Chapter 36

1.3K 42 0
                                    

"C-Cely? Stop right there....." Napahinto ako at tila ba natuon ang katawan ko sa aking kinakatayuan.

Lagot!

Dahan-dahan akong humarap dahil naramdamang ko ang yabag niyang palapit sa akin..

"Hehe, Hello Bianca," kinakabahan kong sambit dahil mahirap na baka makatanggap ako ng sampal sa kaniya, lalo na nahuli niya akong nakikinig sa usapan nila nung babae kanina.

Napansin ko siyang nagpunas ng luha sa kaniyang mata bago napabuntong hininga. "You heard it all?" Tanong niya ng malumanay. Gusto kong mapakunot ng noo dahil sa lumanay ng boses niya parang hindi siya ang Bianca na nakilala ko.

"I-ikaw ba talaga 'yan?" Utal kong tanong dahil ang laki talaga ng diperensya ng nasa harapan ko sa Bianca na girlfriend ni sir Brianze.

Marahan din siyang tumango at pansin ko ang panay buntong hininga niya, problemado nga ang isang ito.

"I know you already gets what happening right?" Tanong niya. Doon naman ako marahang tumango kahit wala akong sinasabi.

Naupo si Bianca sa lapag doon na pwedeng upuan habang ako umupo ako sa tabi niya ng walang imik.

"A-alam na ba ni Sir Brianze i-ito?" Ako na mismo ang nagbasag ng katahimikan. Umiling naman siya ng hindi lumilingon.

"Hindi, hindi niya alam ang lahat, hindi ko masabi ang totoo dahil alam kong masasaktan lang siya." Nakakagigil din ang isang ito eh, sana nandito si Althea para pigilan akong bigwasan ang ulo nito.

"Pero alam mo ba mas masasaktan siya pag mas pinatagal mo pa? Mahal ka ni sir Brianze, nagmamadali nga kaming umuwi, kung wala lang talagang nangyari doon sa lugar na pinuntahan namin." Pinagmasdan ko siya at nakita kong napalunok nalang siya.

"Yes I know alam kong mahal ako ni Brianze since then, ang totoo niyan kaya ko siya ni-reject dahil sa hindi talaga interesado sa lalaki at iyon ang hindi alam. Ang alam nilang perpektong babae may tinatago pala, takot ako maging sa responsibility not until I met Ashlyn, siya ang nagturo sa akin na harapin ang kinakatakutan ko, nagkaroon din ako ng lakas ng loob para isabi kila mama na kami ni Ashlyn but they didn't listen to me then force me to have a relationship with Brianze. Hindi ko din inaakala na magiging boss ko siya, hindi ko sinadya iyon pero nang malaman nila mom and dad na nagtratrabaho ako sa isang mayaman na boss at napag-alaman din nila na siya ang nanliligaw sa akin dati, pinilit nila ako para daw umangat ang negosyo namin..... to be known. I tried, naging week nga kami ni Brianze hindi ba? Para lang mapagbigyan sila pero hindi ko din kinaya and the last time I saw Ashlyn in Tanay with someone, doon ko na-realize na sana pinaglaban ko siya na sana hindi ko na ginamit si Brianze para sa kagustuhan ng magulang ko." Pinagmamasdan ko siya habang nagkwe-kwento at bakas sa kaniyang mukha ang lungkot at pagsisisi.

Ganoon ba talaga pag ang isang magulang sabik sa kapangyarihan? Hindi na nila iisipin ang mararamdaman ng anak nila. Hindi ba sila ang sumuporta sa lahat ng gusto niya dahil sila ang pamilya nit? Hindi ko parin talaga maintindihan at nag-e-exist parin talaga ang mga ganito.

Nagdadalawang isip akong ipatong ang kamay ko sa balikat niya pero sa huli naipatong ko din iyon bago siya tinapik ng maharan dahilan para mapalingon siya, kaya naman ngumiti ako.

"Naiintindihan ko na, pero mas lalo mong dapat isabi kay sir Brinaze ang totoo, alam kong maiintindihan ka niya, mahal ka no'n eh at saka mabait siya," sabi niya dahil sa pagbanggit ko ng "mahal" mas nalungkot siya, naku napaalala ko pa ata nararamdaman niya.

"Ganito nalang tutulungan kita!" Masigla kong sabi para maiba ang nasa kapaligiran namin masyadong malungkot.

"You will help me? We're not even friends and I also insult you." Napakunot ako bago tinaas ang kamay ko.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon