila puro hangin lang mula sa tambucho ang malalanghap natin idagdag mo pa iyong mga tambay na ang hilig magsunog ng baga. Hays aalis na din tayo sa susunod ng araw," sabi ni Cely habang nakatingin sa kapaligiran. Sa sarili naman ni Brianze gusto niyang sumang-ayon sa sinabi ni Cely dahil tama naman siya.

"Then let stay here for a bit," sabi ni Brianze bago ito umusog katabi si Cely, ngayon nakaupo na sila sa bato na medyo flat.

"Cely I don't want to offend you pero bakit hindi ka masyadong makaintindi ng english, nakatapos ka ng highschool hindi ba?" Tanong ni Brianze na ikinalingon ni Cely sa kaniya.

"Gusto mo marinig 'yung totoo sir? Ang totoo nyan hindi naman talaga ako pala pasok at lagi ko din tinutulugan subject ko, nakapasa lang ako dahil sa floor wax hahahhaah joke pero iyon ang totoo mabait kasi akong estudyante kaya ayun." Napanganga si Brianze sa kaniya. Alam niyang maloko ang dalaga simula ng makita nito pero may ikakaloko pa pala ito ng marinig niya ang sinabi nito na isa pala siyang huwarang estudyante, kaya naiintindihan na niya kung bakit.

"Wala ka manlang bang cellphone? Ang iba natututo mag-english dahil sa social media or internet. Many of them use to watch drama and anime and they learn from it by reading subtitle at saka ang ibang teenager mahiling magbasa ng fiction book hindi mo manlang ba nasubukan ang mga iyon?" Napangiwi naman si Cely kay Brianze.

"Sir naman, alam mo naman na mahirap lang kami diba? Nagkaroon lang ako ng cellphone nung debut ko second hand pa, mas gugustuhin namin na bumili nalang ng ulam at bigas kaysa ibili ng cellphone na hindi ko naman talaga kaylangan ng panahon na iyon." Hindi makapaniwala si Brianze sa kaniyang narinig. Ayaw na niyang isabi kay Cely kung ilang taon siya nagka-gadget dahil baka maoffend pa ito sa kaniya.

"Im just curious about it," sabi ni Brianze na naubusan na talaga ng masasabi. Napatagilid naman ng ulo si Cely.

"Curious ano meaning no'n?" Tanong niya habang ganoon parin ang posisyon ng kaniyang ulo. Nginitian naman siya ng Brianze.

"Gusto kong alamin," Nakangiti niyang sabi na ikinatango ni Cely ng ilang beses.

"May gusto pa akong malaman na ibig sabihin nito sir si Althea kasi parang nauutal nung tinanong ko siya anong ibig sabihin, hindi ko tuloy sigurado kung alam ba niya ibig sabihin no'n o hindi," sabi niya. Dinampot ang bato bago ito inihagis sa tubig..

"Sige ano iyon?"

"Ashame to yourself? Ito ang narinig ko sayo nung araw na pinagalitan mo ako sir." Nagtataka talaga siya sa ibig sabihin no'n.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon